This is my second time na magsulat ulit ng story. this time fiction na to.
any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)
_____________________________________________________________
9am nang magising ako sa isang tawag sa cellphone ko...
'Hmm??' pupungas-pungas kong sabi.
'Di ka papasok?' wika ng taong nasa kabilang linya.
'Hindi. Naalala mong hindi ako nagenroll.' sagot ko.
'Oo nga pala ano? 1st sem ka nga pala mageenroll.' wika nito.
'Ulyanin ka talaga James,' natatawa kong sabi.
'Daanan na lang kita mamaya sa bahay niyo Mac.' ani James.
'Sige sige. Wala din namang magawa dito sa bahay eh.' at pinutol na ni James ang linya.
Ako nga pala si Mac. Marc Julian Jarlego. 20 taong gulang. Isang PT student sa isang unibersidad sa maynila. Maputi, 5'9 ang taas, mapungay ang kulay brown na mga mata, at hindi din papatalo sa pangangatawan. Sabi ng mga barkada ko ay ako daw ang pinakamaganda ang katawan. Palibhasa varsity ako ng badminton noong high school ako. Hindi din naman ako nagpapatalo sa itsura, pero hindi naman ako naniniwala. NGSB din ako, ewan ko ba. Hindi ko din naisip na magkaroon ng GF. Oo nagkakaroon ako ng mga crush na mga babae pero hindi ko naman ito maligawan. Takot ko lang na masaktan. Siguro dahil nakapokus muna ako ako sa pag-aaral ko. Pero ngayon, tumigil muna ako. Pahinga muna ako sa pag-aaral dahil noong nakaraang sem ay naospital ako dahil bigla na lang bumigay ang katawan ko. Pinayuhan ako ng doktor na magpahinga muna at baka mas malala pa yung mangyari sa akin.
Bunso ako sa aming dalawang magkapatid. Ang mga magulang namin ay parehong nagtatrabaho sa ibang bansa. Si kuya naman ay nagtatrabaho bilang isang doktor sa ospital ng skwelang pinapasukan ko. Bale si kuya ang padre-de-pamilya sa aming dalawa pero minsan ako. Lagi naman kasi akong naiiwang mag-isa dito sa bahay namin.
Bumangon na ako sa kama at nagpunta sa dining area. Pansin kong wala na namang pagkain. Maaga na namang pumasok si kuya sa trabaho kaya wala na namang pagkaing natira. Kaya naisipan kong bumili na lang ng de-lata sa tindahan. Nang pauwi na ako, napansin kong may truck na nakapark sa harap ng bahay namin. Napaisip ako kung anong ginagawa ng truck na iyon sa bahay.
'Baka may lilipat sa kapitbahay,' sabi ko sa sarili ko.
Tumama nga ang aking naisip at naglilipat nga sila ng gamit sa katabing bahay. Matagal na kasing bakante yung katabing bahay namin simula nung lumipat yung dati naming kapitbahay sa ibang bansa.
Habang pinapanood ko yung mga kargador na nagbubuhat ng mga kagamitan sa bahay ay may dalawang taong umagaw ng pansin sa akin. Pareho silang mukhang mayaman, artistahin at talaga nga namang gwapo. Kitang-kita sa kanila na galing sila sa isang mayamang pamilya.
Biglang tumingin ang isa sa kanila at ngumiti. Sinuklian ko din ito ng isang ngiti din kahit na bagong gising pa ako.
Nang bumalik ako sa bahay ay hinanda ko na ang almusal ko at kumain. Walang anu-ano ay nagtext si James sa akin.
'Walang professor. Pang inis.' ang laman ng text.
'Kaya ka nakakapagtext?' sagot ko dito.
'Oo. Uwi na lang kaya ako?'
'Sige ikaw bahala. Mamaya ka na lang dumaan dito sa bahay. Nga pala, merong bagong lipat dito na ewan ko magkapatid ata.'
'Oh? Buti me nakalipat na? Tagal ding bakante ng kabilang bahay ah.'
'Oo nga eh. Sige na kain muna ako at maglilinis ng bahay.'
'Sige sige.'
Hindi ko na ito nireplyan at tinapos ko na ang pagkain ko ng almusal. Hanggang ngayon ay naglilipat pa din sila ng mga kagamitan nila. Hindi ko na lang muna ito pinansin. Minsan lang din kasi akong lumabas ng bahay. Lalabas lang ako ng bahay kapag pupunta ng tindahan, o kaya kapag inaya ng mga kabarkada na maglalaro ng larong pambata. Oo hanggang ngayon kahit mga 20-21 years old na kaming magbabarkada ay hindi pa din kami natitigil sa kakalaro ng mga larong pambata. Mas nageenjoy kami sa ganun, inaalala namin ang pagkabata namin.
Bago ako naglinis ng bahay ay isinaksak ko muna ang Ipod ko sa speaker at nagpatugtog, para naman ganahan ako dito.
'Dahil ako lang mag-isa ngayon at wala akong magawa ay lilinisin ko na ang buong bahay.' wika ko sa sarili ko.
Inuna kong linisin ang isa pang kwarto sa itaas. Wala naman dapat masyadong ayusin dito dahil maayos ito. Sunod kong nilinis ang kwarto ni kuya. Tinupi ko lahat ng mga nakakalat na damit niya at inilagay sa cabinet niya, ang mga nakakalat na gamit niya din ay inayos ko sa table niya. ang mga libro niya ay isa-isa kong niligpit. Pagkatapos nun ay nilinis ko na ang sala kung saan ako natutulog at ang dining room. Onting walis lang ay okay na. Hindi naman kasi masyadong maalikabok.
Pasado tanghali na ako nang matapos akong maglinis ng bahay. Hinubad ko na ang t-shirt ko dahil sa sobrang init. Isa ding dahilan kung bakit hindi ako nagenroll ng summer ay ang init. Okay naman sa mga magulang ko ang tumigil pansamantala, basta pagkatapos ng summer ay mageenroll agad ako.
Umupo na ako sa sofa para makapagpahinga.
'Hindi na naman ako nakapaglunch.' sabi ko.
Binuksan ko ang ref, walang pagkain. Okay lang, hindi pa naman ako ganun kagutom dahil alas-nwebe na ako nagalmusal. Wala din naman akong itinira sa kinain kong almusal kaninang umaga. Katakawan ko talaga. Mabuti na lang at hindi ako tumataba.
'Makabili nga ng pagkain.' usal ko.
Lumabas ako ng bahay na nakatopless. Sanay naman akong lumalabas ng bahay ng ganito ang ayos, palibhasa karamihan ng mga kapitbahay namin e kakilala ko at kilala ako kaya okay lang. Yung mga babaeng kapitbahay namin laging natitigilan kapag lumalabas ako ng bahay.
'Uy tignan mo si Mac oh.' bulong ni Nica sa kaibigan niya.
Nilapitan ko silang dalawa.
'Ako na naman nakita niyo ah.' magiliw kong sabi.
'Ikaw naman kasi eh! Lalabas ka na nga lang topless pa.' tampu-tampuhang sabi ni Nica.
'Kasalanan ko pa talaga?' natatawa kong sabi.
'Oo. Tignan mo tong si Jeca, nakatitig lang sa iyo oh.'
'Huy Jeca matutunaw ako niyan.' pagbaling ko sa kanya.
Namula naman si Jeca. 'E kuya Mac, san ka pupunta?'
'Sa tindahan. Bibili lang ako ng makakain tsaka magpapaload.' tugon ko dito.
'Ah ganun ba? Sige sige una na muna kami, pasok muna kami ng skul.' wika ni Nica.
'Sige sige. Si James dadaan ng bahay. Manggugulo na naman. Sama kayo?' paanyaya ko.
Halatang kinilig ang dalawa. Di din maikakailang gwapo din si James. Kababata ko si James. Pareho pa kami ng birthday. Lahat ng problema ko alam niya. Para kaming kambal sa dami ng pagkakapareho namin ni James.
'Eh Mac wag na lang. Matitigilan kami dun.' nahihiyang sabi ni Nica. Halata sa kanyang crush niya si James.
'O sige basta minsan labas din kayo. Miss na namin yung bonding natin sa kalye.' ani ko.
Kinawayan ko silang dalawa at naglakad ako papunta sa tindahan para bumili ng makakain at para makapagpaload na din. Nagtext din kasi si manong 8888 sa akin.
'Your Globe SuperUnli has already expired...' text ng Globe.
'Ate paload, tsaka dalawang Lucky Me, yung yellow.' magiliw kong sabi kay ate.
'Oh ikaw pala yan Mac. Tagal mong di lumabas ah.' wika ni ate carmen.
'E nagkasakit eh. Pahinga muna ako ngayon. Naospital ako nung nakaraan.' nakangiti kong sabi.
Nginitian ako ni ate Carmen at ibinigay niya ang cellphone na pinangloload niya at yung dalawang pancit canton.
Pauwi na ako sa bahay nang may makabungguan ako...
*SPLAGH*
Napaupo siya dahil sa puwersa. Mabilis pa naman akong maglakad. Tinignan ko kung sino ito at nagulat nang makita ko kung sino yung nakabanggan ko.
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment