Saturday, May 5, 2012

May Tayo Pa Ba? part 1


NOTE: this story is part reality, part fiction. i just changed the names of the people involved. :)

Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.



march 31.

"jay." tawag ko nito sa kanya.


"bakit?" sagot nito sa akin.


pareho kaming nakahiga sa aking kama. huling araw ko sa pilipinas ngayon. bukas na ang alis ko papuntang amerika.


"kaya mo bang mahiwalay ka sa akin? kahit ilang buwan lang akong mawawala?" tanong ko sa kanya.


"kaya ko." malambing na tugon nito habang yumakap sa akin. "alang-alang sa relasyon natin. kakayanin kong magtiis ng dalawang buwan na wala ka. di man ako sigurado pero oo."


napangiti ako sa sinabi niyang iyon. alam kong may panghahawakan ako habang nasa amerika ako.


"i love you jay." bulong ko nito sa kanyang tenga.


"mas mahal kita emil." sagot nito sa akin at hinalikan ako nito sa labi. matamis, masuyo, puno nang pagmamahal. sinuklian ko naman din ito ng isang matamis na halik. halik na tanda na pakaiingatan ko ang pangakong kakayanin namin ang dalawang buwang wala sa piling ng isa't isa.


kinabukasan. maaga akong nagising. dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. for the last time pinagmasdan ko siya. ang maamo niyang mukha. ang kanyang matipunong katawan. mamaya lang ay aalis na ako pabalik ng amerika. sasamahan ko ang mga magulang ko at the same time ay magbabakasyon din.


maya-maya pa ay gumising na siya. nakita niyang pinagmamasdan ko siya. napangiti lang ito. sabay na kaming naghanda ng almusal namin. tinignan niya din ang nakaimpakeng mga bagahe ko.


"di ka na talaga papaawat?"


"kelangan eh.  gusto mong magbayad ako sa overstaying fee ko?"


hindi na siya sumagot. katahimikan ang namuno sa aming pagkain ng almusal. maya-maya lang ay bumaba na ang kuya ko at ang kanyang nobyo.


"emil, ready?" wika ni kuya.


"yeah. 2 months lang naman eh." sagot ko.


"haha. pasalubong ah." singit ng nobyo nito


nangiti lang ako sa sinabi nila. kung tutuusin matagal ang dalawang buwan. pero dahil kelangan e dapat ko itong tiisin. napatingin na lang ako kay jay na halatang malungkot.


"mahal, walang iiyak mamaya."


"hindi. hindi ako sasama sa iyo sa airport. ayoko." pag-angal nito.


"alam ko. kakausapin naman kita habang naghihintay ako sa boarding gates eh. wag ka nang malungkot. ayoko ng malungkot ka. besides ano ang dalawang buwan? make it productive. ganun din naman ang gagawin ko dun habang inaayos ko ang mga papeles ko eh. sana nga kasama kita doon. hayaan mo pag-graduate natin at naging nurse ako, kukunin kita. dun tayo titira."


muli itong ngumiti sa aking sinabi.


"ayan. ganyan lang. hindi pwedeng busangot."


tuloy lang kami sa pagkain. buong araw kaming nakaupo sa kama ko. magkayakap. nakahilig ang kanyang ulo sa aking balikat. sinusulit ang mga nalalabing oras na magkasama kami.


hanggang dumating ang pinakamalungkot na oras. alas kwatro ng hapon tumawag na ang kapitbahay naming maghahatid sa akin sa airport. agad na akong naligo at nagbihis. kasama si kuya at si josh. nakatingin lang sa akin si jay. bakas sa kanyang mga mata ang lungkot. lumapit ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang sweet na tingin at smile.


"we'll make it through." pag sisigurado ko sa kanya. at hinatid niya ako sa sasakyan. matapos nun ay umalis na siya. magkaiba ang direksyon namin.


"we'll make it through." kampante kong bulong sa sarili ko habang binabagtas namin ang diosdado macapagal avenue papuntang NAIA.


nagpaalam na ako kila kuya at nagsabing nakapagcheck in na ako ng mga bagahe. nagpaalam na din sila at sinabihan ako na magingat.


"ingat ka dun emil. :)" tex nilang dalawa sa akin.


"ingat sa amerika mahal. mahal na mahal kita. :')" tex ni jay sa akin. tinawagan ko ito at kinausap. madaming napag usapan. mga pangarap namin matapos gumraduate. ang pangarap na magkasama kaming dalawa. ang pangarap na ipakilala siya sa aking mga magulang, kahit alam kong sa una ay magiging labag sila. pero kahit na ganun di ko yun inalintana. mahal na mahal ko si jay eh. madami na din akong nagawa sa kanya. madami na din akong efforts para sa kanya.


for the record, siya ang pinakalegal kila kuya. siya ang pinakakilala nila. siya ang pinakakilala ng mga barkada ni kuya. siya ang taong masasabi kong PROUD akong mahal ko.


dumating ang time na kailangan nang magpaalam.


"mahal." sabi ko dito.


"hmm?" sagot nito sa kabilang linya.


"i love you." wika ko.


"i love you more." sagot nito, alam kong nag-crack ang boses niya.


"di ba sabi ko walang iyakan?" nag-crack na din ang boses ko. nangingilid na ang mga luha.


"di ko matiis." sagot nito.


pinahid ko ang mga luhang gusto nang tumulo. "ano ka ba. dalawang buwan lang iyon."


walang sagot sa kabilang linya.


"we can get through this. this'll be our biggest hurdle yet" sabi ko. pilit pinipigil ang mga luha.


"Philippine Airlines flight PR 104 bound for San Francisco we are now boarding" page ng isang attendant sa boarding gates.


"please. tatagan mo ang loob mo." pagsumamo ko. "i know its hard. tiis lang jay. please."


"opo" hikbi niya. at tuluyan na akong naluha.


"babalikan kita." sabi ko habang papalapit sa attendant.


"sige na, di ko na talaga kaya eh." wika nito, dinig ko sa kabilang linya ang mga hikbi niya.


"i know. tatagan mo ang loob mo. alam kong magtatagal tayo eh." sabi ko nito sa kanya.


"i love you emil ocampo" malakas nitong sabi sa kabilang linya.


"mas mahal kita jay sebastian!" malakas ko ding sabi. "pasakay na ako ng eroplano. ibababa ko na to."


"sige po." wika nito "mag-ingat ka doon. bawal maghanap ng iba"


"syempre naman. ikaw lang dito sa puso ko." sagot ko nito. "sige na ibababa ko na to. bye. i love you so much."


"i love you more!" sabi nito. binaba ko na ang linya. bakas sa mukha ko ang lungkot. pero di ko pinakita ito.


sumakay na ako ng eroplano. hinintay ko ang pag lipad nito patungong amerika. bittersweet oo. pero kampante akong kakayanin ko ito. kakayanin kong wala akong makakasamang jay sebastian sa dalawang buwan.


"we can get through this." bulong ko sa sarili ko bago matulog sa eroplano.








or is it?


itutuloy...

1 comment:

  1. congrats sa first entry mo. ramdam na ramdam ko kung gano mo sya kamahal.

    ReplyDelete