Wednesday, May 9, 2012

Anghel Chapter 2



Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)

___________________________________________________________________


Nakatingin ako sa mga kargador na nagbababa ng mga gamit namin sa ibaba nang may umagaw ng atensyon ko sa gawing kaliwa. Isang lalaking topless. Nakita kong ang ganda ng kanyang katawan. Di din papatalo ang mukha niya. Ang amo din ng mukha niya. Napangiti na lang akong bigla sa kanya. Pasimple naman akong kinilig nang nginitian din niya ako.

'That smile. Nakakatunaw.' Bulong ko sa sarili ko.

'Ano kamo kuya PJ?' Wika ng kapatid ko.

'Wala wala.' defensive kong sagot.

'Okay. Sabi mo kuya eh.' nagkibit-balikat ito.

Ako si PJ. Paul Jake Santiago. 21 taong gulang. Graduating student ng HRM sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Madaming nagsasabi na para daw akong anghel na bumaba sa lupa dahil sa itsura ko. Hindi ko naman maikakaila dahil namana ko ito sa aking mga magulang. Hindi din ako papatalo sa pangangatawan. Alaga kasi ito ng gym. Pero yun lang. Hindi ako nahilig sa kahit anong sport. Palabasa kasi ako. Puro libro ang hawak ko.

Bagong lipat lang kaming dalawa ng kapatid kong si Edward dito sa lugar nila. Namatay kasi sa aksidente ang mga magulang namin at hindi na namin kinaya ang mamuhay nang marangya, kaya heto, naghanap na lang kami ng mauupahan na malapit. Hindi naman kami minalas at eto, sa isang tahimik na kalye kami nakalipat. Mukha namang mga mababait ang mga tao dito. Parang lahat pa yata ng mga magkakapitbahay e magkakakilala.


Kami na lang ni Edward ang natira dito, si kuya Dave, andun na sa Amerika at pamilyado na. Si Edward naman nagtatrabaho bilang Nurse ng isang sikat na ospital. Buti na lang malapit lang iyon dito para tipid din sa pamasahe.


Sa edad kong 21 ay wala pa din akong nagiging GF. Wala lang, ayoko lang kasi. Parang hindi ko kasi nakikita ang sarili ko na may pamilya. Mas gugustuhin ko pang alagaan yung mga kapamilya ko. Ayan si Edward, kahit isang taon lang ang tanda ko sa kanya e palagi kong binebaby iyan.

Katatapos lang ilapag ng kargador ang huling gamit namin sa bahay nang tawagin ko si Edward.

'Edward!' tawag ko dito.


'Oh kuya? Anong meron?' sagot ni Edward.


'Lika tulungan mo ko dito. Akyat natin yung kama mo. Tamang-tama dalawa ang kwarto natin. Tig-isa na tayo. Dati magkasama pa tayo sa kwarto.'


'Oo nga kuya. Okay na din to. Buti nga naging madiskarte ako matapos mamatay sila mommy tsaka daddy.'


Napangiti ako sa sinabi ni Edward. Noong nabubuhay pa sila mommy, kaming tatlong magkakapatid ay mga laki sa layaw. Lahat ng luho namin nasusunod. Pero sa kabila ng pagiging mga spoiled, natuto din kaming dumiskarte para kahit mawala man sila ay makakatayo pa din kami sa sarili naming mga paa.


Naging mailap din ako sa mga tao, hindi ko alam pero ayoko ng atensyon. Lalo na kapag pinagtitinginan ka ng mga tao. Parang pinanonood ka nila. Mas lalong para kang naglalakad nang nakahubad kapag nakatingin sila sa akin. Pero wala naman akong magawa, nabiyayaan ako ng magandang mukha at katawan, siguro parte na din ang unwanted attention. Mahiyain din kasi ako. Wala akong self-confidence. Lahat sinasarili ko. Tanging si Edward lang ang nakakaalam ng totoong ako. Kahit anong pilit nila sa akin na sumali sa mga contests, ayoko. Hindi ko natipuhan, mas gusto ko pa din ang may hawak na libro. Oo inaamin ko may pagka-nerd din ako.


'Kuya?' pagtawag nito sa akin. 'Tulala ka na naman diyan. Naku wag mo isipin yun, mahal ka nun.'


*TOK*


'Aray!' malakas na sabi nito habang hinahawakan ang parteng nakutusan.


Tinawanan ko na lang si Edward.


'Hay bunso. Kung andito lang sila mommy at daddy.' sabi ko sabay pakawala ng buntong hininga.


'Bakit?' tanong ni Edward.


'Wala lang. Mas madali ang buhay.' wika ko.

'Nako, kahit naman wala sila, tuloy pa din ang buhay. Kahit mahirap, kakayanin natin iyan. Salamat kuya ah' seryosong sabi ni Edward.


'Bakit?' takang tanong ko.


'Kasi nagparaya ka. Pinauna mo muna akong matapos ng pagaaral. Ngayon nurse na ako at eto tumutulong para kahit papano di tayo maubusan ng pera.'


'Nako wala iyon. Tsaka alam ko namang mas kailangan mong magtapos kaya tumigil muna ako.'


Nang maiakyat na namin ang kama ni edward sa kwarto, nilagay na namin ang kutson nito at humiga na.


'Bait talaga ng kuya ko.' paglalambing sakin ni Edward. Niyakap ako nito kahit na pawisan ako.


'Syempre, para sa bunso ko.' sinuklian ko din ito ng isang mahigpit na yakap.


'Tara ayusin na natin yung sa ibaba. Mukhang mahaba habang araw to.' yaya sa akin ni Edward. Buti at napayagan siya ng supervisor niya na mag-off ng isang araw para dito. Para hindi na ako mahirapan sa pag-ayos.


'Sige sige' tugon ko naman.


Tumayo na kaming dalawa sa kama at bumaba na para ayusin ang mga natitirang gamit sa bahay.


'Kuya magpakilala ka naman ng GF mo, tanda tanda mo na wala pa din nagpapatibok ng puso mo?' wika ni edward habang inuurong yung sofa sa dingding.

'Meron na.' sagot ko naman habang binubuhat yung TV sa table. Lingid sa kaalaman niya na tinamaan ako ni kupido dun sa lalaking nginitian ko kanina.

'Weh? Sino?'

'Secret.' nakangisi kong sabi.

'Kuya talaga oo. Kahit kailan malihim.' panloloko nito sakin.

'Sus, alam mo na nga ata lahat sa akin eh' sagot ko dito.

'Di pa. Matanong nga kita kuya kong baliw.' tapos nang i-urong ni Edward yung sofa at nilapitan ako nito. Saktong nailapag ko na ang TV sa Table at naayos din ang buong bahay.

'A-ano yun?' Kinakabahan kong sabi.

Mula sa ngiti ay biglang naging seryoso ang mukha ni Edward sa akin. Parang siya tuloy ang nagiging mas matanda sa aming dalawang magkapatid.

'Ba't ka kinakabahan kuya? May tinatago ka sa akin ano? Bawal malihim.' nakangising sabi ni Edward.

'W-Wala lang.' at bigla akong pinagpawisan nang malamig.

'Malalaman niya kayang katulad niya din ako?' tanong ko sa sarili ko.

'Hmm?' nakangisi pa din si Edward sakin.

'Sus, ikaw nga walang naging GF. Puro BF. Wala ka pang pinapakilala sa akin. Kaya quits lang tayo.' pag-iiba ko ng usapan.

'Nako kuya, kung alam ko lang baka ikaw din.' sabi nito at nagtaas-baba ang kanyang mga kilay.

'Ha? Ah... Eh...' tila nilayasan ako ng dila ko nang biglang sinabi ni Edward iyon.

'Kuya, pansin ko kanina eh. Yung lalaking kapitbahay natin, nginitian mo. Tapos nung nginitian ka niya e pasimple kang kinilig. Hayaan mo kuya, okay lang yun. Suportahan din kita. Crush mo si kuyang kapitbahay natin no?' wika nito habang sinisiko ako sa tagiliran.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang sinabi niya iyon. Sabagay tinanggap ko din naman siya noong siya naman ang umamin sa akin isang taon na ang nakakaraan.

'Oo bunso eh.' namumula kong sabi.

'Nakow mukhang meron akong karibal kay kuyang kapitbahay ah.' biro nito.


'Ows, crush mo din no?' pang-aasar ko sa kanya.


'Oo. Pero ikaw parang tinamaan ka na e.' balik asar nito sa akin.


Napansin ni Edward na namula ako.


'Uyyy. Si kuya inlab na. Sa wakas.' at tumawa ito ng malakas.


'Tumigil ka nga!' wika ko at bigla ko na lang itong kiniliti sa tagiliran. Dun lang ang pinakamalakas na kiliti ni Edward.


Nagharutan kaming magkapatid hanggang sa nagtanghali na.


'Nakakagutom din palang magbuhat ano?' wika ni Edward matapos naming magharutan. Ngayon magkaakbay kami sa sofa.


'Bah natural. Kabigat kaya nung ibang gamit, lalo sa iyo. Kung tutuusin nga mas madami ka pang gamit kaysa sa akin ah.'


'Sorry naman.' sarkastikong wika ni Edward at naglakad papunta sa dining room.


'Anong gusto mong ulam? Maghahanap ako ng karinderyang malapit para di na tayo magluto.' tanong ko dito.


'Kahit ano kuya. Hindi naman ako pihikan sa pagkain eh.' sagot ni Edward habang hinahanda na ang hapag-kainan.


'Sige. Manlibre ka naman bunso.' magiliw kong sabi.


'Eh! May pera ka naman eh!' ani Edward.


'Buti nga binuhat ko pa gamit mo eh.' panunumbat ko.


'Alalahanin mo di tayo nagkakalayo sa katawan kuya.' sabi nito at dinilaan pa ko.


'Dali na. Treat mo naman! Kuripot neto.' inis kong sabi.


Natawa naman si Edward sa sinabi ko.


'O ayan kuya. Damihan mo yung kanin. Nagugutom na talaga ako' binigyan ako ni edward ng P150.


Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Nagpalit na lang ako ng ibang t-shirt dahil basang basa na sa pawis yung suot ko.


Lumabas na ako ng bahay at sinimulang kilatisin ang paligid. Hindi ko pa kasi alam ang pasikut-sikot dito sa lugar na ito kaya medyo tingin-tingin muna ako sa paligid.


Mabagal akong naglalakad nang biglang...


*SPLAGH*


Nalaman ko na lang nakaupo na ako sa sahig.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment