NOTE: this story is part reality,
part fiction. i just changed the names of the people involved. :)
Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.
Sa Amerika...
dumating na ako doon. ipinaalam ko na din kay Jay na nakarating na ako sa Amerika. Buti na lang at nakaroaming na ako. pili lang ang mga taong binigyan ko ng roaming number ko. ang mahal ko, ang bestfriend ko na si Danil, ang online friend ko na si Joma, ang anak-anakan ko na si Mar. silang apat lang naman lagi ang nagtetex sakin eh. kahit naman wala akong load, sinasagot ko pa din sila sa YM.
oo medyo nalungkot ako sa unang linggo ko doon. feeling ko inatake ako ng separation anxiety. pasimple akong umiiyak sa likod ng bahay. ayokong makita nilang umiiyak ako. hindi pwede. mapapagalitan na naman ako panigurado nito. kaya puro na lang poker face ang ginawa ko sa mga panahong nagaadjust ako sa atmosphere nito.
pero di nagtagal ay nahuli ako ni papang.
"emil. may problema ba? bakit umiiyak ka?" tanong nito.
"ah... eh..." tila ninakawan ako ng mga salitang pwedeng sabihin.
nanatili naman nakatingin si papang sa akin. at dahil wala akong masabi, iling na lang ang sinagot ko sa kanya.
"homesick ka?" sabi ni papang.
tumango na lang ako.
"bakit?" usisa nito.
"wala namimiss ko lang ang mga barkada ko." pagsisinungaling ko. para akong batang nawawala sa pag-iyak. patuloy pa din ang pag luha ko sa harap ni papang. pero ang totoo, hirap ako magadjust at hindi siya masiyadong nagtetex. kahit na nakaroaming ako. iniintindi ko na lang ang pagkakaiba ng timezones namin.
"dito sa amerika, wag kang panghihinaan ng loob. tignan mo kami ni mama mo, walang katiyakan kung kailan pa babalik sa pilipinas. dapat nga ikaw masaya kasi dalawang buwan ka lang mananatili dito eh. tatagan mo lang ang loob mo." pahayag sa akin ni papang. napangiti naman ako sa sinabi nito.
"magpakatatag ka lang. and all will be well." dugtong nito sabay ngiti sa akin.
sinuklian ko din si papang ng ngiti. hindi araw-araw nakakausap ko nang ganito si papang. muli ay naluha ako, hindi dahil sa nalulungkot ako, pero dahil sa sinabi ni papang. napangiti ako dito at napaisip. para akong nabunutan ng tinik dahil dito. ang gaan ng feeling.
"tara emil kain na tayo. gutom lang yan." pagbiro ni papang sa akin.
bumaba na kami sa hapag-kainan at kumain. gumaan ang aking pakiramdam matapos nun. nagtuloy tuloy ito hanggang sa mga nakalipas na araw.
lumipas ang mga araw na okay ako. pasyal pasyal every weekends. bumalik naman sa normal ang communication naming dalawa ni jay. hindi nawawala ang pagtetext-text naming dalawa.
hanggang sa dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan...
itutuloy...
No comments:
Post a Comment