Monday, May 21, 2012

Anghel Chapter 9


Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)

At ang tagal mag-update. Dami kasi iniisip eh. pagpasensyahan na po.
______________________________________________________________________

May tatlong buwan na din kaming magkasama ni PJ. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay tuluyan ko na siyang nakilala. Pero parang meron pa ding kulang. Nakakaramdam ako na meron siyang hindi sinasabi sa akin pero nararamdaman ko iyon. Natutuwa ako sa mga ginagawa niyang paglalambing. Marahil ay nasanay na din ako na para din akong binebaby ni PJ. Pero iba, may laman yung mga pagiging malambing niya sa akin.
Tulad na lang noong minsan na yayain niya akong manood ng sine. Habang nanonood kami ng sine ay sumisimple siya ng hawak ng kamay ko. Hindi ko na lang pinapansin iyon. Nandiyan din yung ihilig niya ang ulo niya sa balikat ko at magnanakaw ng halik sa pisngi ko. Patay-malisya pa din ako sa mga ganun niya kahit alam kong may gusto na ako sa kanya noon pang una kaming magkita.

Minsan naman ay aayain niya akong magdinner sa kanila kasama ng kapatid niya. Aaminin kong masarap magluto si PJ.

Dun din sa lumipas na tatlong buwan ay napansin ko na ding dumistansiya na si James sa akin. Ni hindi na nga ako nito kinakausap o sumasama man lang sa barkada. Napag-isip isip ko din na kausapin si James ngayong araw na ito. Pero sa ngayon, andito ako ngayon sa tindahan nila Eman at nakatambay. Nagtext kasi sa akin si PJ na dito ko siya hintayin at meron daw siyang sasabihin sa akin.

'Parang ang tagal naman yata ni PJ.' nagtatakang wika ni Eman na siyang tao sa tindahan nila ngayon. Wala kasi ang kapatid kaya siya ang tumao dito.

'Hayaan mo yun. Buti nga andiyan ka at hindi ako mabuburyong kahihintay. Oo nga pala, kumusta kayo ni Jake? Nagkakamabutihan na ba?' tanong ko dito.

'Ayun. Keso pala ng mokong.' natatawang sabi nito.

'Sa gwapo nun? Ikaw lang magpapakeso.' tugon ko dito.

'Aba siya naunang magpakita ng motibo. Lagkit kaya tumingin sakin yun noon pa.' sabi nito habang kumukuha ng Mountain Dew sa ref at iniabot sakin. 'O heto, libre ko na.'

'Salamat.' sagot ko at ininom ang softdrink.

'O. Ayan na pala si PJ eh.' wika ni Eman habang tinitignan si PJ papalapit sa tindahan.

Mukhang aalis ata ang loko ah. Nakapink na shirt na may mukha ni Patrick Star, naka white plaid shorts at naka Vans pa. At mukhang merong itinatago ang mokong sa likod niya. Ngingiti-ngiti siyang lumapit sa amin.

'Nakakahiya naman sa iyo. Mga nakapambahay lang kami.' turan ko kay PJ.

'Hindi. Actually kagagaling ko lang sa kung saan at may ibibigay sa iyo.' nakangiting sabi ni PJ.

Walang anu-ano'y may ipinakita siyang isang kahon at ibinigay sa akin. Nakita ko sa kanya ang isang ngiti na puno ng saya at pag-asa.

'Ano 'to?' tanong ko sa kanya.

'Kahon malamang.' banat ni Eman na nanonood sa eksenang nagaganap.

'Alam ko kahon to Eman adik ka.' natatawa kong sabi.

'Buksan mo.' wika ni PJ na nakangiti pa din sa akin.

Binuksan ko ang kahon at nagulat ako nang makita ko ang isang Spongebob na t-shirt. May kasama pang sulat ito. Nabanggit ko kasi sa kanya na favorite ko si Spongebob noon.

Gumuhit ang ngiti sa mukha ko. Para akong bata na nabigyan ng kendi sa tuwa. Dahil matagal ko nang gusto ang magkaroon ng Spongebob na shirt.

Binasa ko ang sulat nito. Maganda ang sulat ni PJ. Parang pambabae. Daig pa yung sulat-kamay ko.

Mac,

Una ko pa lang kita nakita, parang pinana na ako ni kupido. Dito nagsimulang tumibok ang puso ko at hulihin ang loob mo sa abot ng aking makakaya  Nung una naguguluhan ako kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa iyo dahil pareho tayong lalaki. Pero nang nagtagal na, tinanggap ko na iyon. Kung tutuusin humingi pa ako ng payo kay Edward. Kaya pasimple kitang niligawan noon. Kaya ko ginawa sa iyo iyon dahil doon ko na tinanggap na mahal kita Mac. Alam kong kakaiba man sa paningin ng tao ang ganito pero wala akong magagawa, sadyang sa iyo ata nakalaan ang puso ko eh. Hindi man ako perpekto pero sisikapin kong hindi kita sasaktan sa abot ng aking makakaya. Matagal na kitang gusto pero hindi ko masabi sa iyo sa takot na baka iwanan mo lang ako. Pero dito sa sulat na ito, kaya kong sabihin na mahal kita. Di man ako naghahangad na masuklian mo ang pagmamahal ko, pero ang sa akin lang, kahit umamin man ako sa iyo, walang magbabago sa ating dalawa.

I love you MARC JULIAN JARLEGO.

PJ

Binasa ko ito sa harap nilang dalawa. Hindi ko mapigilang mapangiti ng todo sa saya. Sa wakas at umamin din siya. Ngayon sigurado na akong itutuloy ko ang nararamdaman ko sa kanya.

'Naks naman Mac. Sweet ni PJ oh.' wika ni Eman.

'Iksi nga eh.' wika ni PJ habang napapakamot sa ulo.

Pinahid ko ang luha ko at nagsimula akong magsalita.

'Alam mo Pidyong, ang keso mo.' natatawa kong sabi.

'Sige na ako na keso. hmp.' nakapout na wika ni PJ. Natawa kami ni Eman sa mukha nito. Parang batang nagtatampo kasi pag ganito si PJ.

'Eto seryoso na ko.' wika ko. 'PJ, hindi ko din nakayang sabihin sa iyo noon ito. Kung tutuusin, pinipigilan ko ang nararamdaman kong ito dahil takot din ako. Pareho lang tayong natakot nung una kaya hanggang sa mga kilos lang natin ito naipapakita. Hindi ko nilagyan ng malisya yung mga ginawa mo noon dahil sa pag-aakalang friendly gestures lang iyon. Pero ngayong umamin ka na sa akin, kampante na akong ituloy ang nararamdaman ko sa iyo. Mahal din kita Paul Jake Santiago.'

Nagliwanag ang mukha ni PJ at ngumiti.

'So ano na kayo niyan?' singit ni Eman, napapangiti sa kilig.

'Pidyong, sabihin mo nga yung sinabi mo dito sa sulat. Yung last line.' nakangisi kong sabi.

'Ha? Aling last line?' maang-maangan ni PJ.

'eto oh.' sabi ko sabay turo sa I love you MARC JULIAN JARLEGO.

'Ha? E...Eh.. Nahihiya ako.' tugon naman nito.
'Sus, tayong tatlo lang naman dito. Swerte ko nga ako pa unang nakaalam.' turan naman ni Eman.

'I....I....I....L...Lo...Love....Y....You.' nauutal na sabi nito. Hagalpak kami ni Eman sa tawa na siya namang ikinakunot ng noo ni PJ.

'O hindi na po.' pag-aalo ko dito sabay halik sa pisngi. Agad naman nawala ang kunot ng noo ni PJ at napalitan ito ng ngiti.

'Ang cute ni PJ pag nauutal.' wika ko kay Eman sabay kurot sa pisngi ni PJ.

'Para ngang bata eh.' gatong ni Eman. Namumula ng sobra si PJ sa pang-aasar naming dalawa.

'Yaan mo na Pidyong ko. Love naman kita eh.' at binigyan ko ng masuyong halik sa labi si PJ.

'Wag kayong ganyan! PDA!' natatawang sabi ni Eman. Nang maghiwalay ang mga labi namin, sakto namang dumating si Jake at ang mga babae.

'O anong meron?' bati ni Jake.

'Tanungin mo tong dalawang loko.' tugon naman ni Eman habang nakaturo sa aming dalawa na magkaakbay ng mga oras na iyon.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment