NOTE: this story is part reality,
part fiction. i just changed the names of the people involved.
Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.
June 3. 7am
tinignan ko ang bintana ng eroplano. sa wakas ay nakikinita ko na ang pilipinas.
"home at last." sabi ko sa isip ko. napapangiti dahil excited na makauwi. pwede ko pa ding ikuwento sa kanila ang break up namin pero naidaan ko na sa blogging. di ko din naman mapigilan kaya ikinuwento ko na lang sa kanila.
wala pang 15 minutes ay nakalapag na ang eroplanong lulan ko.
"sa wakas. nasa pinas na ulit." bulong ko.
oo masaya ako na nasa pilipinas na ulit ako pero malungkot kasi dalawang taon ko na namang hindi makikita ang mga magulang ko. mabuti na lang at inuwi ko ang laptop para naman makaskype ko sila kahit malayo. iba pa din ang nakikita mo sila kaysa sa simpleng naririnig mo.
bumaba na ako sa eroplano at nagpunta na sa baggage carousel para kunin ang maleta at ang balikbayan box.
"tagal. delay na nga yung flight pati ba naman dito?" inis kong sabi sa sarili ko. naalala ko kasing dapat alas sais ang dating ng eroplano sa pilipinas.
30 minutes akong naghintay lumabas lang yung bagahe ko at yung balikbayan box. hindi kasi nagkasya sa maleta lahat ng gamit ko. idagdag mo pa yung backpack kong nakakakuba sa bigat.
nang makita ko na ang mga kagamitan ko, inilagay ko na ito sa cart at lumabas. tinignan ko na din kung nasaan banda sila kuya at josh. madali lang naman makita ang dalawa. makita mo lang yung dalawang hindi mapaghiwalay na lalake sila na yun.
pagkakita ko sa kanila ay nilapitan ko ang mga ito.
"ang tagal mo!" inis na sabi sa akin ni kuya.
"sorry ha? tagal umalis nung eroplano eh." sarkastikong sagot ko sa kanya. "o ayan meron nang balikbayan box."
"ba't isa lang? sabi ni munch lima daw?" pang-inis nito sakin.
"makalima wagas? ano lalagay ko dun?"
natawa na lang si josh sa amin.
"si kuya bing ulit nagsundo?" tanong ko.
"oo." sagot naman ni kuya.
pumunta na kami sa lugar kung saan nakapark yung sasakyan ni kuya bing at inilagay na sa trunk ang mga gamit ko. umupo na silang dalawa sa likod at ako naman ang naupo sa passenger seat.
pinasak ko na lang sa tenga ko yung ipod ko.
"siguro nga kelangan na tong itigil. hay. bahala na nga si spongebob." sabi ko sa isip ko.
"oo nga pala, pupunta si jay sa birthday ko. meron daw ibibigay. di ko alam kung ano." wika ko sa kanila. nakita ko naman na nagkabulungan ang dalawa sa likod.
makalipas ang isang oras ay nakarating na kami sa bahay. nagpasalamat naman kami kay kuya bing na nagsundo sa amin nung araw na iyon.
sinalubong naman kami ni ate na siyang naiwan lang sa bahay nung sinundo nila ako. binigay ko sa kanya yung mga pasalubong.
nagkabigayan na kami ng pasalubong at nang maubos na ang pasalubong, nagpahinga na ako. dinaan ko na lang sa idlip ang lahat. pahinga muna ako. ihahanda ko na ang sarili ko sa kung ano mang magiging confrontation namin ni jay sa bahay sa birthday ko.
hindi ko alam kung ano magiging kahihinatnan noon. pero magulo pa din sa isipan ko kung babalikan ko ba siya o hindi.
tanghali na nang magising ako. kinabukasan ay mageenroll na ako kaya nilabhan ko na agad ang uniform ko. gahol na sa oras kung ipagpapaliban ko ito.
tinex ko si jay.
"nakarating na ako sa pilipinas." tex ko dito.
"sige. punta ako sa birthday mo ah." paalala nito sa akin.
"opo. at para makapag usap na tayo." reply ko sa kanya.
hindi na ito nagreply. marahil busy sa trabaho niya. habang nasa amerika ako ay nabanggit niyang nagtrabaho siya bilang isang CSR sa isang bangko.
wala din akong masyadong ginawa noong araw na iyon. balik sa dating gawi. kaya ang ginawa ko na lang ay naglaba at inayos ang mga gamit ko.
"back to the real world." sabi ko sa sarili ko habang pinanonood ang washing machine na labhan ang mga uniform ko. maya maya din e paplantsahin ko din pag natuyo.
inayos ko na din ang bed ko habang naglalaba ang washing machine.
di ko maiwasang maalala na ang bed na ito yung bed naming dalawa ni jay noong nagoovernight siya sa amin pag sabado. dito kami naghaharutan, nagkukulitan.
bigla kong namiss ang mga panahong iyon. hindi ko maiwasang malungkot nang maisip ko iyon. namiss ko din si jay. namiss ko ang lokong iyon.
itutuloy...
No comments:
Post a Comment