here comes the finale of the story. natapos din after 10 years haha. pigang piga ang utak ko.
Pasensya na din po. this is my first time to write a story.
3 years later...
"jay." bulong ko nito.
"mahal?" sagot nito.
"wala lang." nakangiti kong sagot.
pareho kaming nakahiga sa aming kama.
"parang dati lang ah. nung bago ka umalis papunta dito." wika nito.
"oo nga eh." sabi ko.
makalipas ng tatlong taon ay going strong pa din kami. pareho na kaming graduate sa aming mga kurso at nagtatrabaho na din. magkakasama na din kami ng aming mga pamilya dito sa amerika. pareho na naming naipakilala ang isa't isa sa aming mga pamilya at kahit kakaiba man ito sa kanila ay tinanggap pa din nila ito. ngayon ay magkapitbahay lang ang mga pamilya namin para kahit papano ay magkakasama pa din ang mga pamilya namin.
isa na akong RN samantalang engineer na siya. minsan sa bahay namin siya natutulog, minsan ako naman sa kanila.
akmang palabas na ako ng kwarto nang...
*BLAG!* biglang bumukas ang pinto. tinamaan ako sa ulo.
"kakain na!" wika ni kuya.
"walang konsepto ng pagkatok?" inis kong sabi.
"wala. hahaha" sabi nito sa akin.
natawa naman si jay sa akin at napailing na lang ako.
bumaba na kami sa hapag-kainan at sabay nang kumain. ako, si mamang, si papang, si ate, si kuya, si josh, ako, at si jay.
"weird. pero ganun talaga." wika ni mamang.
"oo nga eh. wala na tayong inasahang apo." sagot ni papang. kita ko sa mga mata nito ang pagkadismaya.
"pang, magkakaanak din ako" wika ko.
"pano?" sabat ni kuya.
"baby maker?" sagot ko.
gusto ko ding magkaanak para kahit naman papaano ay magkaroon sila ng apo. sayang naman kung wala silang apo.
kibit balikat naman sila mamang at papang sa sinabi ko.
"ikaw bahala. basta gusto namin ng apo emil." malumanay na sagot ni mamang.
"opo mamang." wika ko. nakita kong nagliwanag ang mukha nilang dalawa.
nagkatinginan naman kami ni jay at nagngitian. inisip namin ang mga pinagdaanan namin noong nakalipas na tatlong taon. pero wala pa din pinagbago, mahal na mahal pa din namin ang isa't isa.
matapos naming kumain ng hapunan ay umakyat na ulit kami sa kwarto ko. binuksan ko ang laptop ko at siya naman ay naglaro ng psp.
"mahal?" tawag niya sakin.
"po?" wika ko.
"i love you."
"mas mahal kita no!" sabi ko sa kanya.
lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"dami na nating pinagdaanan ano? mula noong una tayong nagbreak, hanggang sa pagkawala ng time ko sa iyo, hanggang sa napaghinalaan kitang kayo ni joma."
"e ikaw naman kasi eh. alam mo na ngang long distance eh. tiwala lang kasi." paninisi ko sa kanya.
"opo. hay salamat." at nagpakawala ito ng buntong hininga.
"bakit?" tanong ko.
ngumiti lang ito at hinalikan ako sa labi. nagulat naman ako sa sa ginawa niyang iyon. tinignan niya lang ako at nginitian.
"uyy natigilan." wika nito.
"sus lagi ka namang ganyan. magnanakaw ng halik!" tumayo ako at hinabol ko ito sa kwarto. mas maliksi ako sa kanya kaya agad ko itong nahuli.
"huli ka!" wika ko sa kanya habang hiniga ko siya sa kama.
nang makahiga na kami ay binigyan ko ito ng isang masuyong halik. ginantihan naman nito ito. hanggang sa naging isang mainit at mapusok na halik. maya maya pa ay tumigil ako sa ginagawa ko.
"ready?" nakangisi kong sabi rito.
"ewan." natatawang sabi nito.
"adik ka. gusto nilang magkaroon ng apo. dali na." sagot ko dito.
natawa si jay sa sinabi kong iyon.
"sige na nga." at muli ako nitong hinalikan at napunta sa isang mainit na pagniniig...
hindi lagi kailangang magkausap kayo o magkatex para lang maiparamdam mo na mahal mo ang isang tao. tiwala lang ang pinakapundasyon nito at ito ang nagiging isa sa mga susi kung paano magtatagal ang isang relasyon.
wakas...
No comments:
Post a Comment