NOTE: pasensya na sa sobrang tinagal na hindi nag update. defense dito, defense doon ang nangyari sakin ngayong sem. sana naman light lang ang sked ko sa susunod. pahinga pahinga din ang utak ko sa mga gawaing eskwela. anyways, eto na. sana magustuhan niyo.
__________________________________________________________________________
Hindi ko lubos maisip kung anong gagawin ko at kung papaano ko ito sasabihin kay Mac. Alam kong may taning na ang buhay ko at gagawin ko lahat ng makakaya ko maiparamdam ko lang kay Mac na espesyal siya para sa akin.
Pinuntahan ko ang bahay nila Mac. Pero sa kasamaang palad, ay wala silang magkapatid doon. Mabuti na lang at nakita ko si James. Medyo matagal din siyang hindi nagparamdam sa amin.
'Uy James.' bati ko sa kanya. Pero hindi man lang ako nito nilingon. Muli ko itong tinawag pero hindi pa rin niya ako pinapansin, kaya nilapitan ko na lang si James, pero pumalag ito.
'Ano bang problema mo?!' kalma kong sabi. 'Simula ng maging kami ni Mac hindi ka na nagpaparamdam sa amin ah.'
Nanatiling tahimik si James. Alam kong sa mga tingin niya ay meron itong kinikimkim na galit. Iba kung makatingin si James sa akin ngayon. Parang hindi siya yung James na nakilala ko noong bagong lipat ako dito.
'Sumagot ka naman oh.' wika ko. Iling lang ang iginanti ni James sa akin habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.
'Alam kong meron kang problema. Hindi naman ako others para hindi mo pagsabihan ng problema eh.'
'Kayo. Kayo ang problema ko. Mahal ko na si Mac, pero alam kong hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya dahil ikaw ang mahal niya.'
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makahanap ng salitang sasabihin sa nasabi niya. All this time pala kaya hindi nagpaparamdam si James dahil nasasaktan siya. Tinignan ko si James, at nakita ko na lang na umiiyak siya.
'PJ, alagaan mo nang mabuti si Mac. Wag mong sasaktan yan. Malalagot ka sakin.' wika niya na may mapait na ngiti sa labi at umalis na ito.
Naiwan akong nakatayo sa puwesto namin. Hanggang ngayon hindi pa din makapaniwala. Maya-maya pa ay dumating na ang sasakyan nila Mac.
___________
Galing kami ni kuya Andrew sa mall at bumili ng mga ibnilin sa akin nila mama at dadalhin ko para sa nalalapit kong flight pauwi ng Amerika nang makita ko si PJ sa tapat na nakatayo at parang tulala.
'Kuya saglit lang ah. Ako na magbababa ng mga gamit.' wika ko. agad namang tumango si kuya.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni PJ, napapansin kong namumutla ito at parang tulala.
'Pidyong? Okay ka lang?' tanong ko sa kanya. Wala akong natanggap na sagot sa kanya.
'Pidyong? Huy.' pag-ulit ko. Pero wala pa ding sagot.
'Paul Jake Santos Santiago!' tinawag ko na siya sa buo niyang pangalan. Sa wakas nakuha ko na din atensyon niya.
'Ba-bakit?' nauutal niyang tugon.
'Anong bakit? Kanina ka pa tulala diyan.' sagot ko.
'Ah, wala. Si James kasi nakita ko.'
'Oh? Bah ang tagal na ding walang paramdam yun ah. So kumusta naman pagkikita niyo?'
'Okay naman. Yun nga lang, me sinabi siya sa akin na medyo ikinabigla ko.'
'Ano yun?'
'Mahal ka niya. At kaya daw hindi siya nagpaparamdam dahil nasasaktan siyang makita tayong dalawa.'
Natigilan ako. Matagal na kaming magkaibigan ni James. Katunayan nga magkababata kami niyan. Pero hindi ko aakalain na mapapamahal siya sa akin nang mas higit pa sa kaibigan. Kaya ganun na lang pala ang pagiging malambing nun sa akin.
'Hayaan na lang muna natin siya. Alam kong masakit para sa kanya ang makita tayong dalawa.' wika ko.
'M-may s-sabihin sana ako sa iyo eh.' nauutal na wika ni PJ.
'Ano yun?' Wika ko.
'Paano pag namatay ako? Anong gagawin mo?'
Natawa ako ng pagak.
'Pinagsasabi mo diyan Pidyong. Ikaw talaga.'
Pero wala akong nakitang bakas ng pagbibiro sa sinabi niyang iyon. Bagkus e nakita kong seryoso ito sa sinabi niya.
'Seryoso ako.' walang reaksyong sabi nito.
Natigilan ako. Ano kaya ang pinahihiwatig nito at bakita parang seryoso naman ata si PJ masyado?
'Kapag namatay ka, malulungkot ako. Hindi ko alam kung makakamove-on ako. Mahal na mahal kita. At ayokong mawala ka sa akin. Hindi pwede.' tugon ko.
Napangiti siya sa sinabi kong iyon.
___________
Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
Niyakap ko si Mac nang sobrang higpit.
'Mamahalin kita hanggang sa huli kong hininga. Pangako yan.' bulong ko sa sarili ko habang mahigpit na yakap si Mac.
Itutuloy...

ang ganda... waaaahhhh...
ReplyDeletenakakatouch naman... haysss...
i love it...