Sunday, October 28, 2012

Save Me...


NOTE: Eto po ay isang short story na nagawa ko ON THE SPOT. While i was listening to this certain song, an idea came to me. So I decided to go for it. Ayokong mawala yung idea kong iyon. Ehehe. :) ito po ay kathang-isip lamang at hindi makatotohanan. Produkto lang po ito ng aking biglaang pagspark ng ideya. :)

Ito po ang kantang nagsimula ng lahat ng ito. :D Kpop siya pero mejo dark yung beat.

Acquaintance by Outsider on Grooveshark
___________________________________________________________________________

Pangalan ko? Ako si Emil. Emil Ortega. Isang Third Year BS Nursing student sa isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila. Matangkad, matipuno ang katawan, maputi, may maipagmamalaki pagdating sa itsura, pero lahat ng iyon ay nagtatago sa isang malaking salamin, kaya napagkakamalan akong nerd o geeky type.

Oo hindi ako ang isang tipikal na lalake na inaakala niyo. Oo, isa akong silahis. Tanggap naman ako ng pamilya ko, tanging ang payo lang nila ay wag akong magpakaladlad. Kilos lalake pa din, pormang lalake pa din.

Ngayon, nag iisa na lang ako dito sa amin. Ang parents ko ay nasa ibang bansa na, at only child lang ako. Dito ako ngayon sa aking tita na walang ginawa kundi magsugal ng magsugal.

__________

Nagsimula akong mainlove noon pang High School ako. Nung una, puro sa babae pero hanggang sa dumating yung point na nagkakagusto na din ako sa kapwa ko lalake. Hindi ko ito niresist at tinanggap ko na din to unti-unti.

Ngayon ay nasa isang relasyon ako sa aking kababatang nangngangalang Anton. Nagsimula ito noon unang taon ko sa kolehiyo. Pareho kasi kaming aloof at loner. Hindi palaimik.

Hanggang..

"Anton." at inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nakita ko sa kanya ang isang napakatamis na ngiti. Ginatihan ko din naman siya ng isang ngiti pero hindi talaga ako palaimik. Unapproachable kung baga.

"Emil." usal ko, at tinanggap ko ang kamay niya.

Katunayan nga wala sa plano ko talaga ang makipagkaibigan. Natrauma na kasi ako sa mga dati kong nakilala. Nandiyan sila sa tabi mo pag may kailangan, pero pag wala ka namang kailangan, wala din sila. Mga user friendly ampotek. Bukod pa dun, hindi din ako palakaibigan dahil sa lahat ng nangakong nandiyan sila sa panahong kailangan po, ay iniwan din lang ako.

Doon nagsimula ang lahat. Magkasama kaming dalawa palagi. Bonding dito, bonding doon. Puro kulitan na lang ang nagagawa namin pag magkasama kami. Hindi namin alintana ang mga matang naninita sa amin sa tuwing magkasama kami. Kung tutuusin, para kaming magkasintahan kapag magkasama kami, dahil sa tuwing magkasama kami, nakikita nilang concerned na concerned siya sa akin, palagi siyang nakaakbay sa akin.

Hindi ko alam na may namumuo na pala akong damdamin para sa kanya sa ginagawa niyang iyon. Napaisip ako nang makarating ako sa bahay.

"Mahal ko na ata si Anton. Pero hindi ito maaari. Hindi niya alam ang tunay kong katauhan. Hindi niya alam na silahis ako." bulong ko sa sarili ko habang nakahiga at nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Lumipas ang mga araw, at buwan, pinipigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya.

Hanggang dumating ang araw na nagpasaya ng tuluyan sa akin. Inaya niya ako sa Mall of Asia para kumain. Agad naman akong tumalima para sumama sa kanya.

Habang nasa mall kami, panay ang sulyap niya sa akin, akala niya hindi ko nakikita. Sumisimple din siya ng ngiti sa tuwing sinusulyapan niya ako.

Kumain kami sa isang kainang puro pagkaing Italyano ang hinahain. Habang kumakain...

"Emil, alam mo ba." seryosong wika niya.

"Na?" tugon ko.

"Na.." napalunok siya. "Na mahal kita."

Natigilan ako. Napaisip. Pero sa kaloob-looban ko, napakasaya ko.

"Mahal din naman kita... Noon pa." naibulalas ko sa kanya.

Pareho kaming napangiti habang kumakain. Ngayon alam na namin ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

"So ano na tayo nito? Isang taon din naman na tayong magkasama sa skwela, kulitan dito, bonding doon, para ngang tayo na eh." tanong niya.

"Edi tayo na." sinagot ko ng buong galak ko.

Simula noon, namuhay kaming dalawa bilang isang pares. Akala ko masaya ang magiging kalalabasan....

Hindi pala....

__________

Isang taon na ang lumipas mula nang maging kami. Magkasama na kami sa isang bubong. And kwarto namin ay puno ng mga litrato namin at kung anu-ano pang makakapagpaalala sa isang taong pag-iibigan namin. Isang taon man kami, pero merong something sa kanya na hindi ko mawari. Palagi na lang siyang umaalis ng walang paalam. Iniintindi ko naman siya. Hanggang sa lumala ng lumala.

Kinumpronta ko na ito nang ilang beses pero wala siyang matinong sagot. Kesyo gala daw ng barkada niya, o kaya naman ay case report niya at kasama niya ang mga kaduty niya.

Hindi ko na lang ito pinansin, pero may isang pangyayaring hindi ko inaasahan.

Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan ko ang mensahe. Galing ito sa kanya pero hindi iyon ang inaasahan kong mensahe na dapat kong mabasa.

"I love you Andrei."

Iyan ang laman ng text niya. Isang malaking sapak sa akin ang makatanggap ng ganitong mensahe. Siya pa lang ang nagiging seryoso kong katipan pero ano ito, may iba siyang mahal.

Agad kong pumunta sa bahay ng isa kong kaklase kung saan dapat ginagawa ni Anton ang case report kasama ng mga kagrupo, pero napag alaman ko sa kanya na lumabas pala sila ni Andrei para bumili ng makakain.

Lumabas ako ng bahay at naglakad nang may mapansin akong may kakaibang nangyayari sa eskinita. Dalawang lalakeng magkaakbay, mukhang sweet pa sila sa isa't isa. Agad kong sinundan ang dalawang lalaking iyon para matukoy kung tama nga ang hinala ko. Hindi nga ako nagkamali, si Andrei nga at si Anton ang dalawang lalaking magka-akbay.

Lalo akong nanlumo nang makita kong bigla silang tumigil at naghalikan sa eskinitang iyon. Ang sakit. Sobrang sakit. Inaakala kong ang taong makapagpapasaya sa akin ay si Anton, pero hindi pala. Agad akong lumapit sa kanila at binigyan ko ng isang malakas na sapak si Anton.

"Traydor!" sigaw ko kay Anton. Nang muling makabangon si Anton ay binigyan ko ulit ito ng isa pang mas malakas na sapak. Di ako nakuntento, nang masapak ko na at mapahiga si Anton, umupo ako sa dibdib niya at pinagsusuntok. Kung di lang siguro ako inawat ni Andrei ay baka napatay ko na si Anton.

"Ano?! Tapos ka na!?" galit na tugon ni Anton.

"Putragis naman Anton, minahal kita tapos eto lang igaganti mo sa akin?" sagot ko.

Tuluyan na akong nalungkot sa sumunod na sinabi ni Anton.

"Hindi talaga kita minahal. Pinaglaruan lang kita. Hindi ikaw ang totoong mahal ko. Si Andrei ang talagang mahal ko."

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na napigilang umiyak. Ginatungan pa ng pesteng Andrei na iyon.

"Wala ka nang magagawa, ako talaga mahal niya eh. Kahit isang taon pa kayong mag-on."

Wala na akong nagawa kundi ang mapaluha na lang. Luhaan akong umuwi sa bahay at doon tuluyan nang nagbreakdown. Sa bawat sulok ng kwarto ko nakapaligid ang lahat ng nakapagpapaalala sa akin ng relasyon namin ni Andrei. Binato ko lahat ng gamit na binigay niya sa akin, pinunit ang lahat ng mga litrato. Lahat, nilagay ko sa isang itim na trash bag at itinapon.

Wala na akong magawa. Wala na kami ni Anton. Bakit kailangan pang ganito ang maging wakas ng relasyon namin? Nakatulog akong umiiyak sa kama ko.

Dumaan ang ilang araw. Oo magkaklase kami ni Anton pero hindi na kami nagpapansinan. Ang mas masakit pa, araw araw kong nakikita si Andrei at Anton na magkasama at sweet sa isa't isa.

Hindi ko maatim na ganun-ganun na lang ang mangyayari sa amin matapos ang isang taon. Sinubukan kong kausapin si Anton pero siya na ang umiiwas. Mukhang wala ata talagang pagmamahal na natitira sa kanya. Hanggang sa hindi ko na nakayanan ang sakit na nararamdaman ko.


__________

Huling araw ko na ngayon. Ang sakit sakit. Sobra. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong matakbuhang kaibigan sa skwelahan. Dito sa bahay? Wala din. Tita ko, walang pakialam sa akin. Parents ko, walang inatupag kundi trabaho. Ako lang talaga ang maaasahan ko. Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ako makamove on.

Pinili ko na lang wakasan ang buhay ko. Yun na lang siguro ang option ko. Walang nagmamahal sa akin.

Naalala kong may baril ang tita ko. Pasimple akong pumunta sa kwarto niya at kinuha ang .45 na baril niya.

"Ayoko na. Ang sakit. Hindi ko na kaya." bulong ko sa sarili ko habang itinututok ang baril sa aking sentido.

Ipinikit ko ang mata ko. Di ko namamalayang umiiyak na ako sa sobrang lungkot. Unti unti kong hinawakan ang gatilyo.

"Paalam." ang huling salitang binitawan ko.

Isang malakas na putok ng baril na lang ang tanging narinig sa kwartong iyon....

Saturday, October 20, 2012

Anghel Chapter 16


NOTE: pasensya na sa sobrang tinagal na hindi nag update. defense dito, defense doon ang nangyari sakin ngayong sem. sana naman light lang ang sked ko sa susunod. pahinga pahinga din ang utak ko sa mga gawaing eskwela. anyways, eto na. sana magustuhan niyo.
__________________________________________________________________________

Hindi ko lubos maisip kung anong gagawin ko at kung papaano ko ito sasabihin kay Mac. Alam kong may taning na ang buhay ko at gagawin ko lahat ng makakaya ko maiparamdam ko lang kay Mac na espesyal siya para sa akin.

Pinuntahan ko ang bahay nila Mac. Pero sa kasamaang palad, ay wala silang magkapatid doon. Mabuti na lang at nakita ko si James. Medyo matagal din siyang hindi nagparamdam sa amin.

'Uy James.' bati ko sa kanya. Pero hindi man lang ako nito nilingon. Muli ko itong tinawag pero hindi pa rin niya ako pinapansin, kaya nilapitan ko na lang si James, pero pumalag ito.

'Ano bang problema mo?!' kalma kong sabi. 'Simula ng maging kami ni Mac hindi ka na nagpaparamdam sa amin ah.'

Nanatiling tahimik si James. Alam kong sa mga tingin niya ay meron itong kinikimkim na galit. Iba kung makatingin si James sa akin ngayon. Parang hindi siya yung James na nakilala ko noong bagong lipat ako dito.

'Sumagot ka naman oh.' wika ko. Iling lang ang iginanti ni James sa akin habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.

'Alam kong meron kang problema. Hindi naman ako others para hindi mo pagsabihan ng problema eh.'

'Kayo. Kayo ang problema ko. Mahal ko na si Mac, pero alam kong hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya dahil ikaw ang mahal niya.'

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makahanap ng salitang sasabihin sa nasabi niya. All this time pala kaya hindi nagpaparamdam si James dahil nasasaktan siya. Tinignan ko si James, at nakita ko na lang na umiiyak siya.

'PJ, alagaan mo nang mabuti si Mac. Wag mong sasaktan yan. Malalagot ka sakin.' wika niya na may mapait na ngiti sa labi at umalis na ito.

Naiwan akong nakatayo sa puwesto namin. Hanggang ngayon hindi pa din makapaniwala. Maya-maya pa ay dumating na ang sasakyan nila Mac.

___________

Galing kami ni kuya Andrew sa mall at bumili ng mga ibnilin sa akin nila mama at dadalhin ko para sa nalalapit kong flight pauwi ng Amerika nang makita ko si PJ sa tapat na nakatayo at parang tulala.

'Kuya saglit lang ah. Ako na magbababa ng mga gamit.' wika ko. agad namang tumango si kuya.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni PJ, napapansin kong namumutla ito at parang tulala.

'Pidyong? Okay ka lang?' tanong ko sa kanya. Wala akong natanggap na sagot sa kanya.

'Pidyong? Huy.' pag-ulit ko. Pero wala pa ding sagot.

'Paul Jake Santos Santiago!' tinawag ko na siya sa buo niyang pangalan. Sa wakas nakuha ko na din atensyon niya.

'Ba-bakit?' nauutal niyang tugon.

'Anong bakit? Kanina ka pa tulala diyan.' sagot ko.

'Ah, wala. Si James kasi nakita ko.'

'Oh? Bah ang tagal na ding walang paramdam yun ah. So kumusta naman pagkikita niyo?'

'Okay naman. Yun nga lang, me sinabi siya sa akin na medyo ikinabigla ko.'

'Ano yun?'

'Mahal ka niya. At kaya daw hindi siya nagpaparamdam dahil nasasaktan siyang makita tayong dalawa.'

Natigilan ako. Matagal na kaming magkaibigan ni James. Katunayan nga magkababata kami niyan. Pero hindi ko aakalain na mapapamahal siya sa akin nang mas higit pa sa kaibigan. Kaya ganun na lang pala ang pagiging malambing nun sa akin.

'Hayaan na lang muna natin siya. Alam kong masakit para sa kanya ang makita tayong dalawa.' wika ko.

'M-may s-sabihin sana ako sa iyo eh.' nauutal na wika ni PJ.

'Ano yun?' Wika ko.

'Paano pag namatay ako? Anong gagawin mo?'

Natawa ako ng pagak.

'Pinagsasabi mo diyan Pidyong. Ikaw talaga.'

Pero wala akong nakitang bakas ng pagbibiro sa sinabi niyang iyon. Bagkus e nakita kong seryoso ito sa sinabi niya.

'Seryoso ako.' walang reaksyong sabi nito.

Natigilan ako. Ano kaya ang pinahihiwatig nito at bakita parang seryoso naman ata si PJ masyado?

'Kapag namatay ka, malulungkot ako. Hindi ko alam kung makakamove-on ako. Mahal na mahal kita. At ayokong mawala ka sa akin. Hindi pwede.' tugon ko.

Napangiti siya sa sinabi kong iyon.

___________

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.

Niyakap ko si Mac nang sobrang higpit.

'Mamahalin kita hanggang sa huli kong hininga. Pangako yan.' bulong ko sa sarili ko habang mahigpit na yakap si Mac.

Itutuloy...

Saturday, September 1, 2012

Anghel Chapter 15


NOTE: Madaliang paggawa. haha. sorry kung maiksi ang chapter na ito. ambilis kong namental block dito. babawi po ako sa susunod :)

______________________________________________________________________


‘uy Drew! Kumusta? Walang duty?’ tanong ng doktor.

‘wala Ton eh. Rest day ko ngayon.’ Sagot ni kuya. ‘oo nga pala, alam ko magaling ka kaya nirefer kita dito sa bunso ko tsaka sa… boyfriend niya.’

‘naks boyfriend talaga ah. Kaisa din pala sa atin yang bunso mo eh.’ Nakangiting sabi ng doktor na nagngangalang Ton.

Nagtawanan silang dalawa. Kami naman ni PJ ay napapangiti na lang.
‘magpapacheck up tong si PJ. Nagepistaxis kasi nung isang araw eh. Baka kasi kung ano na. Nagaalala naman kaming dalawa nito ni bunso. Ay oo nga pala, bunso, PJ, si Anton, kababata ko’ wika ni kuya.

Agad naman iniabot ni Anton ang kamay niya. Malugod naman naming din itong kinamayan ni PJ.

‘pasok kayo. Tara at para matignan natin si PJ.’ Alok ni Anton.

Pumasok na kami sa loob ng kwarto para masimulan nang matignan si PJ. Halata ko sa mga mukha ni PJ na kinakabahan siya pero sinabihan ko siya na huwag mag alala at magiging okay din ang lahat. Habang nasa loob kami ng klinika niya ay madami itong tinatanong sa kanya. Kelan daw ito nagsimula, anong ginagawa niya nung mga panahong nagdugo ang ilong niya. Madami ding mga tests ang ginawa sa kanya sa loob.

Nang matapos na ang pagsusuri, sinabi ng doktor na malalaman namin ang resulta sa isang linggo.

‘ang tagal. Ano naman kaya gagawin natin para lumipas agad yung isang linggo?’ tanong ni PJ.

‘madali lang yan. Ikaw naman. Enjoyin mo na lang yung linggo.’ Sagot ko sa kanya.

Maya maya ay nagring ang cellphone ko.

‘Hello?’ bungad ko.

‘oy kumusta kayo ni Pidyong mo?’ ani Jake.

‘eto kagagalling lang namin sa doktor. Kabado ang loko’ sabi ko habang nakangisi kay PJ. Di naman umimik si PJ.

‘o buti naman nakapunta na kayo sa doktor. Baka kung ano na yung nosebleed niya.’

‘kaya nga eh. O kayo ni Eman kumusta?’

‘okay lang. eto magkasama kami. Gagala kami ngayon. Yung mga babae ayaw sumama. Nakakatampo na nga eh.’

‘nako hayaan mo na lang sila. Baka nawindang lang sa atin at tayo nagkainlaban.’ Natatawa kong sabi.

‘so ano? Tara gala tayo.’ Usal ni Jake.

‘sige. Sabihin ko na lang kay kuya na gagala din kami. Si kuya din may gala ngayon eh.’

‘sige. Text mo na lang kami pag okay na. antayin namin kayo dito sa trinoma.’ At ibinaba na ni Jake ang kabilang linya.

‘hmm. Mukhang gagala ata kayo magkakaibigan.’ Ani kuya Andrew.

‘oo kuya. Wala din naman kasing gagawin sa bahay eh.’ Sagot ko.

‘o sige. San ba kayo?’

‘sa trinoma kuya. Ikaw ba san ang gala mo?’

‘trinoma din. Tara sabay sabay na lang tayo. Andun na din mga kabarkada ko.’

Nang makababa na kami sa ospital, sumakay na kami sa kotse at agad nang pumunta ng trinoma. Ngayon lang ulit kami nakapunta ditto dahil sa sobrang busy naming magkapatid. Tsaka minsan tinatamad din kami magpunta dahil sa distansiya nito. Pero ngayong meron na kaming kotse, okay na sa amin ang magpunta dito.

Dumating na din kami sa mall at tinext na si Jake at Eman na naghihintay sa amin sa Timezone. Humwalay na kami kay kuya at pupuntahan niya pa ang mga kaibigan niya. Nang makita namin ang dalawa, agad naman kaming kinulit ng mga to. Sobrang bonding ang ginawa naming apat na magkakabarkada. Sayang nga lang wala yung mga babae at may sarili silang lakad. At si James? Hindi na namin alam kung ano na nangyari sa lokong yun.

_____

Lumipas din ang isang linggo. Ito ang araw na kinakabahan si PJ. Pero sa loob ng isang linggong iyon ay medyo may mga napapansin na akong kakaiba kay PJ. Madali na siyang magkaroon ng mga pasa, madali ko itong makita, pero hindi ko na lang ito pinansin. Madali na din siyang mahapo, kaya lagi niyang gusto lang na nakahiga.

Nagising ako sa pagmumuni-muni ko nang biglang magtext si PJ.

‘makoy kong mahal, nakuha ko na yung resulta ko.’ Ang laman ng text.
‘di ka man lang nagsabi. Sana sumama na ko.’ Reply ko dito.

‘huwag na. ayokong mag-alala ka sa akin. J’ sagot nito.

‘nakakatampo ka naman. >.<’ sagot ko.

‘o wag na magtampo. Punta na lang ako diyan maya.’

‘sige na nga. I love you.’

‘I love you more makoy ko.’

_____

Nakuha ko na nga ang resulta ng mga exam ko ngayon. Hindi ko na sinama si Mac para kunin ito dahil ayokong mag-alala ito sa akin. Pero…

‘Bakit kailangang meron akong leukemia?’ sabi ko sa sarili ko habang naiiyak.

‘kuya. Alam kong may rason ang Diyos diyan. ’ pag-aalo sa akin ni Edward.

‘hindi yun eh! Oo tayong dalawa na lang ang nandito. Ayokong iwan agad agad ang mundong ito.’ Sagot ko. ‘at mas lalong ayokong iwan si Mac. Mahal na mahal ko ang taong iyon!’

‘kuya, wag ka mawalan ng pag-asa. Kaya natin ito. Ipagdasal na lang natin ang kalagayan mo.’

Inakap ako ni Edward. Hindi ako makapaniwalang magkakaroon ako ng leukemia. Wala naman akong ginagawa o kung ano man. Hay buhay nga naman.

‘may balak ka bang sabihin ito kay Mac?’ tanong ni Edward.

Umiling ako. Takot ako na baka iwan na lang akong basta ni Mac. Pero ipinapangako kong mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko. At ipapangako ko din sa kanya na kung sakali man na mamatay ako, ako ang magiging anghel niya.

Itutuloy...

Friday, August 24, 2012

Anghel Chapter 14


NOTE: PASENSYA NA PO SA SUPER DELAY. MAHIGIT ISANG BUWAN DIN ANG INANTAY. Andami kasing ginawa sa skwela.

_______________________________________________________________________

Alas siyete na ng umaga nang magising ako. Nauna akong nagising kaysa kay PJ. Naalala kong wala pa pala kaming saplot buhat nang may nangyari sa amin kagabi. Hindi muna ako bumangon dahil mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni PJ. Ninamnam ko ang bawat sandaling ito at sobrang gaan ng pakiramdam ko nung mga oras na iyon. Nang maisipan ko nang bumangon, tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Pero habang tinatanggal ko na ang pagkakayakap sa kanya, unti-unti din ay nagigising na ito.

‘Good morning Makoy ko.’ Nakangiti nitong wika sabay siil ng halik sa labi ko.

‘Adik ka talaga Pidyong ko. Di ka pa nga nagmumumog hinalikan mo na agad ako.’ Sagot ko.

‘Ganun talaga.’ Natawa na lang ako sa tinuran nito.

‘I love you.’ Bulong ko sa kanya.

‘Mas mahal kita.’ Sagot ni PJ sakin.

‘Tara luto na tayo.’

‘Mamaya na. Gusto ko pa tong moment natin eh.’

‘Mamaya mamaya. Ngayon na!’ at saktong kumalam ang sikmura ko.

‘Hahaha. Oo na nga. Sabi ko nga. Nagwawala na pala yung mga alaga mo sa tiyan.’ Wika ni PJ sabay hawak sa tiyan ko. Wala man itong abs na katulad kay PJ, pero wala din naman itong taba.

Bumangon na kaming dalawa at napansin kong nagluluto na si kuya Andrew sa kusina. Nang makita niya kami, binigyan kami nito ng pilyong ngiti.

‘Uy kayo ah. May nakita ako kagabi.’ Wika nito sabay ngisi.

Pinamulahan kaming dalawa ni PJ sa sinabi ni kuya. Hindi namin alam na nasilip pala siya habang may nagaganap na kamunduhan sa amin sa sala kagabi.

‘Inggit naman ako sa inyo.’ Walang emosyong wika ni kuya.

‘bakit naman kuya?’ nagtatakang tanong ni PJ.

‘wala naman, namiss ko na din kasing magkaroon ng kasintahan. Simula nung hiwalayan ako ng ex ko, binunton ko na lang ito sa trabaho ko. Sabi nga ng mga katrabaho ko, workaholic na daw ako. Hanggang ngayon, sinusubsob ko na lang sarili ko sa trabaho ko.’ Wika niya habang hinahalo ang nilulutong sinangag.

‘kuya naman. Okay lang yan. Ikaw na din ang nagsabi sakin dati na cycle lang ng buhay ang pag-ibig. Madadapa ka, masasaktan, eventually matatauhan ka din. Hindi lahat ng oras masaya magmahal, laging andiyan ang trials.’ Sabi ko sa kanya.

‘nako hayaan niyo na ako. Mabuti na yung kayong dalawa. Okay lang ako bunso.’ Wika ni kuya Andrew.

Matapos makapag luto ay hinain na namin ang mga pagkain sa mesa at kumain na.

‘o PJ, di ba ngayon ka magpapatingin?’ tanong ni kuya sa kanya.

‘opo kuya, ako na lang po mag-isa mamaya.’ Sagot ni PJ.

‘sigurado ka bang ikaw na lang? e pano kung gusto ko sumama?’ sabat ko sa kanilang dalawa.

‘sige okay lang na sumama ka. Wala ka naman atang ibang lakad eh.’

‘tsaka para malaman ko na din kung bakit na nosebleed ka. Nagaalala din ako no.’ dagdag ko.

‘o siya. Sige ihahatid ko na lang kayo sa ospital mamaya. Total off ko naman sa trabaho ngayon. Gusto ko gumala gala ngayon.’ Wika ni kuya Andrew.

‘sige kuya. Okay lang.’

Matapos naming kumain, nagligpit na kami ng pinagkainan namin at naghanda na para pumunta sa ospital para ipatingin si PJ. Umuwi muna si PJ sa kanila para makapaligo at makabihis. Wala namang tao sa kanila at nasa trabaho naman si Edward. Ako naman pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay naligo na din. Sumunod naman si kuya Andrew na maligo pagkatapos ko.

Pagkatapos naming maghanda ay may kumatok sa gate namin.

‘sino yan?’ sigaw ko sa taong kumatok sa gate.

‘Makoy ko! Si Pidyong to. Ready na ako.’ Magiliw na sigaw ni PJ.

Kahit na wala pa akong suot na pang itaas at boxer shorts pa lang ang suot ko ay agad akong lumabas para salubungin si PJ. Nakita ko na naman ang kaguwapuhan nito ni PJ. Ang maamo nitong mukha. Ang mga matang parang laging malungkot at nangungusap. Ang labing kay sarap halikan. Pati na ang magandang katawan nito dahil alaga sa gym. Lalo ding nagpagwapo sa kanya ang suot niyang pink na Patrick Star na T-shirt, puting board  shorts at pink na Chuck Taylor shoes.

‘di ka pa pala ready eh.’ Pang-aasar sakin ni PJ habang nakatitig sa akin.

‘hala sige titigan mo pa ko. Matutunaw ako niyan.’ Balik asar ko sa kanya. Natawa na lang sa akin si PJ.

Pagpasok namin sa bahay ay itinuloy ko na ang paghahanda ko samantalang si PJ naman ay pinagmamasdan ako.

______________

Habang pinagmamasdan ko si Mac na nagbibihis ay lalo na lang ako nahu-hook sa kanya. Oo alam ko mababaw lang ang dahilan kung pisikal na aspeto lang ako naiin-love sa kanya. Pero hindi. Kaya ako napamahal sa kanya dahil sa pagiging mabait at palakaibigan niya. Bonus na siguro yung kaguwapuhan niya at yung katawan niyang pang-swimmer.

Ang sarap pagmasdan ni Mac habang nagbibihis. Natatawa na lang ako at kung anu-ano na naman ang naiisip ko sa kanya. Tulala akong pinagmamasdan siya.

‘ehem…’ untag ni Mac sa akin na nagpagising sakin sa katotohanan.

‘Ha? Ah…’ iiling-iling kong tugon.

‘kanina ka pa nakatitig sakin. Nako kung nakakatunaw lang ang tingin ngayon malamang sabaw na ako ngayon.’ natatawang sabi ni Mac.

‘gwapo mo kasi Mac eh.’ Malambing na sabi ko sa kanya.

‘wuuuu. Bolero.’ Natatwang sabi ni Mac.

‘seryoso.’ Nakangiti kong sabi.

‘haha okay.’

‘adik ka talaga mac.’

‘adik sa iyo PJ’

Muli ay tinitigan ko si Mac mula ulo hanggang paa. Bilib ako sa katawan nito. Hindi man ito nag gi-gym, pero nagkaroon na din ng muscles dahil sa palagiang pag babadminton nito at pagsuswimming. Napansin ko din ang mukha niyang palagi na lang blooming. Ang kanyang dimple kapag ngumingiti siya, ang mga ngipin niya na may braces. Bagay sa kanya ang braces niya. Ang kanyang matang nakakatagos ang tingin, na parang laging nangungusap. Natuwa din ako at yung Spongebob na damit ang suot niya. Kapartner ng suot kong Patrick Star.

‘O tara ready na din ako.’ Wika ni kuya Andrew. ‘may surpresa ako sa inyo.’
Lumabas na kami at nakita ang isang kulay black na Subaru Impreza sa tapat ng bahay. Akala namin ay sa kapitbahay itong sasakyan. Pero agad na inilabas ni kuya Andrew ang susi at pinindot ang alarm. Tumunog naman ito. Nagulat kaming dalawa dahil nung mga nakaraang araw lang ay wala naman akong maalalang nagsabi si kuya na bibili siya ng sasakyan.

‘kuya? San ka nakapagpundar ng pambili niyan? Aba ang mahal niyan ah.’ Nagtatakang sabi ni Mac.

‘ayan yung bunga ng pagsusubsob ko sa trabaho at pagiging single ko ng halos tatlong taon.’ Nakangiti niyang sabi. ‘o ayaw mo niyan? Share tayo sa kotse.’

Gumuhit ang ngiti kay Mac at tumingin sa akin.

‘heps. Saka na muna kayo gumamit. Ako muna’ natatawang sabi ni kuya Andrew. ‘o pano, tara sakay. At nang maexperience din natin tong kotse.’

Sumakay na kaming tatlo sa kotse. Si Mac na ang pinaupo ko sa harapan, tutal sa kanila naman itong kotse. Ako na ang umupo sa likod.

Pinaandar na ni kuya Andrew ang sasakyan at nagtungo na sa ospital. Medyo malayo ang biyahe pero okay naman. Nang makarating na kami sa ospital ay sinamahan na muna kami ni ni kuya Andrew hanggang makarating kami sa mga clinics. Dito nagsimula na akong kabahan kung ano ba talaga ang mangyayari sa akin.

__________

Tinignan ko si PJ nang makarating kami sa mga klinika. Bakas ko sa kanya ang kaba. Nakikita kong namumutla siya at pinagpapawisan ng malamig.

‘Wag kang kabahan Pidyong ko. Okay lang yan.’ Bulong ko sa kanya.

‘Salamat Makoy ah. The best ka talaga.’ Nakangiti nitong sabi.

Huminto kaming tatlo sa isang pinto sa dulo ng hallway. Kumatok si kuya Andrew dito at nang bumukas ang pinto iniluwa nito ang isang guwapong doktor.

Itutuloy…

Friday, July 13, 2012

Anghel Chapter 13




NOTE: Pasensya naman po at halos isang buwan akong hindi nakapagpost. masyadong busy sa OJT sa ospital at kung anu ano pang kung ano sa skwela.

_________________________________________________________________________


‘PJ, nagdudugo ilong mo.’ Pangalawang beses kong pagtawag ng pansin nito.

‘Oo nga PJ. Nagdudugo ilong mo.’ Pag sang-ayon ni Eman.

Agad namang tumayo si PJ at tinungo ang salamin. Nakita nga niya na nagdudugo ang ilong nito. Agad-agad niyang pinisil ang ilong nito at yumuko.

‘Okay ka lang ba?’ tanong ni Jake dito.

‘Oo, okay lang ako.’ Malumanay na tugon ni PJ sa aming tatlo at tinuloy ang aming munting salu-salo.

Sabihin mang okay lang ang taong mahal ko e sa mata pa lang nito ay bakas na meron itong dinaramdam. Hindi ko na lang ito pinansin at baka naghihinala lang ako.

‘Sigurado ka bang okay ka lang?’ muling tanong ko kay PJ. Tumango lang ito at ngumiti sa akin.

‘Magpahinga ka na lang muna diyan sa bed ko.’ Utos ko sa kanya. Agad naman niyang sinunod ito at humiga na sa kama ko sa sala habang ako ay nagliligpit na ng mga pinagkainan naming magkakabarkada.
___

Dahil sa utos ni Mac, agad naman akong humiga sa kama niya at nagpahinga. Nakaramdam din ako ng kaunting hilo at panghihina.

‘Ano naman kaya itong nararamdaman ko?’ usal ko sa sarili ko. Naghanap ako ng salamin sa mesa ni Mac at tinignan ko ang sarili ko. Napansin kong namumutla ang mga labi ko. Napaisip ako, anong sakit ang dumapo sa akin? Baka sa sobrang stress lang ito. Pero hindi din. Hindi din naman gaanong nakakastress ang maging HRM. Wala namang gagawin dun kundi magluto at magtour lang.

Pumikit na lang ako at inisip na baka simpleng anemia lang ito. Maya maya pa’y lumapit na si Mac sa tabi ko.

‘Pidyong. Okay ka lang ba talaga?’ tanong niya
‘Hindi ko nga alam eh. Kanina nagdugo ilong ko, tapos nahilo pa ako.’ Mahinang sagot ko. ‘Baka sa pagod lang to.’

‘Magpahinga ka na lang muna diyan. Ako na muna magaasikaso sa kanilang dalawa.’ Tugon ni Mac at umalis na papunta sa kusina para asikasuhin sina Eman at Jake habang ako naman ay napapikit na lang. Maya-maya ay tuluyan na akong nilamon ng antok.

-----

Lumipas ang buong araw na natutulog si PJ sa kama ko. Hindi ko na ito ginulo dahil alam kong sobrang pagod ito. Nakakadismaya lang at yung mga kabarkada naming mga babae ay hindi talaga dumating sa espesyal na araw naming dalawa ni PJ.

Gabi na nang makaalis na sila. Umakyat din saglit si kuya Andrew para magpahinga. Agad kong nilapitan sa kama ko si PJ. Pinagmasdan ko ito at talagang napakagwapo nito.


Napangiti ako sa kanyang maamong mukha na parang laging nangingiti, ang kanyang kaputian at ang napakakisig nitong katawan. Isama mo pa ang pagkakinis-kinis niyang kutis at mga balahibong-pusa sa kanyang mga binti at hita.

Naalimpungatan ito at napansing nakatitig ako sa kanya.

‘May kung ano ba sa mukha ko at ganyan ka makatingin Makoy ko?’ nakangiti nitong sabi.

Natawa na lang ako sa sinabi nito.

‘Ikaw talaga makoy ko. Kaya minahal kita eh. I love you Mac.’

‘Mas mahal din po kita Pidyong.’ Sagot ko sa kanya.

Akmang maglalatag na sana ako sa sahig nang bigla akong pigilan ni PJ.

‘Tabi na lang tayong matulog.’ Pag-yaya nito sa akin.

‘Ang sikip kaya. Sa laki ba naman ng katawan nating dalawa, di tayo kasya diyan sa bed ko. Adik ka talaga.’ Tugon ko sa kanya.

‘Sige ganito na lang. Maglatag ka na lang diyan sa sahig tapos tabi tayong dalawang matulog. Hayaan mo na si Edward doon. Kaya niya namang asikasuhin yung buong bahay.’

Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at nagsimula nang maglatag ng kutson sa sahig. Tutulong sana si PJ na makilatag pero pinigilan ko. Ayokong napapagod ang taong mahal ko.

‘Stay put ka lang diyan. Ako na bahala dito sa higaan natin.’ Nakangiti kong sabi sa kanya. Nginitian niya na lang ako pabalik.

Humiga na kaming dalawa sa kutson nang tumunog ang cellphone ni PJ.

‘Si Edward.’ Maikling sabi ni PJ. ‘asan daw ako.’

Napatawa ako nang pagak, ‘sabihin mo nasa kapitbahay lang nanggugulo.’

Agad namang tinext ni PJ si Edward at sinabing nasa bahay namin siya. Nang matapos na si PJ magtext ay niyakap naman ako nito habang ako ay naglalaro ng Tekken sa PSP.

‘Makoy,’ bulong nito sa akin.

‘Bakit po?’ sagot ko dito.

‘Kung sakaling mamatay man ako, ako magiging guardian angel mo ah. Di ako papayag na may iba kang guardian angel.’ Sabi nito.

‘Anong ibig mong sabihin?’ nagtataka kong usal dito.

‘Wala lang. Baka kasi kung ano na yung kaninang pagdudugo ng ilong ko eh. Hindi naman ako mangmang sa mga ganung bagay. Kapatid ko ba naman e nurse. Malay mo lang. Simula ko pa lang sasabihin sa iyo, mahal na mahal kita Marc Julian.’

‘Nako wag ka ngang magsabi ng ganyan!’ malakas kong sabi. Bumalikwas ako ng higa. Pinipigilan ko ang mainis, oo ngayon lang kami naging kami. Pero kung tutuusin naman tatlong buwan na din akong inlove sa kanya. At alam kong ganun din naman siya sa akin.

‘Bakit?’ tila nagtataka nitong tanong.

‘Basta. Ayoko ng mga ganyang biro mo.’ May asar na tono kong sabi dito.

‘O sige na po hindi na po. Basta ang akin lang, mahal na mahal po kita. Simula pa noong una kitang nakilala. Tinamaan na ako sa iyo.’ At muli akong niyakap nito. ‘bukas magpapasama ako kay bunso na magpatingin sa doktor. Concerned lang din ako sa sarili ko as much as you do.’

‘Mabuti pa nga yun.’ Ani ko at muli akong humiga sa tabi niya.

Maya maya ay bumaba si kuya Andrew.

‘Aga niyo naman ata mahiga?’ tanong ni Andrew.

‘Si PJ kasi kuya, nagdugo ang ilong. Tapos namutla pa tsaka nahilo. Buti nga ngayon medyo okay na siya eh. Pinagpahinga ko na din siya.’ Wika ko habang nakatingin kay PJ na ngayon ay naglalaro ng PSP ko.

‘Siguro kailangan lang niyang magpahinga ng todo. Alagaan mong mabuti yan si PJ mo. Ramdam kong mabuting tao si PJ.’

Tumango naman ako bilang pagtugon sa sinabi ni kuya.

‘Kuya doktor ka naman di ba? Magpapatingin daw si PJ eh.

‘Adik ka? Pediatrician ako. Masyado nang matanda yang si PJ.’ natawang sabi ni kuya.

‘Pidyong ilang taon ka na?’ tanong ko kay PJ.

'19. Bakit?’ sagot nito habang di inaalis ang konsentrasyon sa paglalaro ng PSP.

‘O kitam. Tanda na nyan.’ Natatawang sabi ni kuya.

‘Sama mo kuya’ natatawa kong sabi.

‘Hayaan mo, sabihin ko na lang sa mga co-doctors ko na magpapacheck up yang si PJ bukas. Magseset na lang ako ng appointment.’ Wika ni Andrew.

‘Salamat kuya. The best ka.’ Nakangiti kong sabi.
‘No worries Mac. O tara kain ulit tayo dito. Di ko kayang ubusin tong pizza ah.’

Muli ay tinawag ko si PJ para kumain ng pizza. Maya-maya ay dumating din si Edward at nakisalo na sa aming tatlo.

‘Ah Edward, si kuya Andrew. Kuya ni Mac.’ Pakilala ni PJ kay kuya.

Agad naman inabot ni Edward ang kamay ni kuya at malugod naman ding tinanggap ng huli.

'Ayan pala eh. Doctor-nurse tandem.’ Pagbibiro ko sa kanya.

‘Ah oo. Nakikita ko din yan sa area.’ Wika ni Andrew. ‘siya yung duty minsan sa area kapag nagrarounds ako. What a small world.’

Simpleng ngiti na lang ang iginawad ni Edward. Marahil ay nahihiya pa siya kay kuya.

Munting kwentuhan at kulitan din ang naganap sa mga oras na iyon. Nagkakilala at mas naging close ang dalawang pares ng magkapatid sa hapag-kainan.

Nang matapos na ang kainan ay umakyat na si kuya sa kwarto niya at bumalik naman na sa kabilang bahay si Edward. Kaming dalawa na lang ni PJ ang natira sa ibaba. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan at ako na din ang naghugas ng mga ito habang si PJ naman ay pinagpahinga ko na sa sala at nanonood na lang ng TV.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay bumalik na ako sa sala para samahan si PJ. Nanonood pala ito ng spongebob.

‘Favorite mo?’ sabi ko sa kanya.

‘Oo. Alam ko favorite mo din si spongebob eh.’ Tugon naman ni PJ sa akin.

‘Oo naman. Siya na ang perfect example ng optimist.’ Nakangiti kong sabi sa kanya.

‘Hehe. Kaya nga ikaw ang spongebob ng buhay ko eh. Kahit na madaming problema nananatili ka pa ding hopeful na malalagpasan mo yun.’

‘Korni mo pidyong.’ Natatawa kong sagot. ‘ikaw naman ang patrick ng buhay ko. Kahit na akala mo ay walang muwang sa mga kaganapan sa mundo, andiyan ka pa din sa tabi ko.’

Niyakap ako ni PJ patalikod at inilagay ang ulo sa kanang balikat ko.

‘Mahal na mahal kita Mac.’ Wika nito at hinalikan ako sa pisngi.

‘Mahal na mahal din po kita PJ.’ Sagot ko dito at binigyan ko ng masuyong halik sa labi. Hindi naman ito nanlaban bagkus ay sinakyan lang ang nagaganap. Maya maya pa ay nagtanggal na kami ng aming mga pang-itaas habang nagroromansahan sa isa’t isa.

Maya maya ay napansin kong pareho na kaming nakahiga. Pumatong siya sa akin at patuloy niya akong hinahalikan sa kung saan-saang parte ng katawan. Umalma ako.

‘Patayin mo na lang yung ilaw at yung TV’ pilyo kong sabi sa kanya.

Agad namang sumunod si PJ at pinatay lahat ng ilaw sa bahay at ang tv. Muli ay itinuloy na namin ang aming paglalambingan hanggang sa makaraos sa gabing iyon. Tanging ang apat na sulok lang ng dingding ang naging piping saksi sa mga naganap na iyon. 

Itutuloy...