Sunday, June 10, 2012

Anghel Chapter 11

Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)
______________________________________________________________________

Kinabukasan. Birthday ko. Maaga akong nagising para naman makapaghanda ako. Ito na din ang araw na balak kong sagutin si PJ at gusto ko sanang sorpresahin ito.

Una kong tinignan ang cellphone ko. Halos sumabog na ang inbox ko dahil sa dami ng mga messages nito. Ito lang lagi ang araw na madami ang nagtetext sa akin eh. Sa tuwing birthday ko na lang palagi nagtetext ang mga kakilala ko.

Lahat ng mga text na iyon ay isa-isa kong binasa at nireply-an nang mapansin kong nagtext din pala si PJ. Sa lahat ng mga nagtext, siya lang ang may pinakaespesyal na text.

'Makoy, Happy Birthday sa iyo. I love you. Dito ako sa labas ngayon.' laman ng text. Agad naman akong tumingin sa gate namin at nakita kong nasa labas nga si PJ naghihintay. Alam kong kakagising pa lang nito dahil sa magulo niyang buhok at suot niyang sando at boxer shorts. Kitang-kita ko na naman ang kanyang magandang katawan at maputing kutis.

'Ikaw naman, wala ka magawa sa bahay no?' tanong ko habang pinagbubuksan siya ng gate.

'Wala eh. Wala si Edward nasa trabaho.' turan naman nito.

'Ah ganun ba? Si kuya din wala eh. Baka nasa trabaho din.' sabi ko.

Pumasok na kami sa bahay at dito na kami nagsimulang magkuwentuhan. Maya-maya pa'y bigla itong humiga sa hita ko.

'Wala lang.' nakangiti nitong sabi habang nakahiga sa hita ko.

Hinaplos ko naman ang kanyang mukha bilang pagtugon dito.

'Happy birthday Makoy ko.' bulong nito sa akin.

'Salamat Pidyong ko.' tugon ko naman at binigyan ko ito ng isang halik sa labi.

'O mamaya ka na maglambing, bibili lang ako ng cake' wika ko sa kanya matapos maghiwalay ang labi naming dalawa.

'Sama ako?' tanong nito na parang bata. 'Dali na birthday ko din naman ngayon eh.'

Nagulat ako sa sinabi niya. Sa tatlong buwan naming magkaibigan eh ngayon ko lang nalaman na birthday din pala niya ngayon.

'Oh? edi mabuti. Hati na lang tayo sa cake.' nakangiti kong sabi sa kanya. 'Ako na lang bibili. Alam ko naman na paborito mo ang chocolate mousse eh.'

Nagpunta na ako sa bakeshop para bumili ng cake na pagsasaluhan naming dalawa ni PJ. lingid sa kaalaman niya na ngayong araw ko din siya sasagutin. Pagkatapos kong bumili ng cake namin ay pumunta ako sa grocery para bumili ng oreo at ilalagay ko sa cake yung dalawa.

Nang makauwi na ako sa bahay ay sinabi ko kay PJ na wag muna siyang umalis sa pwesto niya at ihahanda ko lang yung cake. Mabuti naman at hindi sumunod sa kusina si PJ dahil kung sumunod man ito ay malalaman na niya ang sorpresa ko sa kanya.

'Pidyong,' pagtawag ko sa kanya habang nilalagay ko na sa mesa ang cake na nilagyan ko ng dalawang magkadikit na oreo cookies para makabuo ng salitang 'oo'

'Po.' sagot naman nito habang nanonood ng TV.

'Halika. May ipapakita ako sa iyo.' tugon ko naman sa kanya.

Lumapit na sa hapag-kainan si PJ at tinignan ang cake.

'Ano yan?' tanong nito. 'Bakit may dalawang magkadikit na oreo?'

'Tignan mong maigi.' nakangiti kong sagot.

Mataman na tinitigan ni PJ ang cake at pilit iniisip kung ano ang pinahihiwatig nito. May pagka-slow din tong si PJ minsan eh. Kala mo palaging inosente. Pero isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya bukod sa kanyang pagiging malambing, mabait at maalalahanin. Yun nga lang pag nagselos parang batang nagtatampo. Mabuti na yun para konting lambing lang okay na ulit kami.

'Makoy hindi ko alam eh.' usal ni PJ habanag napapakamot ito sa ulo.

'Pidyong, anong salita ba yung nabuo nung pinagdikit ko yung dalawang cookies?' nakangiti kong sabi rito.

Tinignan ulit ni PJ ang cake. At biglang sumilay ang isang napakagandang ngiti sa kanyang mukha. Nakita ko na naman ang kanyang killer smile.

'Oo sinasagot na kita. Kahit na hindi ako sanay na ako ang nililigawan.'

Hindi nagsalita si PJ, bagkus ay lumapit ito sa akin at binigyan ng isang halik. Isang halik na puno ng pagmamahal.

'I love you Mac.' wika nito matapos na maghiwalay ang mga labi namin.

'I love you too PJ.' sagot ko at muling lumapat ang aming mga labi.

'HOY! Mamaya na yan! Andito kami ni Eman!' sigaw ni Jake. Di namin namalayan dumating pala ang mga loko.

'Mamatay kayo sa inggit!' pagbibiro ko sa kanila. Napatawa na lang kaming lahat.

'Pasok kayo.' wika ni PJ.

'Bahay mo?' pambabara ko.

'Oo. Dahil tayong dalawa na, bahay ko na din to.' nakangiting sagot ni PJ sabay pakawala ng ngiti.

Puro kwentuhan na lang ang nagaganap sa aming apat. Wala yung mga babae at naghahanap daw ng kanilang magiging boyfriend ayon kay Jake. Sabi daw kasi ni Sara ay kaming mga lalake na daw ang nagkatalo.

'Nako hayaan mo na si Sara. Sadyang baliw lang talaga yun.' natatawa kong sabi. 'Kasalanan ba kung sa kapwa tayo nagkagustuhan?'

'O kumusta na nga pala kayo ni Eman' baling ko sa kanila.

'Eto bumubuti naman.' tugon ni Jake habang nakahawak sa kamay ni Eman.

'Yieee. Nagkakamabutihan na.' natatawa naming tugon.

'Hindi pa nga kami. Nagliligawan pang kami ni Jake.' wika ni Eman.

'Sweet niyo nga eh. Nakakatuwa.' sabi ko naman.

'E kayo? Nagkasagutan na kayo no?' tanong ni Jake.

'Oo, ngayon lang.' proud na sabi ni PJ. "Tara cake tayo. Eto pa lang handa eh. Mamaya na lang yung iba.'

Nagpunta na kami sa hapag-kainan at pinagsaluhan na ang cake na binili ko para sa amin ni PJ.

Kwentuhan, daldalan, harutan lang ang ginawa naming apat sa bahay. Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan naming dalawa nang may madinig kaming kumatok sa gate


Itutuloy...

Note: matatagalan na po ang update. pero i'll still post. malapit na din ito matapos..

No comments:

Post a Comment