Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)
_____________________________________________________________________
4pm na nang magising ako sa pagkakaidlip ko. Laking gulat ko nang nakita kong nakayakap sa akin si James. Dahil dito, napabalikwas agad ako ng higa. Agad din naman nagising si James sa ginawa ko.
'Ano ba?' masungit na wika nito.
'Anung ano ba? Nakayakap ka kaya sa akin.' sagot ko dito.
Namula si James sa tinuran ko.
'Sorry naman. Nagyayakap ako pag may katabi eh.' wika nito.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina para maghanda ng meryenda ngunit naalala kong bigla na wala pala kaming stock ng pagkain ngayon. Bukas pa ako nagpaplanong maggrocery. Kaya bumalik na lang ako sa sala at tinignan ang cellphone ko sa drawer ko. Hindi ko napansin na meron pala akong ilang mga unread messages dito pero sa iisang tao lang nanggaling
'ang sarap mo pagmasdan habang natutulog ka. :)' laman ng isang text nito.
'pinagmamasdan pala ako nito habang tulog ako?' nagtataka kong tanong sa sarili ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa text niyang iyon. nireplyan ko ito.
'Gising na ako. ikaw ah. pinagmamasdan mo pala akong tulog ah.'
Wala pang ilang minuto ay sumagot na ito.
'Oo eh. Hehehe. :*' reply nito.
'Aba, meron pang kiss na nalalaman ang loko.' sagot ko dito.
'Ayaw mo? :(' reply ni PJ sa akin.
'Hmm. Hindi naman po.' sagot ko dito. Hindi ko lang pinapakita pero tuwang-tuwa ako ng mga oras na ito.
'Asan na yung mga kabarkada mo? Akala ko papakilala mo ako sa kanila.' text nito sa akin.
'Andun na siguro iyon sa tambayan nila. Sama ka na.' pag-yaya ko sa kanya.
'Sige sige, magbibihis lang ako. nakakahiya naman kung nakapantulog ako.'
'Sus okay lang iyon. Wag lang magboxer ha. nakakahiya. hahahaha' text ko dito.
Hindi na ako nireplyan ni PJ at maski ako ay nagsimula nang maligo. Si James naman ay mahimbing pa din ang tulog.
Matapos na akong maligo nang gisingin ko si James.
'Hoy James. Gising na. Iwan kita diyan.' paggising ko sa kanya.
Nagulat naman si James sa akin na parang nakakita ng multo.
'Ba't ganyan suot mo?' gulat na tanong nito.
'Malamang kakatapos ko lang maligo.' sarkastiko kong sagot dito.
Tinitigan ako ni James mula ulo hanggang paa. Nakakapagtaka kung iisipin kasi hindi naman ganito si James noon. Parang wala lang sa kanya noon na nakatapis lang ako sa bahay.
'Ha... Eh... Pasensya naman.' utal na sagot ni James.
'Teka lang at magbibihis lang ako.' wika ko dito.
'S-Sige' namumulang sagot ni James.
Umakyat na ako sa itaas at nagsimulang magbihis ng damit. Saktong nagbibihis na ako ng shirt ko nang tumunog ang cellphone ko.
'Mac nakabihis na ako. Dito na ako sa harap ng bahay niyo.' laman ng text ni PJ.
Tinignan ko kung nasa labas na si PJ at hindi nga ako nagkamali. Ang gwapo niya sa suot niyang blue na superman shirt tsaka puting board shorts at simpleng tsinelas. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Lalo pang nagpagwapo sa kanya ang hairstyle niyang spiked-up.
'Sige nagbibihis na ako. Hintayin mo lang ako at bababa na din ako.' reply ko dito at bumalik ako sa pagbibihis.
Nasa gitna na ako ng pagpili ng damit nang makita kong meron din pala akong superman na damit. Kulay green nga lang ito. Wala naman sigurong masama kung isuot ko din ito. Wala lang sa akin ang pareho ng suot.
Isinuot ko na yung green na superman shirt at bago pa man ako bumaba ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin sa kwarto ni kuya. Nang makuntento ay bumaba na ako at nakita ko si James na nakaupo na sa kama.
'Naks gwapo ng bespren ko ah.' puna ni James.
'Adik. Ikaw mas gwapings sating dalawa no.' sagot ko naman.
Tumingin ako sa labas at nakita kong matiyangang naghihintay sa akin si PJ. Pero mainit pa din ang sikat ng araw at nagpasya na akong papasukin siya.
'Pidyong pasok ka.' wika ko sa kanya
'Sige.' nahihiya nitong sagot.
'Oo nga pala, si James, bestfriend ko.' wika ko habang tinuturo ko si James na mukha pa ding sabog dahil kakagising nga lang. 'James, si PJ, yung bagong lipat dito sa kabila.'
Agad naman inilahad ni PJ ang kamay niya pero hindi ito tinanggap ni James. Bagkus ay tinignan ito ng masama ni James. Agad namang napayuko si PJ sa tingin ni James at napansin ko ito.
'James.' pagsaway ko dito.
'Bakit?' masungit na tanong nito.
'Ba't kailangan mong tignan nang masama yung tao? Ano na naman nakain mo at bigla atang tinopak ka?!' inis kong sabi.
'Wala.' malamig na sagot nito at walang pakundangang umalis ng bahay.
Agad ko namang nilapitan si PJ.
'Pidyong, pagpasensyahan mo na yun si James, sadyang sumpungin lang yung tao.' pagpaumanhin ko dito habang inaakbayan siya.
'Mukhang di ata ako gusto ni James maging kaibigan mo ah.' nag-aalangang sabi nito.
'Wag mo na lang pansinin iyon. Ako bahala sa iyo pag binully ka nun.' pagsisiguro ko.
Binigyan ako ng isang matamis na ngiti ni PJ at niyakap ako nito. Muling nagdikit ang mga katawan namin matapos ko siyang samahan kaninang tanghali sa karinderya. Ang init ng katawan niya. Kahit sinong taong giniginaw ay mapapainit nito. Sa mga yakap niya e masasabi mong safe ka dito.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay nagsalita ito.
'pareho pala tayo ng damit.' puna nito.
'Oo nga eh. Nakita ko kasi na meron din akong ganyang damit. Iba nga lang ng kulay.' tugon ko dito. 'So ano tara? Hayaan mo na si James. Lakas topak lang talaga yun.'
Pareho na kaming lumabas ng bahay. Kinuha ko na ang susi at ini-lock ko ang pinto ng bahay para wala nang ibang makapasok ng bahay.
Habang palakad na kami sa tambayan namin ay napapansin namin na pinagtitinginan kaming dalawa ni PJ pero hindi na namin parehong pinansin iyon.
'Nasan nga pala si Edward?' tanong ko.
'Nandun naiwan sa bahay. Nahiya masyado.' sagot nito.
Natawa ako sa sinabi niya.
'Yun? Mahihiya? E kung makabanat lang kanina eh.' natatawang sabi ko sa kanya.
'Eh ewan ko dun. Hayaan mo na siya. Pakilala na lang natin siya some other time.' wika nito.
Nang makarating na kami sa tambayan namin, agad naman kaming binati ng mga kabarkada ko.
'Uy Mac, sino yang kasama mo? Artistahin ah.' wika ni Jake.
'Ah eto. Guys, si PJ. Bagong lipat lang dito sa amin kaya naisipan kong ipakilala siya sa inyo.' wika ko habang tinuturo si PJ.
'PJ, si Jake, si Jeca, si Nica, si Sara tsaka si Eman.' dugtong ko habang tinuturo kay PJ ang mga barkada ko.
'O nasan si James?' singit ni Eman.
'Ewan ko dun. Tinopak. Biglang tinignan ng masama tong si Pidyong kanina nung pinakilala ko. Parang tanga lang.' inis kong sabi
'Ano naman nakain nun?' wika ni Sara 'Uy PJ, ang cute mo ah. Crush na kita.'
'Nako Sara. Ayan ka na naman.' wika ni Jake 'Wala kang nagustuhan ni isa sa amin?'
'Wala. Palibhasa kayo mga mukhang di seryoso' tampu-tampuhang sabi nito.
'Baliw ka talaga Sara.' wika ni Eman. 'So PJ, nice to meet you.'
Ngumiti lang si PJ sa kanila. Halata pa sa kanyang medyo naiilang pa ito sa kanila.
'Don't worry, mababait yang mga iyan.' pagsisiguro ko sa kanya.
Sinuklian naman ako nito ng isang matamis na ngiti.
Nagsimula nang magkwentuhan ang barkada nang biglang pinansin ni Sara ang damit naming dalawa ni PJ.
'Pinag-usapan niyo yung damit niyo no?' bungad ni Sara.
'Girl couple shirt nila iyan.' gatong ni Jeca.
'Ay. Anu ba yan. Sayang naman.' lungkut-lungkutang wika ni Sara.
'Adik, nagkataon lang na pareho kami ng suot ni Mac.' depensa ni PJ.
'Pero in fairness, bagay sa inyong dalawa ang suot niyo.' ani Sara.
'Pano ba yan. Meron na naman tayong bagong crush ng bayan. Me kumpitensya na si Mac dito.' singit ni Eman.
'Hindi naman. Di ko kakumpitensya tong si Pidyong no. Okay lang na siya na maging crush ng bayan dito. Wala akong panama sa itsura neto.' wika ko sabay akbay kay PJ.
Tawanan, kwentuhan, asaran at siyempre paglalaro ng mga larong kalye ang nangyari nung hapong iyon. Unti-unti na ding nawala ang pagkailang ni PJ sa mga kabarkada ko. Kaya hindi nagtagal ay nakakasali na din ito sa mga tipikal na asaran namin at paglalaro ng mga street games. Nakakatuwang isipin na kahit tahimik itong si PJ e meron ding palang tinatagong pagkaisip-bata. Lugi nga sila kapag magkasama kaming dalawa sa isang team. Lagi na lang silang nabuburot sa aming dalawa. Kung hindi naman, mas magaling siya sa akin. Mas magaling itong magtago sa akin. Okay lang sa kanya kahit madumihan ang kanyang maputing balat at masugatan ito.
___________________________________________________________________
Madilim na nang mapagod kami ng mga barkada ni Mac. Kaya nagpasya na muna kaming magpahinga sa tapat ng tindahan nila Eman.
'Lugi kami sa inyo PJ.' wika ni Eman.
'Meron ka palang tinatagong galing sa street games eh.' wika ni Jake.
'I like him. He's so misteryoso.' konyong sabi ni Sara habang nakatingin sa akin.
'Di bagay Sara.' bara ni Mac at nagtawanan ang lahat.
'What?' inis na sabi ni Sara. 'True naman ah. PJ's a mysterious guy.'
'Oo pero yang kakonyohan mo nakakatawa.' natatawang sabi ko.
'Hmf! Pinagkakaisahan niyo ako. I hate you.' wika ni Sara sabay pout ng mga labi niya na lalo naming ikinatawa.
'Eh, kuya PJ, wala ka pa bang girlfriend?' tanong ni Jeca.
'Wag mo na akong kuyahin, PJ na lang.' pagtatama ko dito.
'Ay. Sige PJ, wala ka pa bang girlfriend?' pag-ulit nito.
'Wala pa. Pero meron akong isang taong gusto. Hindi ko nga lang alam kung gusto niya din ba ako.' seryoso kong sabi.
'O e bakit di mo ligawan?' wika ni Nica.
'Gusto ko nga ligawan eh. Gusto ko nga din aminin na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Kaya lang parang masyadong mabilis kung ganun ganun na lang ako aamin. Baka masaktan lang ako.' wika ko.
'Alam mo parekoy, you should take the risk. Kung hindi mo aaminin sa taong mahal mo na mahal mo siya, e baka masungkit pa ng iba iyan. Ikaw din ang talo. Baka pagsisihan mo ang bagay na iyan.' singit ni Jake habang nakatitig kay Eman na naglalaro ng sipa mag-isa.
'Tignan mo yung isang iyon,' bulong ni Jake sa akin habang nakaturo kay Eman.
'Bakit?' Tanong ko.
'May gusto ako kay Eman. Alam ng mga babae iyan. Pero ok lang sa kanila.'
Napatitig ako kay Jake. Di ko din aakalain na sa kabila ng itsura niya e may gusto din pala siya sa kapwa.
'Gulat ka no?' nakangiting tanong ni Jake sa akin. Napatango lang ako.
'Ako naman, alam ko na kung sino yung taong gusto mo. Ayan lang oh. Katabi mo nakikipagasaran sa mga babae.' wika ni Jake habang nakatingin kay Mac.
'Wag mong pakawalan iyan. Isa yan sa mga pinakakalog at mapagmahal na taong makikilala mo. Trust me.' dugtong nito.
'Bakit?' nagtataka kong tanong.
'Siya na yata ang pinakamaalagang taong nakilala naming magbabarkada. Hindi iyan titigil hangga't hindi ka okay. Idagdag mo pa ang pagiging palakaibigan niyan.' wika ni Jake. 'Go for it. Subukan mong pasimpleng ligawan si Mac, madali lang yan suyuin.'
Tinignan ko ang nakangiting Jake.
'Salamat Jake ah.' nakangiting sagot ko dito.
'Nako wala iyon. Kaibigan mo din naman kami eh.' magiliw na sagot nito.
Napaisip ako. Siguro ito na ang panahon na hindi na dapat ako umatras. Bahala na si Spongebob sa gagawin ko. Umaasa ako na makukuha ko ang loob ni Mac. Wala man kasiguruhan pero it's worth a shot.
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment