may dalawang buwan na din akong nandito sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. pero sa loob ng dalawang buwan na iyon ay parang dalawang taon na ang inilagi ko dito sa tagal ng oras.
kaya nagawa ko itong blog na ito dahil sa kagustuhan kong maging outlet ito ng kung anong tinatago ng aking utak. emosyon man, saloobin, galit, tuwa, you name it. i do not really tell people what i think. i have trust issues. ever since the day a classmate of mine outed me for no apparent reason, things begin to turn around.
"i'm such a disappointment." iyan ang tumatak sa akin. hindi man ipakita ito ng mga magulang ko, but i can feel it. more so dahil lagi pa itong nagagatungan ng kung sinu-sinong mga taong laging handang apakan ang pagkatao mo.
hindi ako nagoopen sa mga kapamilya ko dahil alam ko sa sarili ko na imbes na tulungan pa ako, e sisihin pa ako. lahat ng mga problema ko sinasarili ko.
matagal nang masama ang loob ko sa kanila. hindi ko lang ito pinapakita. palagi na lang akong tuliro at tulala sa tuwing ako lang mag isa ang natitira dito sa kwartong tinutulugan ko. sa loob ng katawang ito nakakulong lahat ng kalungkutan at sama ng loob na pilit na gustong kumawala sa akin pero hindi ko magawa dahil iisipin lang nilang isa akong baliw.
hindi ko din maisipan na ang mga kinikilala kong kaibigan ay hindi din pala naaasahan sa lahat ng oras. where the hell are they when i need them the most? nakakatampo, pero hinahayaan ko na lang. ipinagkikibit-balikat ko na lang ang ganito. i guess i am destined to be alone.
sanayan lang sa pagiging loner. gaya nga ng sabi ko, ever since the day na ipinagkalat ng kaklase ko ang pinakatago-tago kong pagkatao, iniwasan na ako ng buong klase. wala na yung dating barkada ko. wala na. i've been left alone. pero sige tuloy pa din ang buhay. di naman kawalan ang mga iniiwan ako sa ere.
sa dalawang buwan na ito, wala akong ibang ginawa kundi ang mag-isip. mag isip nang mag isip. oo mukha na kong losyang sa kakaisip. pero hey, ganun talaga. can't stop myself from thinking. thinking na one day, it'll all be over. sabi nga nila, there's a rainbow always after the rain.
No comments:
Post a Comment