Tuesday, May 15, 2012

Anghel Chapter 7






Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)
_____________________________________________________________________

Kinabukasan... 8am...

Napabalikwas na ako ng higa nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog.

'Sino na naman kaya ito?' pungas-pungas kong wika.


Nakita kong si PJ ang nagtext kaya binasa ko na ito.


'Mac, libre ka ba ngayon?' laman ng text nito.


'Aga mo magtext ah.' reply ko dito.


'Kakagising ko lang nga eh.' text nito.


'Ah ganun ba? haha. Nako kung hindi ka lang nagtext malamang mamaya pa ako gigising.' reply ko.


'Ganun? Edi Good morning Makoy. :*'


'Naks meron pang good morning kiss ah. Sweet neto.'


'Ikaw din nga daw eh.' reply nito.

'Sino nagsabi?' takang text ko dito.

'Secret walang clue. hahaha' reply nito. Napangiti naman ako dito.

Habang patuloy kami sa pagpapalitan ng text ay naghanda na ako para pumunta sa grocery. Bigla namang bumungad sa harap ng gate si PJ nang paalis na ako.

'Samahan na kita.' sabi nito.

'Naku wag na.' wika ko naman. 'Baka busy ka eh.'

'Hindi iyan. Wala naman akong ginagawa dito sa bahay eh. Tsaka alam kong madami kang bibilhin kaya sigurado akong kailangan mo ng extrang tulong.' nakangiting sabi nito.


'Sweet mo ah. Ano nakain mo?' tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep.


'Wala naman.' wika nito sabay flash ng kanyang killer smile.


Sumakay na kami ng jeep papunta sa grocery store sa SM. Wala kasing malapit na grocery store sa lugar namin kaya dumadayo pa kami ng SM para lang makabili. Panay lang ang tingin sa akin ni PJ habang nakasakay kami sa jeep. Kada tingin ko naman dito ay bigla namang iwas ito ng tingin sa akin. Ano na naman kaya nakain nito at biglang naging sweet. Pero kahit naman biglaan ang pagiging sweet nito, okay lang sa akin. Nakakatuwa nga pagiging sweet nito eh. 


Nakarating na kami sa supermarket ng SM at nagsimulang bumili. Siya pa ang nag-iinsist na magtulak ng grocery cart. Kung titignan mo nga kaming dalawa ay parang kami dahil minsan pinagtatalunan pa namin yung kung ano yung masarap na kakainin. Siya na din minsan ang kumukuha ng mga pagkain. Bukod pa sa simpleng grocery ay nakukuha pa naming magharutan. Minsan sasagasaan niya ako ng cart na tulak-tulak niya tapos ako naman bigla ko susungitan.

Mga hapon na din nang matapos na kaming maggrocery.

'Ako na magdadala niyan.' wika nito at kinuha ang mga mabibigat na dalahin sa akin. Alam kong kayang-kaya niya iyon dahil sa maskulado ang katawan niya. Parang mas maskulado pa nga katawan niya sa akin.

'Ako na.' sabi ko sa kanya sabay bawi ko ng pinamili sa kanya.

'Ako na.' pilit nito. 'Pleeease?' dugtong nito na parang bata.

Di na ako pumalag sa kanya. sa kanya ko na pinadala ang halos lahat ng mga pinamili namin at ang natira lang sa akin ay yung mga magagaan.

'Magpara na lang tayo ng taxi kesa magjeep. Hassle pa pag nagjeep tayo.' turan ni PJ.


Tumango na lang ako bilang pagtugon sa kanya. Napagod din kasi ako sa kakapamili. Mabuti na lang at mabilis lang nakahanap si PJ ng taxi kaya agad kaming nakasakay. Sa sobrang pagod ko ay di ko namalayang nakahilig na ang ulo ko sa balikat ni PJ. Agad naman akong inakbayan nito at hinaplos ang ulo ko.

'Mukhang napagod si Makoy ah.' paglalambing nito sa akin.

Hindi na ako umimik pero pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay para bang napaka-safe mo sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na kaakbay ka ni PJ. 

'Makoy,' paggising nito sa akin.

'hmm?' pungas-pungas kong wika.

'Nasa bahay na tayo.' bulong nito sa akin.


Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa taxi kanina.


'Sorry nakatulog ata ako sa balikat mo.' dispensa ko sa kanya.


'Nako wala iyon.' nakangiting sabi nito.


'Salamat ah.' wika ko habang kinukuha ko yung mga pinamili ko at pinapasok sa bahay.


'Wala iyon.' sagot niya 'Akin na at tulungan na kitang ipasok yung mga binili mo.' sabay kuha ng mga mabigat na pinamili at pinasok na ito sa bahay.


______________________________________________________________________




Ang sarap sa pakiramdam na tulungan mo si Mac sa mga ganitong bagay. Little things do make a difference sabi nga nila. Simpleng mga ganito lang masaya na ko. Hihintayin ko ang araw na umamin na ako ng nararamdaman ko kay Mac. Hindi ko man alam kung ano man ang magiging kahihinatnan nito pero bahala na si Spongebob.


Lumipas ang mga araw na ganun ang nakagawian namin. Araw-araw akong lalabas kasama si Mac, makikipagbonding sa mga kabarkada niya na naging kabarkada ko na din. Kalagitnaan ng kwentuhan nang lapitan ako ni Jake.


'Oh PJ, kumusta na ang simpleng panliligaw mo kay Mac?' wika ni Jake.


'Heto, mukhang napapansin na nga niya eh.' magiliw kong sabi.


'Kwento mo naman.' turan ni Jake. Bakas sa mga mata nito ang interes.


'Noong isang araw, sinamahan ko siyang maggrocery sa SM.' Natatawa kong sabi.


'O tapos? Ano na?' nakangiting sabi ni Jake.


'Tapos, eto pa, nakatulog siya sa balikat ko.' wika ko.


'NAAAAAAAAAAKS!' malakas na sabi ni Jake. Napatingin ang lahat sa direksyon namin.


'Anong meron?' tanong ni James sabay bigay sa akin ng isang matalim na tingin. Ngayon lang ulit namin nakasama. Pero hanggang ngayon ramdam ko pa din na asiwa siya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit.


'Ah wala wala. Natutuwa ako sa kwento ni PJ.' alibi ni Jake. Muli itong bumaling sa akin. 'O tapos?'


'Balak ko nga ilibre sa SM ulit sa susunod eh.' bulong ko kay PJ.


'Heto bigyan kita ng tip. Magaling ka ba magluto?' tanong ni Jake sa akin.


'Hindi naman. Pero marunong ako magluto.' tugon ko dito.


'Ganito, ipagluto mo siya ng Sinigang na Baboy. Yun yung madalas na binibili niya sa karinderya.' payo ni Jake sa akin.


'Ah, yun? Nako specialty ko yun.' pagmamayabang ko.


'Ayan, plus pogi points yan sa iyo. Alam mo, si Mac, madali lang makuha kiliti niyan. Etong si James naman kasi sumpungin ng todo. Mantakin mo, mas matagal na silang magkakilala ni James pero parang mas kilala pa namin si Mac kesa sa kanya.'


Napatingin ako kay James.


'Ayaw nga sa akin ni James eh.' wika ko.


'Ewan ko. Pero baka nagseselos si James sa iyo.' wika ni Jake.


'Bakit naman?' tanong ko.


'Ewan ko ah, pero napapansin naming magbabarkada na katulad din natin iyang si James eh. Ayaw lang niyang umamin. Pilit nga namin hinuhuli eh.' singit ni Eman. Nakikinig pala ito.


'NATIN?' wika naming sabay ni Jake.


'Oo, di niyo alam? Kaisa ako sa inyo!' wika ni Eman.


Nagtinginan kami ni Jake, animo'y parang nababasa namin ang iniisip ng isa't isa.


'O ayan meron ka nang chance Jake.' bulong ko kay Jake.


'O basta PJ ah. Alam mo na ang gagawin mo. Sinigang lang ang katapat ni Mac.' wika ni Jake.


Napaisip ako. Para nga naman makatipid, ipagluto ko na lang siya ng paboritong ulam niya.


Maya-maya pa ay nauna na akong umuwi sa kanila para gawin ang balak kong ipagluto si Mac.


'Oh kuya, mukhang masaya ka ngayon ah.' wika ni Edward.


'Oo, ipagluluto ko si Mac ng sinigang.' tugon ko dito


'Aba, ok yun ah. Matagal na din tayong di nakakakain ng sinigang.' sabi ni Edward.


'Mamaya tawagin mo pag dumating na sa kanila.' sabi ko dito.


Naghanda na ako ng mga sahog para pangsigang. Sana magustuhan niya ito at gaya nga ng sabi ni Jake, plus pogi points daw ito.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment