Note:
this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event
and/or other works are purely coincidental. :)
______________________________________________________________________
‘James?’ wika ko sa kanya habang pinagbubuksan ko ng gate.
‘Oo ako nga.’ Sagot ni James.
‘Himala at nagparamdam ka.’ Irita kong sabi sa kanya. Hindi
ko kasi alam kung bakit ganun na lang siya nagalit tatlong buwan na ang
nakakalipas. Natutunugan ko na may gusto siya sa akin pero hindi ko naman ito
mapatunayan. Hanggang ngayon ay ganun pa din ang kutob ko sa kanya.’
‘Masama ba? Tsaka babatiin din naman kita ng Happy Birthday
ah.’ Walang emosyong sagot niya at dumeretso na sa loob ng bahay.
Nagulat ang magbabarkada nang makita nila si James. Tatlong
buwan din kasi itong hindi nagpakita sa aming barkada.
Katahimikan ang namuo sa pagitan naming lima. Ni isa sa amin
walang nagsasalita.
Ako na ang unang bumasag ng katahimikan makalipas ng ilang
minuto.
‘Ba’t ngayon ka lang nagparamdam?’ tanong ko sa kanya.
‘Wala lang. Trip ko lang magparamdam.’ Pilosopo niyang
sagot.
‘E kung wala lang pala makakaalis ka na ng bahay.’ Inis kong
sabi sa kanya. ‘bigla ka na lang mawawala tapos bigla ka na lang din susulpot?
Ano ka? Kabute?’
‘Hindi. Umiiwas lang ako sa inyo.’ Malamig na sagot ni
James.
‘Bakit ka naman umiiwas sa amin?’ tanong ni PJ.
‘Wag kang sumabat dito!!’ angil ni James. Natahimik bigla si
PJ.
‘Wag mong sagutin ng ganyan si PJ!’ sabi ko. Tumataas na ang
boses ko dahil hindi ko maiwasang maoffend sa ginawang pambabastos ni ni James
kay PJ.
‘Ano bang problema mo!?’ galit kong tanong sa kanya.
‘Problema ko?! Ikaw ang problema ko!’ sigaw ni James.
‘Anong meron sa akin? Hindi ba’t magbestfriends tayo? Hindi
ba’t magkababata tayo?’
Dito na nagsimulang mapaluha si James.
‘Ayoko nang maging bestfriends tayo. Dahil mahal kita Mac!
Mahal na kita! Kaya umiiwas ako sa inyo dahil hindi ko maatim na makita kayo ni
PJ na nagkakamabutihan. Hindi ko maiwasang magselos sa tuwing nakikita ko
kayong magkasama. Akala ko wala lang yung mga nakikita ko, pero habang
tumatagal lalo akong nagseselos. Dito ako nagsimulang umiwas. Dito pinagisipan
ko kung ano ba talaga ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas para lumapit sa
inyong apat pero mukhang huli na ang lahat.’ Naiiyak nitong sabi.
‘James, alam mo naman na hanggang bestfriend lang ang turing
ko sa iyo. Kilala kita, hindi ka ganyann. Namimiss ko yung James na makulit at
maligalig. Yung James na sandigan ko. Pero hindi ko alam kung anong nagawa ko
bakit nahulog ka sa akin ng ganyan. Sorry James, pero hanggang dun lang talaga
tayo. Si PJ talaga ang nagpatibok ng puso ko at mahal ako ni PJ.’ Kalmado kong
sabi.
Walang anu-ano’y umalis na lang si James. Alam kong tinamaan
ito sa sinabi ko. Pero iyon ang totoo. Wala naman talaga akong nararamdaman
para kay James. Hindi ko din alam kung anong nagawa ko at nagkagusto sa akin si
James. Pero ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa.
‘Ako na bahala dun.’ Wika ko sa kanilang tatlo. ‘maiwan ko
na muna kayo diyan.’
Tumango naman ang tatlo.
‘Sundan mo yun. Kababata mo yun Makoy ko.’ Wika ni PJ.
Walang bakas sa kanya ang pagseselos. Bagkus ay nakangiti pa din ito.
‘Salamat Pidyong ko ah.’ Nakangiti ko ding sagot at lumabas
na ako ng bahay para sundan si James.
__________
‘Kung ako si James, saan ako pupunta?’ tanong ko sa sarili
ko. Nagisip ako kung saan ako pupunta kung ako ang nasa katauhan ni James at
isa lang ang naisip kong lugar --- ang park kung saan una kaming nagkakilala at
naging magkaibigan.
Pinuntahan ko ang park na iyon at hindi nga ako nagkamali.
Nandun si James, nagmumukmok mag-isa sa swing. Sa pangalawang swing na kung
saan una kaming nagkakilala. Agad ko itong nilapitan. Nakita ko sa kanya ang
ibayong lungkot na halos mangiyak-ngiyak siya.
Sa pangatlong swing ako naupo at sinabayan siya sa pagsu-swing.
Mataman ko lang siyang tinitignan habang siya naman ay nakayuko, ang dalawang
kamay ay nakasalo sa kanyang mukha. Hindi man niya ipakita pero nadidinig ko
ang mga impit niyang hikbi at sa mga buntong hininga niya. Ilang saglit pa ay
iniangat na niya ang kanyang mukha. Napalingon ito sa akin at napakunot ang
noo.
‘Bakit ka nandidito?’ pakli niya na may tono ng panlulumo.
‘andidito ka ba para saktan ulit ako?!’
‘Hindi ako nagpunta dito para saktan ka lalo. Kung kaya pa
natin ito isalba, gawin natin.’ Tugon ko.
‘Hindi mo ako naiintindihan eh!’ galit nitong sabi. ‘simula
nung naging magkaklase tayo nitong college nagiging crush na kita. Hindi ko
lang masabi sa iyo noon dahil baka masira ang pagkakaibigan natin. Itinago ko
ang lahat ng iyon huwag lang masira ang pagkakaibigan natin. Pinilit ko ayusin
ang sarili ko dahil alam kong mali ang umibig sa kapwa. Pero hindi ko na ito
mapigilan. Hanggang sa tuluyan ko nang tanggapin na mahal kita. Oo minahal kita
nang patago. Sa tuwing magkasama tayo sa bahay, sa skwela, sa galaan, hindi mo
alam kung gaano ako kasaya na kasama ka. Kasi alam kong kasama ko ang taong
mahal ko. Pero nagbago ang lahat nang dumating si PJ. Nagulo ang lahat nang
dumating si PJ. Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ko maatim na magkasama kayong
dalawa ni PJ, at ngayon na nakita at narinig kong kayo na, hindi ko maiwasang
masaktan ng todo.’ Wika ni James at tuluyan na itong humagulgol.
Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at inalo si James
pero pumalag ito.
‘bitawan mo ako! Wag mo akong kaawaan!’ galit nitong sabi.
‘umalis ka na!’
‘hindi kita kinakaawaan James. Oo mahal kita pero bilang
isang matalik na kaibigan lang. Alam mong si PJ talaga ang mahal ko eh. Hayaan
mong mahalin din kita pero sa paraang mas magtatagal tayo. Hindi biro ang
pinagsamahan natin na halos dalawang dekada na. Ayokong mabasura ang lahat ng
iyon.’ Wika ko.
Tumingin lang sa akin si James. Tumayo ito at nagsalita.
‘hindi din biro ang kalimutan ang nararamdaman ko para sa
iyo.’ Maikli niyang sagot at umalis na papunta sa kung saan.
‘oo nga pala, happy birthday din!’ sigaw ko sa kanya pero
hindi ito lumingon pabalik.
Dismayado akong bumalik sa bahay. Hindi ko lubos maisip na
nakasakit pala ako ng isang taong napakalapit sa akin.
‘wala naman talaga akong nararamdaman kay James eh.’ Wika ko
sa sarili ko.
Dumating ako sa bahay at nakita nila akong lutang.
‘Mac? Okay ka lang?’ tanong ni PJ.
‘Okay lang. Si James kasi. Matagal na pala akong gusto nung
loko. Pero sadyang wala talaga eh. Hindi ko naman masisi sarili ko at wala
akong maramdaman sa kanya. Kahit na nagpakita pa siya ng motibo na may gusto
siya sa akin wala din. Siguro hanggang magbestfriends lang talaga kaming dalawa.’
Maya-maya pa ay biglang dumating si James sa bahay.
‘Nakalimutan ko, happy birthday pala Mac.’ Walang emosyong
sabi nito at umalis na pauwi sa kanilang bahay.
_________
Buong araw kaming nagdiwang ng kaarawan naming dalawa.
Sayang nga lang at kulang ang barkada. Ang mga babae ay hindi nakadalo sa amin,
siguro naghahanap ng kanilang magiging boyfriend. Si James naman, ayun at nasa
kanila. Hindi kami pinapansin. Dumating na din si kuya na may dalang handa para
sa amin. Bumili siya ng 18” na yellow cab na pizza para pagsaluhan naming lima.
Okay lang naman kay kuya na may bisita kami dito sa bahay. Minsan na nga lang
kami magkaroon ng bisita dito sa bahay eh.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasalo namin nang mapansin kong
dumudugo ang ilong ni PJ.
‘PJ, nagdudugo ilong mo.’ Wika ko sa kanya.
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment