Saturday, September 1, 2012

Anghel Chapter 15


NOTE: Madaliang paggawa. haha. sorry kung maiksi ang chapter na ito. ambilis kong namental block dito. babawi po ako sa susunod :)

______________________________________________________________________


‘uy Drew! Kumusta? Walang duty?’ tanong ng doktor.

‘wala Ton eh. Rest day ko ngayon.’ Sagot ni kuya. ‘oo nga pala, alam ko magaling ka kaya nirefer kita dito sa bunso ko tsaka sa… boyfriend niya.’

‘naks boyfriend talaga ah. Kaisa din pala sa atin yang bunso mo eh.’ Nakangiting sabi ng doktor na nagngangalang Ton.

Nagtawanan silang dalawa. Kami naman ni PJ ay napapangiti na lang.
‘magpapacheck up tong si PJ. Nagepistaxis kasi nung isang araw eh. Baka kasi kung ano na. Nagaalala naman kaming dalawa nito ni bunso. Ay oo nga pala, bunso, PJ, si Anton, kababata ko’ wika ni kuya.

Agad naman iniabot ni Anton ang kamay niya. Malugod naman naming din itong kinamayan ni PJ.

‘pasok kayo. Tara at para matignan natin si PJ.’ Alok ni Anton.

Pumasok na kami sa loob ng kwarto para masimulan nang matignan si PJ. Halata ko sa mga mukha ni PJ na kinakabahan siya pero sinabihan ko siya na huwag mag alala at magiging okay din ang lahat. Habang nasa loob kami ng klinika niya ay madami itong tinatanong sa kanya. Kelan daw ito nagsimula, anong ginagawa niya nung mga panahong nagdugo ang ilong niya. Madami ding mga tests ang ginawa sa kanya sa loob.

Nang matapos na ang pagsusuri, sinabi ng doktor na malalaman namin ang resulta sa isang linggo.

‘ang tagal. Ano naman kaya gagawin natin para lumipas agad yung isang linggo?’ tanong ni PJ.

‘madali lang yan. Ikaw naman. Enjoyin mo na lang yung linggo.’ Sagot ko sa kanya.

Maya maya ay nagring ang cellphone ko.

‘Hello?’ bungad ko.

‘oy kumusta kayo ni Pidyong mo?’ ani Jake.

‘eto kagagalling lang namin sa doktor. Kabado ang loko’ sabi ko habang nakangisi kay PJ. Di naman umimik si PJ.

‘o buti naman nakapunta na kayo sa doktor. Baka kung ano na yung nosebleed niya.’

‘kaya nga eh. O kayo ni Eman kumusta?’

‘okay lang. eto magkasama kami. Gagala kami ngayon. Yung mga babae ayaw sumama. Nakakatampo na nga eh.’

‘nako hayaan mo na lang sila. Baka nawindang lang sa atin at tayo nagkainlaban.’ Natatawa kong sabi.

‘so ano? Tara gala tayo.’ Usal ni Jake.

‘sige. Sabihin ko na lang kay kuya na gagala din kami. Si kuya din may gala ngayon eh.’

‘sige. Text mo na lang kami pag okay na. antayin namin kayo dito sa trinoma.’ At ibinaba na ni Jake ang kabilang linya.

‘hmm. Mukhang gagala ata kayo magkakaibigan.’ Ani kuya Andrew.

‘oo kuya. Wala din naman kasing gagawin sa bahay eh.’ Sagot ko.

‘o sige. San ba kayo?’

‘sa trinoma kuya. Ikaw ba san ang gala mo?’

‘trinoma din. Tara sabay sabay na lang tayo. Andun na din mga kabarkada ko.’

Nang makababa na kami sa ospital, sumakay na kami sa kotse at agad nang pumunta ng trinoma. Ngayon lang ulit kami nakapunta ditto dahil sa sobrang busy naming magkapatid. Tsaka minsan tinatamad din kami magpunta dahil sa distansiya nito. Pero ngayong meron na kaming kotse, okay na sa amin ang magpunta dito.

Dumating na din kami sa mall at tinext na si Jake at Eman na naghihintay sa amin sa Timezone. Humwalay na kami kay kuya at pupuntahan niya pa ang mga kaibigan niya. Nang makita namin ang dalawa, agad naman kaming kinulit ng mga to. Sobrang bonding ang ginawa naming apat na magkakabarkada. Sayang nga lang wala yung mga babae at may sarili silang lakad. At si James? Hindi na namin alam kung ano na nangyari sa lokong yun.

_____

Lumipas din ang isang linggo. Ito ang araw na kinakabahan si PJ. Pero sa loob ng isang linggong iyon ay medyo may mga napapansin na akong kakaiba kay PJ. Madali na siyang magkaroon ng mga pasa, madali ko itong makita, pero hindi ko na lang ito pinansin. Madali na din siyang mahapo, kaya lagi niyang gusto lang na nakahiga.

Nagising ako sa pagmumuni-muni ko nang biglang magtext si PJ.

‘makoy kong mahal, nakuha ko na yung resulta ko.’ Ang laman ng text.
‘di ka man lang nagsabi. Sana sumama na ko.’ Reply ko dito.

‘huwag na. ayokong mag-alala ka sa akin. J’ sagot nito.

‘nakakatampo ka naman. >.<’ sagot ko.

‘o wag na magtampo. Punta na lang ako diyan maya.’

‘sige na nga. I love you.’

‘I love you more makoy ko.’

_____

Nakuha ko na nga ang resulta ng mga exam ko ngayon. Hindi ko na sinama si Mac para kunin ito dahil ayokong mag-alala ito sa akin. Pero…

‘Bakit kailangang meron akong leukemia?’ sabi ko sa sarili ko habang naiiyak.

‘kuya. Alam kong may rason ang Diyos diyan. ’ pag-aalo sa akin ni Edward.

‘hindi yun eh! Oo tayong dalawa na lang ang nandito. Ayokong iwan agad agad ang mundong ito.’ Sagot ko. ‘at mas lalong ayokong iwan si Mac. Mahal na mahal ko ang taong iyon!’

‘kuya, wag ka mawalan ng pag-asa. Kaya natin ito. Ipagdasal na lang natin ang kalagayan mo.’

Inakap ako ni Edward. Hindi ako makapaniwalang magkakaroon ako ng leukemia. Wala naman akong ginagawa o kung ano man. Hay buhay nga naman.

‘may balak ka bang sabihin ito kay Mac?’ tanong ni Edward.

Umiling ako. Takot ako na baka iwan na lang akong basta ni Mac. Pero ipinapangako kong mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ko. At ipapangako ko din sa kanya na kung sakali man na mamatay ako, ako ang magiging anghel niya.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment