Sunday, May 27, 2012

Anghel Chapter 10

Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)

______________________________________________________________________

Napatingin naman si Jake sa aming dalawa ni PJ na magkaakbay pa din nang mga oras na iyon.

'Eh? O magkaakbay sila? Ano naman?' sagot ni Jake.

'Ano pa, edi magMU na yang dalawang mokong na yan.' turan naman ni Eman na agad naman ikinangiti ni Jake.

'WOW. Cool.' wika naman ni Sara. 'Pero awkward. Baka naman kaming mga girls ang mapag-iwanan. AT sa gwapo niyong apat e kayo lang din ang magkainlaban? Kawawa naman kaming mga girls.'

Napatingin naman kaming apat sa isa't isa.

'Why not?' kampante kong sagot.

Napasinghap naman sila Sara, Nica at Jeca sa tinuran ko. It's about time na malaman na nila ang totoong barkadahan namin.

Tumawa nang pagak si Jake. 'Girls, aminin na namin na may namamagitan din sa amin ni Eman.'

Literal na napanganga ang mga babae sa sinabi ni Jake. Hindi kasi nila aakalain na kaming mga lalake e lalake din ang hanap.

Katahimikan... Matagalang katahimikan ang nanaig sa tagpong iyon. Matamang tinititigan ang isa't isa.

'O ano na? Natulala kayo?' nakangiting basag ni PJ sa nakakabinging katahimikan.

'Eeeeeeeeeeh.' nagtatampong wika ni Sara habang naglalakad ng padabog sa bangko sa tindahan nila Eman.

'Girl nag-iinarte oh.' wika ni Jeca. 'Di pa huli ang lahat. May James pa tayo! Tsaka madami pa diyan.'

'Babae tayong lahat sa barkadahan eh!' nakapout na wika ni Sara na ikinatawa naming lahat.

'Kalma. Ano ka ba. Di pa tayo nauubusan ng lalake!' wika naman ni Nica.

'Anyways, okay lang sa akin iyan. At least totoo kayo sa barkadahan. Madaya lang uunahan pa tayo ng mga to.' usal ni Sara.

Nagtawanan lang kami sa mga sinasabi ni Sara. Parang araw-araw na lang ata na sabog etong babaeng to.

'So Mac, ano na?' tanong ni Jeca.

'Anong ano na?' balik tanong ko sa kanya.

'Kayo ni PJ? Meron na ba?' kinikilig na tanong ni Jeca.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay ko kay PJ at hinawakan ang kamay nito nang mahigpit saka itinaas sa harap nila.

'OMG!' singhap ni Sara.

'What?' tanong ko naman.

'Eh kasi. Di ako sanay!' natatawang sagot ni Sara.

'Nako masanay ka na. Dalawang pares ng lalake makikitaan mo ng ganyan!' tugon ko sa kanya.

Nag-tuloy-tuloy ang kwentuhan at asaran ng magbabarkada tungkol sa amin ni PJ. Buti na lang at hindi ito napipikon at game sa mga binabatong tanong ng mga babae. Sila Jake at Eman naman e nakikitaan na din namin ng pagkakamabutihan kaya hindi malayong magkatuluyan din ang mga ito. Tanggap naman ng mga babae ang ganitong tagpo. Bago man ito sa paningin nila pero suportado pa din nila kami.

Nang gumabi na, napagdesisyunan na namin ni PJ na mauna nang umuwi para makakain na. Naiwan na ang iba naming magbabarkada at mukhang sila Jake at Eman naman ang nakita ng mga babae na pagtitripan nila.

'Makoy.' tawag nito sa akin.

'Bakit?' sagot ko sabay tingin sa kanya.

'Kelan mo ako sasagutin?' tanong nito sa akin.

'Ayoko nga.' biro ko dito sabay pakawala ng nakakalokong tawa.

Kumunot naman ang noo ni PJ habang tumatawa ako. Mukhang hindi magandang biro yung nagawa ko sa kanya.

'Pidyong ko,' tawag ko dito.

Hindi ito sumagot. Bagkus ay umiwas na lang ito ng tingin sa akin.

'Huy PJ. Sorry na po. Pwede bang ako naman ang manligaw?' usal ko sa kanya.

Wala pa ding imik si PJ.

'Sige ka pag di ka pa din umimik di na talaga kita sasagutin. Hirap naman suyuin neto.'

'Hindi naman kasi maganda yung biro mo Mac eh.' asik nito.

'Hep. Bawal ang pikon. Grabe naman di pa tayo ganyan ka na.' kalmado kong sabi.

'O hindi na po Makoy ko.' malambing na sabi nito. 'So ano kelan ba?'

'Wag kang magmadali Pidyong. Oo may pag-asa ka, pero wag mo madaliin. Ako na ang bahala.' nakangiti kong sabi dito.

Napangiti naman si PJ sa tinuran ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay.

'O pano Pidyong, text na lang ah. Kahit na dingding lang ang pagitan nating dalawa.' sabi ko sa kanya sabay tapik ko sa balikat niya.

'Sige Makoy.' wika niya. Nakita ko na ibinulong niya sa hangin ang salitang I love you na siya ko din naman sinagot sa kanya. Nang makapasok na ako sa bahay ay sinalubong ako ni kuya.

'Aba mukhang masaya ka yata ah. Merong ka pang natanggap na regalo.' bati ni kuya sa akin. Napansin niya din ang kahon na hawak ko.

'Oo kuya. Masaya ako ngayon. Si PJ kasi.' sagot ko naman.

'Anong meron? Mukhang hindi na ako updated ah.'

'Kasi naman subsob sa trabaho.' sagot ko sa kanya. 'May gusto sa akin si PJ. Eto nga binigyan na niya ako ng Spongebob na shirt.' at pinakita ko sa kanya ang t-shirt na dilaw.

'Aba, yan pa yun gusto mong ipabili sa akin noon ah. Swerte mo Mac.' nakangiting sabi ni kuya.

'Tatlong buwan na din siyang sweet sa akin. Tapos kanina sinabi niya kung kailan ko daw siya sasagutin.' sabi ko.

'Eh ikaw. Oo nga pala anong gusto mong kainin bukas sa birthday mo? Magpapadeliver na lang tayo. Tinatamad akong magluto eh.' usal naman ni kuya.

'Yellow Cab na lang. Bahala ka na kung anong pizza trip mo.' sagot ko habang nagtatype sa laptop.

'O sige. Akyat na ko ah. Ikaw na bahala dito sa baba.' wika ni kuya at pumanhik na ito samantalang ako ay naiwang nagcocomputer sa kama ko.

_____________________________________________________________________

Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Para mabilis akong antukin ay sinalang ko yung CD ng Tekken 6 sa PS3 at naglaro na lang. Hilig ko din kasi ang maglaro ng video games. Ang sarap pala sa pakiramdam na ang taong mahal mo ay mahal ka din. Pareho lang kaming natakot na sabihin at baka magkasakitan lang kaming dalawa. Hindi ko inasahan na may pagtingin din pala si Mac sa akin.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro nang may marinig akong katok sa pinto.

'Pasok.' wika ko habang naglalaro.

'Kuya, birthday mo bukas ah.' wika ni Edward. 'Anong handa mo?'

'Pa-Yellow Cab na lang. Para maiba naman. Lagi na lang kasing cake ng cake pag birthday ko eh.' sabi ko habang di inaalis ang tingin ko sa TV.

'Yun lang?' tanong ni Edward.

'Oo. Okay na din yun. Sulit naman yun kahit may kamahalan.' sagot ko.

'Sige. Pag uwi ko galing sa duty. Nga pala, nasabi mo na kay Mac?' sabi nito na may halong ngisi.

'Ang alin?' maang-maangan kong tanong.

'Sus pakipot pa si kuya.' sabi nito at tumabi sa akin sa kama sabay kiliti sa tagiliran ko. Panay naman ang palag ko dito na siyang kinadulot ng pagkamatay nung character sa nilalaro ko.

'Ayan, tignan mo!' natatawa nitong sabi. 'na-K.O. tuloy si Anna.'

'Ano na kasi? Sinabi mo na ba?' pangungulit sa akin ni Edward.

'Oo sinabi ko na. Bumili pa nga ako ng Spongebob na t-shirt. Alam kong paborito niya rin si Spongebob.'

'Kaya pala ikaw naka-Patrick Star na damit.' puna nito sabay kilig. 'Ayiee couple shirt.'

Namula naman ako sa tinuran ni Edward. Paborito ko din kasi si Spongebob. At kaya ko naisipang bumili ay dahil sa mundo nila Spongebob at Patrick, hindi sila napaghihiwalay. Mag-away man sila, magkakabati pa din sila sa huli.

'So ano? May pag-asa ba?' seryosong tono ni Edward habang kinukuha ang isa pang controller ng PS3.

'Meron. Pero hindi ko alam kung kailan siya sasagot.' kunot na noo kong sagot.

'Kuya, wag mong madaliin. Hintayin mo lang. Alam ko namang mahal ka din ni Mac eh.' turan nito.

'Oo nga mahal niya ako. Pero mahirap maghintay eh.'

'Ganyan talaga pag nanliligaw. Maghihintay at maghihintay ka talaga. Malay mo bukas sagutin ka na niya.' sagot ni Edward.

'Sana nga.' sabi ko sabay pakawala ng buntong hininga.

'O kuya wag na problemado. Kanina pa game over yung Tekken oh.' sabi ni Edward habang nakaturo sa TV.

'Ay. Sorry. O sali na.' wika ko naman.

Matapos ang aming munting pag-uusap ay idinaan na lang namin ni Edward sa pagte-tekken ang gabi para mabilis din kaming antukin.

_____________________________________________________________________

'Sosorpresahin ko bukas si Pidyong.' wika ko sa sarili ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.


Itutuloy....

No comments:

Post a Comment