Tuesday, May 8, 2012

May Tayo Pa Ba? Part 10

NOTE: this story is part reality, part fiction. i just changed the names of the people involved.

Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo. 




June 5...

birthday ko na. wala naman ako masyadong hinanda. simpleng birthday lang ang gusto ko. kami kami lang.


tumunog ang cellphone ko. at nakita kong si jay na ang nagtex.


"papunta na ako sa bahay. miss na kita" text nito sa akin. ramdam ko sa kanyang text ang excitement na makita ako. pero nagaalangan pa din ako. hindi ko alam kung babalikan ko pa to o hindi.


kung tutuusin isa siya sa mga talagang minahal ko ng sobra. di tulad noong mga past relationships ko na parang wala lang sa amin ang break up.


"sige ingat ka sa biyahe." reply ko sa kanya. may kilig pa din pala after ng break up. siguro nga mahal ko pa ang tao. hindi ko din kasi matiis si jay. lahat ng mga messages niya sa akin nakasave pa sa cellphone ko.


maya-maya pa ay dumating na si jay sa bahay.


"kumusta na?" magiliw nitong tanong sa akin.


"ah okay lang. ganun pa din." malamig kong sagot.


"alam mo bang iniisip kita lagi?" sabi nito sa akin.


"ahh. kaya naman pala hindi ako makatulog sa gabi." malamig ko pa ding sagot. "sandali lang at kukunin ko lang yung mga nilabhan kong uniform."


"sige." malumanay nitong sagot. "oo nga pala eto may ibibigay ako sa iyo."


"mamaya na yan." masungit kong sagot.


pumunta na ako sa kusina para kunin at isampay ko na ang mga uniform ko. napansin ko na lang na merong regalo sa tabi ng laptop ko.


"yan na ba yung ireregalo mo?" tanong ko.


"ahh. oo. dapat nga para sa monthsary natin iyan eh. kaso wala eh." sagot nito.


"oo nga. ikaw lang naman ang kumalas sa ating dalawa eh." sarkastiko kong sagot at lumabas na ako sa garahe para magsampay.


mula sa mga ngiti ay napalitan na ng lungkot ang mukha ni jay. nahahalata niyang naiinis ako.


"alam mo ba? hindi ko lubos maisip kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak sa akin noong april. hindi ko lubos maisip kung ano ba talaga ang pumasok sa utak mo at biglaan ka na lang kumalas ng ganun. wag mong sabihing hindi mo kinaya ang long distance relationship?" tanong ko sa kanya habang nagsasampay ako ng uniform.


hindi sumagot si jay.


"andaming tanong na naglaro sa utak ko noong mga panahong iyon. andaming tanong na hindi nasagot. hindi ako kumbinsido sa simpleng 'ay magkaiba kasi ang priorities natin eh' na rason mo."


muli hindi ito sumagot.


"sabihin mo nga sa akin? merong bang iba?" tinigil ko ang pagsampay at tinignan siya.


natigilan si jay at nakatitig pa sakin.


nakita kong nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya. hindi ako makapaniwalang kalma ko pa ding itinanong iyon sa kanya.


"wala naman mahal." matipid na sagot nito.


"mahal? hmmm hanggang tawagan na lang natin yun." sabi ko.

"wala. so out of the blue ka na lang nakipagbreak. ang gulo. daig mo bahay namin sa kaguluhan" dagdag ko rito.


"wait lang ha. kunin ko cellphone ko. meron pa akong ipapabasa. sobrang gulo kasi eh." sarkastiko kong sabi at kinuha ko ang cellphone ko.


"anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya. pinakita ko sa kanya ang GM niya noong nakaraan.


"1 lang naman ang gusto ko, ang mahalin ako" ang laman ng GM.


"nireplyan kita diyan. pero hindi mo ako sinagot. so tingin mo ni minsan hindi kita minahal? alam mo lahat na lang ng kakaibang gm mo tinatanong ko kung ano ibig sabihin pero di mo naman sinasagot. eto pa."


inopen ko ang laptop ko at binuksan ang FB ko. pinakita ko sa kanya yung message niya sa akin na lubos kong ikinagalit.

"ikaw di ka nagtetex nag.aantay ako ng
txt mo 1 wik na pero ni 1 ala
ako na siguro alang lod
sorry kng umaasta ako ng gnito
ala kc ako panlod tpos
nag.gm si Joma na katex ka nya
cguro nga kayo na huhuhuhhu

kau na nga siguro lagi nlang nkabantay sa phone pero
alang text mula sau kht 1 !!!

nakakainis ka huhuhu
evry nyt nlang umiiyak dhil sau!!!" ang laman ng message.

"dito ako nainis. dito ako nagalit. at dito natagpasan ng todo yung kung anong pagmamahal pa ang natitira sa iyo. hindi ko aakalaing ganyan? ganyan ang magiging tingin mo sakin? manloloko? idinamay mo pa si Joma? si Joma na nga lang nakakaintindi sa sitwasyon natin tapos paghihinalaan mo pa. damn it jay!" nagsimula nang tumaas ang boses ko.

"kung alam mo lang! si Joma ang tulay ko sa iyo! tapos pagiisipan mo ng ganyan! alam mo na ngang hirap akong magtex sa iyo noon dahil nagloloko yung YM at yung site na pinagtetextan ko. si papang naman nagagalit din pag nakikitext ako sa kanya. grabe. sa lahat ng ayoko yung pinaghihinalaan ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi kita niloloko sa dalawang buwan ko sa amerika! you think cheater ako? screw you jay." dugtong ko. hindi ko na napigilan ang emosyon ko at tuluyan nang umiyak sa inis.

"naalala mo ba yung sinabi mong manliligaw ka? anong nangyari? ni isa wala ka man lang efforts na magtex o mangumusta lang. araw-araw na lang akong umaasa. pero wala. ni isang text mo walang dumating."

"wala kasi akong panload eh." matipid niyang sagot.

"kung ganun lang pala edi sana hindi mo na lang ako itinex na manliligaw ka kung wala kang pangload." sabi ko. "hindi sana ako aasa ng ganito. alam mo bang masakit ang pinapaasa?"

niyakap lang ako ni jay nang mahigpit.

"sorry na mahal." matipid niyang sabi.

"tang ina jay. ang sakit eh! alam mo yun. bawat araw na lumipas wala kang tex sakin. tapos ganito pa. ang laki ng kasalanan mo sakin. nakakatampo ka. kung ikaw galit sakin doble pa yung akin para sa iyo. tama bang paghinalaang merong namamagitan sa amin ni joma? tama bang maggm ka na parang hindi kita minahal kahit minsan? magulo kang kausap jay. napakagulo."

hinigpitan nito ang yakap sa akin. ramdam ko sa kanyang mahal pa rin niya ako.

"sa bawat mali na ginawa mo sa akin, natagpasan na ang pagmamahal ko. ayoko na. nagawa mo yung mga bagay na pinakaaayaw ko. ayoko na." mahinahon kong sabi.

"anong ayaw mo na? wag mong sabihin na sumusuko ka na?" tanong nito sa akin.

"lakas ng loob mong magtanong ng ganyan. ikaw na ang unang sumuko eh. hindi ko na din maibabalik yung kung anong samahan ang meron tayo noong tayo pa." tugon ko dito.

"naguguluhan ako. ang daming problema sa bahay." malumanay nitong wika.

"alam mo hindi nawawala ang problema sa buhay. kahit ano pa yan. ayaw mo naman kasi sabihin sakin kung ano yang dinaramdam mo eh. bakit kailangan mo pang idamay yung relasyon natin?" sabi ko.

hindi umimik si jay.

"kung tatanungin mo kung may tayo pa ba, oo. umaasa pa din ako na maayos to. kung alam mo lang. halos gabi-gabi akong naiiyak dahil hindi ka man lang nageeffort sa kin. sabihin mo lang kung hirap kang manligaw at ako ulit ang gagawa nun sa iyo." dugtong ko.

napatitig lang sa akin si jay.

"alam mo ba kung gaano kita kamahal jay? ha?" naluluha kong sabi.

hindi ko na hinintay ang sagot niya. bigla ko na lang itong siniil ng halik sa labi. halik ng isang taong nasaktan at naghintay. wala na akong pakialam kung may makakita man sa amin sa garahe. ang alam ko mahal ko pa din siya yun lang ang masasabi ko.

"i love you" bulong nito sa akin nang magkahiwalay ang aming mga labi.

"mas mahal kita." tugon ko dito.

muling naglapat ang mga labi namin. pero ngayon, puno na ito ng pagmamahal. pagmamahal na muling nabuo matapos itong masira dahil sa maling akala, at ng maling pagdedesisyon.

napangiti na lang ako sa kanya.

"sige manligaw ka na ulit. you won't get me that easy." paghahamon ko sa kanya.

"okay lang. ayoko lang mawala ka sa akin." wika nito sa akin.

"sige na pumasok ka na dun. tapusin ko lang to."

pumasok na siya sa bahay at sa wakas ay nai-ayos na ang mga dapat ayusin.

hindi nagtagal ay naging kami ulit. pero ngayon, mas naging matatag pa ito. kahit na merong mga hindi pagkakaintindihan, hindi pwedeng lumipas ang araw na hindi ito maaayos. pareho naming ayaw nang nagkakatampuhan ng matagal. hangga't maaari ay ayaw namin mag away.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment