NOTE: Pasensya naman po at halos isang buwan akong hindi nakapagpost. masyadong busy sa OJT sa ospital at kung anu ano pang kung ano sa skwela.
_________________________________________________________________________
‘PJ, nagdudugo ilong mo.’ Pangalawang beses kong pagtawag ng pansin nito.
‘Oo nga PJ. Nagdudugo ilong mo.’ Pag sang-ayon ni Eman.
Agad namang tumayo si PJ at tinungo ang salamin. Nakita nga niya na nagdudugo ang ilong nito. Agad-agad niyang pinisil ang ilong nito at yumuko.
‘Okay ka lang ba?’ tanong ni Jake dito.
‘Oo, okay lang ako.’ Malumanay na tugon ni PJ sa aming tatlo at tinuloy ang aming munting salu-salo.
Sabihin mang okay lang ang taong mahal ko e sa mata pa lang nito ay bakas na meron itong dinaramdam. Hindi ko na lang ito pinansin at baka naghihinala lang ako.
‘Sigurado ka bang okay ka lang?’ muling tanong ko kay PJ. Tumango lang ito at ngumiti sa akin.
‘Magpahinga ka na lang muna diyan sa bed ko.’ Utos ko sa kanya. Agad naman niyang sinunod ito at humiga na sa kama ko sa sala habang ako ay nagliligpit na ng mga pinagkainan naming magkakabarkada.
___
Dahil sa utos ni Mac, agad naman akong humiga sa kama niya at nagpahinga. Nakaramdam din ako ng kaunting hilo at panghihina.
‘Ano naman kaya itong nararamdaman ko?’ usal ko sa sarili ko. Naghanap ako ng salamin sa mesa ni Mac at tinignan ko ang sarili ko. Napansin kong namumutla ang mga labi ko. Napaisip ako, anong sakit ang dumapo sa akin? Baka sa sobrang stress lang ito. Pero hindi din. Hindi din naman gaanong nakakastress ang maging HRM. Wala namang gagawin dun kundi magluto at magtour lang.
Pumikit na lang ako at inisip na baka simpleng anemia lang ito. Maya maya pa’y lumapit na si Mac sa tabi ko.
‘Pidyong. Okay ka lang ba talaga?’ tanong niya
‘Hindi ko nga alam eh. Kanina nagdugo ilong ko, tapos nahilo pa ako.’ Mahinang sagot ko. ‘Baka sa pagod lang to.’
‘Magpahinga ka na lang muna diyan. Ako na muna magaasikaso sa kanilang dalawa.’ Tugon ni Mac at umalis na papunta sa kusina para asikasuhin sina Eman at Jake habang ako naman ay napapikit na lang. Maya-maya ay tuluyan na akong nilamon ng antok.
-----
Lumipas ang buong araw na natutulog si PJ sa kama ko. Hindi ko na ito ginulo dahil alam kong sobrang pagod ito. Nakakadismaya lang at yung mga kabarkada naming mga babae ay hindi talaga dumating sa espesyal na araw naming dalawa ni PJ.
Gabi na nang makaalis na sila. Umakyat din saglit si kuya Andrew para magpahinga. Agad kong nilapitan sa kama ko si PJ. Pinagmasdan ko ito at talagang napakagwapo nito.
Napangiti ako sa kanyang maamong mukha na parang laging nangingiti, ang kanyang kaputian at ang napakakisig nitong katawan. Isama mo pa ang pagkakinis-kinis niyang kutis at mga balahibong-pusa sa kanyang mga binti at hita.
Napangiti ako sa kanyang maamong mukha na parang laging nangingiti, ang kanyang kaputian at ang napakakisig nitong katawan. Isama mo pa ang pagkakinis-kinis niyang kutis at mga balahibong-pusa sa kanyang mga binti at hita.
Naalimpungatan ito at napansing nakatitig ako sa kanya.
‘May kung ano ba sa mukha ko at ganyan ka makatingin Makoy ko?’ nakangiti nitong sabi.
Natawa na lang ako sa sinabi nito.
‘Ikaw talaga makoy ko. Kaya minahal kita eh. I love you Mac.’
‘Mas mahal din po kita Pidyong.’ Sagot ko sa kanya.
Akmang maglalatag na sana ako sa sahig nang bigla akong pigilan ni PJ.
‘Tabi na lang tayong matulog.’ Pag-yaya nito sa akin.
‘Ang sikip kaya. Sa laki ba naman ng katawan nating dalawa, di tayo kasya diyan sa bed ko. Adik ka talaga.’ Tugon ko sa kanya.
‘Sige ganito na lang. Maglatag ka na lang diyan sa sahig tapos tabi tayong dalawang matulog. Hayaan mo na si Edward doon. Kaya niya namang asikasuhin yung buong bahay.’
Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at nagsimula nang maglatag ng kutson sa sahig. Tutulong sana si PJ na makilatag pero pinigilan ko. Ayokong napapagod ang taong mahal ko.
‘Stay put ka lang diyan. Ako na bahala dito sa higaan natin.’ Nakangiti kong sabi sa kanya. Nginitian niya na lang ako pabalik.
Humiga na kaming dalawa sa kutson nang tumunog ang cellphone ni PJ.
‘Si Edward.’ Maikling sabi ni PJ. ‘asan daw ako.’
Napatawa ako nang pagak, ‘sabihin mo nasa kapitbahay lang nanggugulo.’
Agad namang tinext ni PJ si Edward at sinabing nasa bahay namin siya. Nang matapos na si PJ magtext ay niyakap naman ako nito habang ako ay naglalaro ng Tekken sa PSP.
‘Makoy,’ bulong nito sa akin.
‘Bakit po?’ sagot ko dito.
‘Kung sakaling mamatay man ako, ako magiging guardian angel mo ah. Di ako papayag na may iba kang guardian angel.’ Sabi nito.
‘Anong ibig mong sabihin?’ nagtataka kong usal dito.
‘Wala lang. Baka kasi kung ano na yung kaninang pagdudugo ng ilong ko eh. Hindi naman ako mangmang sa mga ganung bagay. Kapatid ko ba naman e nurse. Malay mo lang. Simula ko pa lang sasabihin sa iyo, mahal na mahal kita Marc Julian.’
‘Nako wag ka ngang magsabi ng ganyan!’ malakas kong sabi. Bumalikwas ako ng higa. Pinipigilan ko ang mainis, oo ngayon lang kami naging kami. Pero kung tutuusin naman tatlong buwan na din akong inlove sa kanya. At alam kong ganun din naman siya sa akin.
‘Bakit?’ tila nagtataka nitong tanong.
‘Basta. Ayoko ng mga ganyang biro mo.’ May asar na tono kong sabi dito.
‘O sige na po hindi na po. Basta ang akin lang, mahal na mahal po kita. Simula pa noong una kitang nakilala. Tinamaan na ako sa iyo.’ At muli akong niyakap nito. ‘bukas magpapasama ako kay bunso na magpatingin sa doktor. Concerned lang din ako sa sarili ko as much as you do.’
‘Mabuti pa nga yun.’ Ani ko at muli akong humiga sa tabi niya.
Maya maya ay bumaba si kuya Andrew.
‘Aga niyo naman ata mahiga?’ tanong ni Andrew.
‘Si PJ kasi kuya, nagdugo ang ilong. Tapos namutla pa tsaka nahilo. Buti nga ngayon medyo okay na siya eh. Pinagpahinga ko na din siya.’ Wika ko habang nakatingin kay PJ na ngayon ay naglalaro ng PSP ko.
‘Siguro kailangan lang niyang magpahinga ng todo. Alagaan mong mabuti yan si PJ mo. Ramdam kong mabuting tao si PJ.’
Tumango naman ako bilang pagtugon sa sinabi ni kuya.
‘Kuya doktor ka naman di ba? Magpapatingin daw si PJ eh.
‘Adik ka? Pediatrician ako. Masyado nang matanda yang si PJ.’ natawang sabi ni kuya.
‘Pidyong ilang taon ka na?’ tanong ko kay PJ.
'19. Bakit?’ sagot nito habang di inaalis ang konsentrasyon sa paglalaro ng PSP.
‘O kitam. Tanda na nyan.’ Natatawang sabi ni kuya.
‘Sama mo kuya’ natatawa kong sabi.
‘Hayaan mo, sabihin ko na lang sa mga co-doctors ko na magpapacheck up yang si PJ bukas. Magseset na lang ako ng appointment.’ Wika ni Andrew.
‘Salamat kuya. The best ka.’ Nakangiti kong sabi.
‘No worries Mac. O tara kain ulit tayo dito. Di ko kayang ubusin tong pizza ah.’
Muli ay tinawag ko si PJ para kumain ng pizza. Maya-maya ay dumating din si Edward at nakisalo na sa aming tatlo.
‘Ah Edward, si kuya Andrew. Kuya ni Mac.’ Pakilala ni PJ kay kuya.
Agad naman inabot ni Edward ang kamay ni kuya at malugod naman ding tinanggap ng huli.
'Ayan pala eh. Doctor-nurse tandem.’ Pagbibiro ko sa kanya.
‘Ah oo. Nakikita ko din yan sa area.’ Wika ni Andrew. ‘siya yung duty minsan sa area kapag nagrarounds ako. What a small world.’
Simpleng ngiti na lang ang iginawad ni Edward. Marahil ay nahihiya pa siya kay kuya.
Munting kwentuhan at kulitan din ang naganap sa mga oras na iyon. Nagkakilala at mas naging close ang dalawang pares ng magkapatid sa hapag-kainan.
Nang matapos na ang kainan ay umakyat na si kuya sa kwarto niya at bumalik naman na sa kabilang bahay si Edward. Kaming dalawa na lang ni PJ ang natira sa ibaba. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan at ako na din ang naghugas ng mga ito habang si PJ naman ay pinagpahinga ko na sa sala at nanonood na lang ng TV.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay bumalik na ako sa sala para samahan si PJ. Nanonood pala ito ng spongebob.
‘Favorite mo?’ sabi ko sa kanya.
‘Oo. Alam ko favorite mo din si spongebob eh.’ Tugon naman ni PJ sa akin.
‘Oo naman. Siya na ang perfect example ng optimist.’ Nakangiti kong sabi sa kanya.
‘Hehe. Kaya nga ikaw ang spongebob ng buhay ko eh. Kahit na madaming problema nananatili ka pa ding hopeful na malalagpasan mo yun.’
‘Korni mo pidyong.’ Natatawa kong sagot. ‘ikaw naman ang patrick ng buhay ko. Kahit na akala mo ay walang muwang sa mga kaganapan sa mundo, andiyan ka pa din sa tabi ko.’
Niyakap ako ni PJ patalikod at inilagay ang ulo sa kanang balikat ko.
‘Mahal na mahal kita Mac.’ Wika nito at hinalikan ako sa pisngi.
‘Mahal na mahal din po kita PJ.’ Sagot ko dito at binigyan ko ng masuyong halik sa labi. Hindi naman ito nanlaban bagkus ay sinakyan lang ang nagaganap. Maya maya pa ay nagtanggal na kami ng aming mga pang-itaas habang nagroromansahan sa isa’t isa.
Maya maya ay napansin kong pareho na kaming nakahiga. Pumatong siya sa akin at patuloy niya akong hinahalikan sa kung saan-saang parte ng katawan. Umalma ako.
‘Patayin mo na lang yung ilaw at yung TV’ pilyo kong sabi sa kanya.
Agad namang sumunod si PJ at pinatay lahat ng ilaw sa bahay at ang tv. Muli ay itinuloy na namin ang aming paglalambingan hanggang sa makaraos sa gabing iyon. Tanging ang apat na sulok lang ng dingding ang naging piping saksi sa mga naganap na iyon.
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment