Wednesday, May 16, 2012

Anghel Chapter 8



Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)

______________________________________________________________________



'O bat ang aga umuwi ni Pidyong.' puna ko sa kanila.


'May gagawin yata yun eh. Wag mo na pansinin.' singit ni James.


'Alam mo James, pansin ko, masama ang tingin mo kay PJ. Ano ginawa nun sa iyo?' nagtataka kong tanong.


'Ayoko lang sa kanya.' malamig na sagot nito.


'Nagseselos ka at baka siya ang maging bagong best friend ko?' wika ko dito.


'Bakit ba?' inis na sagot nito.


'Hindi din kita maintindihan minsan James eh. Ambait nung tao tapos ginaganyan mo. Ano ba gusto mo palabasin?' malakas na boses ko ng mga oras na iyon dahil sa inuugali ni James.


Hindi ito sumagot. Bagkus ay umalis na lang ito at umuwi sa kanila.


'Parang tanga talaga si James.' inis kong wika.


'Oo nga eh. Alam mo parang merong something sa kanya.' wika ni Jake.


'Nako, pag ako nainis dun baka masapak ko yun.' wika ko. 'Hindi naman ganyan yan noon eh. Simula lang nung dumating si PJ.'


'Hindi kaya may gusto sa iyo si James?' singit ni Eman.


'Si James? May gusto sa akin? Seryoso ka?' gulat kong tanong.


'Oo. Kita mo tong si Jake. Matagal na akong pinopormahan nito. Kala niya di ko pansin.' nakangiting sabi ni Eman habang tinitignan si Jake.


'Pansin mo na pala.' nahihiyang sagot ni Jake.


'Ligawan kita diyan eh.' wika ni Eman at nagtawanan kaming tatlo. Wala kasi ang mga babae kaya naging all boys ang umpukan ngayong araw.


Namula naman ng todo si Jake sa sinabi ni Eman.


'Ako kinikilig sa inyo eh. Di ko akalain na magkakainlaban kayong dalawa.' natatawa kong sabi.


'Matagal ko na din kasing balak ligawan tong si Jake. Hindi ko lang magawa at nahihiya ako.' tugon ni Eman.


'Eto na nga oh. Pwede mo na akong ligawan. O para mas maganda ako manliligaw sa iyo.' natatawang sabi ni Jake.


Nagbitaw ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napatingin naman silang dalawa sa akin.


'O bakit?' wika ni Jake.


'Naiinggit lang. Sana meron ding magpapasaya sa akin. Oo andiyan si James bilang bestfriend niya pero hindi iyon eh. Meron nga din akong taong gusto at hindi ko naman alam kung gusto niya din ako.' wika ko.


'Hulaan namin kung sino yan.' turan ni Eman.


'Si PJ no?' dugtong ni Jake.


Nagulat ako sa sinabi nilang dalawa.


'Kahit di mo sabihin. Halata sa mga mata mo na gusto mo si PJ. Nakikita namin yung kakaibang kislap sa mga mata mo pag tinitignan mo si PJ eh.' wika ni Jake.

Biglang tumunog ang cellphone ko habang nagkukwentuhan kaming tatlo. Tinignan ko ito at hindi nga ako nagkamali, si PJ ang nagtext.

'Makoy, dinner ka dito sa bahay :)' text nito.

'Dinner? Meron kayang pagkain dun sa bahay.' reply ko dito.

'Dali na please? :D' reply nito.

'Sige na nga. Para sa iyo. :)'  sagot ko naman dito.


'Yehey.' parang bata na reply nito.


Agad naman akong nagpaalam kila Jake at Eman na ngayon at nagtititigan at parang naguusap lang sa mata. Makulit din tong dalawang to pag magkasama. Magtititigan, tapos magtatawanan na lang bigla. Akalain mong kapwa din pala ang gusto nila.


Naglalakad ako pauwi at nakarating na sa bahay nila PJ. Pinindot ko ang doorbell at agad naman iniluwa si PJ ng gate nila.


'Yan, nakarating ka din Makoy.' magiliw na wika ni PJ.


Ngumiti na lang ako at pumasok na sa kanilang bahay.

'O andiyan na pala si Mac eh.' bungad ni Edward. 'O lika dito upo.' sabay lahad ng upuan sa hapag-kainan.

'Oh ayan. Pinagluto kita. May nagsabi sa akin na paborito mo ang sinigang eh. Kaya heto niluto ko sinigang na baboy.' wika ni PJ habang hinahain ang pagkain.


'Wow naman, nagabala ka pa.' sagot ko.


'Sinigang na baboy... with love.' banat ni Edward.


Natawa kami sa banat ni Edward. Kahit naman alam namin na corny, natatawa pa din kami. Maya-maya pa ay kumain na kaming tatlo. Eto na yata ang pinakamasarap na sinigang na natikman ko sunod sa lutong sinigang ni mamang. Tamang asim lang. Isama mo pa yung karneng sakto lang ang pagkakaluto.


'O eto bagoong.' alok ni PJ sa akin habang inaabot ang bagoong. Alam niya din palang bagoong ang gusto kong sawsawan sa sinigang imbes na patis.


'Bagoong?' nagtatakang tanong ni Edward.


'Oo.' nakangiti kong sagot. 'Try mo. Masarap. Lalo pag yung taba.' sabay abot ko ng bagoong kay Edward.


'Mac.' tawag ni PJ sa akin.


Tumingin lang ako sa kanya.


'W-wala lang.' biglang iwas ng tingin sa akin at namumula sa hiya.


'Salamat ah.' wika ko at hinawakan ko ang kamay niya. 'Ngayon lang ulit ako nakatikim ng ganito kasarap na sinigang.'


Nagliwanag ang mukha nito at napangiti.


'Talaga?' sambit nito.


'Oo naman.' sagot ko. Isang ngiting napakatamis ang iginawad nito sa akin.


Nagpatuloy na kaming kumain ng aming hapunan. Nang matapos kami, agad naman namin itong niligpit. Tumulong ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin.


'Iwan ko muna kayong dalawa diyan ah.' wika ni Edward habang paakyat papunta sa kwarto niya.


'Sige.' sagot ni PJ habang nagsasabon ng mga plato sa lababo. Ako naman ay nagpupunas ng mesa.


Katahimikan lang ang namayani sa aming dalawa. Tingin ko ay naghihintayan lang kami kung sino ang unang babasag nito. Pero mukhang wala atang balak magsalita ang isa sa amin. Pareho kaming nailang bigla sa isa't isa.


Naisipan ko nang basagin ang katahimikang kanina pa nagpapabingi sa amin.


'Pidyong.' sabi ko.


'Po?' tugon nito.


'Bakit ang lambing mo na sa akin nitong mga nagdaang araw?' tanong ko.


'Ah. Eh. W-wala lang. Ikaw kasi yung tipo ng tao na ang sarap alagaan eh.' nakagiting sagot nito.


Parang hindi ako kuntento sa sagot niyang iyon. Ayoko namang tanungin ko agad na may gusto siya akin. Hintayin ko na lang siya na umamin.


Nang matapos kami sa pag-aayos ay nagpaalam na akong umalis sa kanila at umuwi na ng bahay. Pag-uwi ko ay nakita ko si kuya na naglalaro sa computer.


'Kuya.' wika ko.


'Oh?' sagot nito nang hindi man lang natingin sa akin.


'Sungit ah.' sagot ko dito.


'Di naman, malapit na kasi akong matapos eh.' natatawa nitong sagot.


'O basta yun. Kilala mo na yung mga bagong kapitbahay?' sabi ko.


'Yung dalawang gwapong magkapatid? Bakit? Anong meron?'


'Yung isa inaya ako magdinner diyan sa kanila. Tapos ang lambing pa.'


'Uyy. Baka gusto ka niya.'


'Ayoko naman magassume. Malay mo friendly gesture niya lang yun?'


'Sus. Hindi iyan. Aamin at aamin din iyan someday' wika ni kuya.

'Sure ka?'

'Sure ako. Been there.' sagot ni kuya.

Napaisip ako. Pano nga kung may gusto nga talaga sa akin? Ayoko din naman kasing magassume na gusto din niya ako. Pero ako aaminin ko sa sarili ko na hindi ko lang siya gusto. Parang mahal ko na nga ata si PJ eh. Ah basta. Hintayin ko na lang siguro siyang maunang umamin sa akin.

Lumipas ang ilang linggo at patuloy pa ding nagpapakita ng sweetness si PJ sa akin. Hindi ko naman ito masuklian at baka mamisinterpret ko ang mga ginagawa niya. Kaya tamang pakikitungo na lang ako sa kanya. Nandiyan yung palagi niya akong niyayaya sa mall para maggala. Ito din yung time na nagkakakilala kami nang lubos. May tinatagong kulit din pala ito. Pero hindi niya lang kaya ipakita. Mabait din naman si PJ, maalaga, maasikaso, maalalahanin. Kahit nanggaling siya sa isang dating mayamang pamilya ay wala ka talagang makikitang ere sa aura niya. Napaka down-to-earth nito.


Nandiyan din yung tatabi lagi sa akin kapag nagkukwentuhan o naglalaro kaming magbabarkada. Ayaw niya na hindi ako ang kakampi niyan. Kaya yung mga kabarkada ko lagi kaming inaasar na loveteam. Naiilang man kaming dalawa na inaasar kami nila Sara, wala kaming pakialam.


Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan...




Itutuloy...

No comments:

Post a Comment