Friday, May 11, 2012

Anghel Chapter 4








Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)
_____________________________________________________________________

‘Oh kuya. Mukhang meron kang kasama diyan ah.’ Wika ni Edward sa akin.

‘Oo bunso, eto si Mac oh, yung kapitbahay natin.’ Sagot ko sa kanya.

'Mac, si Edward, kapatid ko.’ Bungad ko kay Mac.

Agad namang inilahad ni Mac ang kamay niya at maagap naman itong inabot ni Edward.

‘Nice to meet you kuya.’ Turan ni Edward.

‘Nice to meet you din Edward’ magiliw na sabi ni Mac.

Maya-maya binigyan ako ng nakakalokong tingin ni Edward at ngumisi ito. Pinandilatan ko naman ito.

Pinaupo namin si Mac sa hapag-kainan habang ako naman ay pumunta ng kusina at kumuha ng isa pang plato at mga kubyertos nang bigla akong lapitan ni Edward.

‘Kuya, chance mo na oh.’ Pabulong na pang-aasar sa akin nito.

Natawa ako sa sinabi nito. Pinagmasdan ko siya habang nakaupo sa hapag-kainan. Nawala sa isip ko na pauwiin muna siya at pagbihisin. Nakatopless pa pala ito.

‘Uy Pidyong, matunaw ako ah.’ Banat nito.

‘Oo nga naman kuya, tutunawin mo si kuya Mac eh.’ Gatong ni Edward.

Nangiti lang ako sa kanilang dalawa. Nakikita ko ang pagiging friendly nitong si Mac. Parang walang dinadalang problema. Masayahin, happy-go-lucky, at palaging nakangiti. Samantalang ako? Eto tahimik, akala mo lagi kong pasan ang mundo.

‘Inlove ka na kay kuya Mac ano?’ bulong ni Edward habang nililipat ang mga ulam sa mga mangkok.

‘Hindi ko alam bunso eh. Tsaka wag mo nang tawaging kuya yan si Mac. Mukha namang magkaedad kayo eh.’ Bulong kong sagot.

‘Parang masyadong mabilis kasi kung ngayon pa lang e inlove na ako agad.’ Dugtong ko pa dito.

‘Kuya, walang mabilis o matagal sa pag-ibig. Kaya mo iyan.’

‘E pano kung hindi niya kayang ibalik yung nararamdaman ko sa kanya?’

‘Ganun talaga pag nagmamahal. Minsan, pwede kang manalo. Minsan naman ikaw ang talo. Kapag sinuklian niya ang binibigay mo eh di masaya, magtatagal kayo pero pag hindi, move on na lang, kahit masakit, kelangan mong tanggapin. Hindi pwedeng one-sided lang ang pagmamahal kuya. Tignan mo ako, minsan nang nasaktan noon di ba? Pero ngayon heto nakabangon na ulit.’ Bulong ni Edward.

‘E pano kung sabihin ko na gusto ko siya? Natatakot akong mawala na lang bigla yung pagkakaibigan namin na eto kakasimula pa lang.’

‘Masyado ka kasing agresibo kuya, take your time. Wag mong madaliin ang pag-ibig kuya. Hindi iyan katulad ng ibang material na bagay na pag-gusto mo, gusto mo makuha agad. Ikaw kasi ang pinakaspoiled sa ating tatlo kaya ganyan ka eh.’ Wika nito.

‘oo nga eh, grabe bunso, ako mas matanda pero ako pa humihingi ng advice sa’yo.’ Napapailing na wika ko.

‘ikaw kasi kuya ngayon pa lang naiin-love, kay Mac pa. Mukhang crush ng bayan dito sa kanila.’ Nakangiting sagot nito.

Matapos nang pag-uusap na iyon ay nagtungo na kami sa hapag-kainan at hinain na ang mga ulam. Tahimik kaming tatlong kumain nang magsalita si Edward.

‘Kuya Mac, graduate ka na din di ba?’ tanong nito.

‘Ah hindi pa. Incoming 5th year pa lang.’ sagot ni Mac.

‘Ilang taon ka na ba?’ tanong ulit ni Edward at muling sumubo ng isang kutsara ng pagkain.

‘20 pa lang. Ikaw ba?’

‘Oh? Magkaedad lang pala tayo’ gulat na turan ni Edward.

‘May girlfriend ka na ba?’ singit ko.

‘Ha? Ako? Wala.’ Tugon nito.

‘Oh kuya me chance ka!’ pang-aasar ni Edward.

Bigla naman nasamid si Mac sa tinuran ni Edward.

________________________________________________________________

‘Ikaw naman kasi! Ikuha mo ng tubig si Mac.’ Inis na sabi ni PJ kay Edward.

Agad naman kumuha ng isang basong tubig si Edward at binigay ito sa akin.

‘Ano nga ulit iyon?’ tanong ko kay PJ.

‘Wala. Nako pasensya ka na kay bunso. Malakas lang talagang bumanat iyan’ sabi ni PJ at binatukan si Edward.

‘Kuya nakakadalawa ka na ah’ inis nitong sabi habang hawak ang ulo.

Nasa gitna kami ng kwentuhan nang biglang tumunog ang cellphone ko.

‘saglit lang ah.’ Wika ko sa kanila at tinignan ko ang cellphone ko.


'nakauwi na ko. Nakakatamad sa skul eh. Nasaan ka?' text ni James.

'andito sa kapitbahay. Lunch. E ikaw nasaan ka?' sagot ko dito.


'Nasa tapat ng bahay niyo.' ani James sa text

Tumayo ako at nakita kong naghihintay nga si James sa tapat ng bahay.


'mag-hintay ka lang diyan. May ipapakilala ako sa iyo mamayang hapon.' reply ko dito.

'sige. hmmm sino na naman kaya iyan? babae mo na naman?' tanong ni James



Hindi ko na nireplyan si James at bumalik na ako sa pagkain. Si PJ naman at nakangiting nakatingin sa akin. Hindi naman ako naiilang dito. Kung pwede lang makipagtitigan sa kanya malamang ginawa ko na. Pero hindi din eh. Parang meron akong kakaibang nararamdaman noong nakipagkamayan siya sa akin. Sa loob-loob ko kinikilig ako na ewan. Hindi ko lang ito maipaliwanag pero alam kong hindi dapat at pareho kaming lalaki ni PJ. Hindi ko naman pwedeng ipakita na kinikilig ako dito at baka kung ano isipin nito.

‘Mac?’ basag sa akin ni PJ.

‘H-ha? Ano? Sino? Saan? Kelan? Paano?’ wala sa sarili kong sagot.

Natawa sa akin si PJ. ‘kanina ka pa kasi tulala diyan eh.’

‘Pasensya na. Napaisip lang kasi’

‘Ano naman yung iniisip mo?’ tanong ni Edward.

‘Ah basta. Sa akin na lang muna iyon’ mahinahon kong sagot. ‘masasabi ko din sa tamang oras.’

Nagkibit balikat naman silang dalawa at tinapos na nila ang pagkain. Maya maya pa ay may kumatok sa bahay namin.

‘Mac! Hoy labas na diyan. Patambay!’ sigaw ng isang pamilyar na boses.

‘Sino yun?’ tanong ni PJ.

‘Ah yun? Si James lang yun. Kababata ko, bestfriend ko na din.’ Magiliw kong sagot.

‘San naman nakatira? Parang ngayon lang ulit nakapunta dito ah.’ Wika naman ni Edward.

‘Diyan lang sa tapat. Ganyan talaga iyan. Mahilig mangalampag ng ibang bahay. Palibhasa siya na lang mag-isa dito’ tugon ko naman.

Nang matapos nang kumain ay tinulungan ko na silang dalawang magligpit ng mga pinagkainan. Habang nililigpit ko ang mga plato ay hindi sinasadyang magdikit ang kamay ko at ang kamay ni PJ. Napatingin ako kay PJ pero agad naman itong binawi ang kamay at umiwas ng tingin. Kita ko sa kanya na namula ito na parang kamatis.

‘Okay lang yun Pidyong.’ Nakangiti kong sabi sa kanya.
____________________________________________________________________

Nang magdikit ang kamay namin ni Mac ay muli na naman akong dinaluyan ng kuryente sa katawan. Nakita kong tinignan ako nito pero agad akong umiwas ng tingin at nahiya. Lalo akong tinamaan sa kanyang mga ngiti. Napakaganda ng ipin niyang pantay-pantay at maputi. Siguro si Mac na ang perpektong ehemplo ng crush ng bayan.

Nakatingin pa din siya sa akin na animo’y naaaliw sa akin. Hindi ko naman maiwasan dahil tinamaan na talaga ako kay Mac. Pero hindi pa ito ang tamang oras para aminin ko na may paghanga ako sa kanya. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay isa siyang mabait na tao. Kahit na mukhang suplado ang dating nito. Swerte ko siguro nang makabanggan ko siya. Hindi naman ako palakaibigan. Loner din ako kung tutuusin. Hindi ko din trip yung mga trip ng mga kaklase ko sa skwelahan. Puro na lang kasi sila inuman at yosi kapag magkakasama kami.

‘Ah eh Mac, m-may gagawin ka ba mamaya?’ nahihiya kong tanong.

‘Wala naman. Lalabas lang ako mamaya kasama sila James tsaka Jake. Dun kami sa tambayan namin sa kabilang kalye.’ Sagot nito. ‘Gusto niyong sumama ni Edward?’

‘O sige sige. Kung okay lang sa inyo.’ Nag-aalangang sagot ko.

‘Wag ka nang mahiya. Madadagdagan na ulit kami ng bagong kabarkada eh.’ Sagot nito habang nagtetext sa cellphone niya.       

Ngiti lang ang ibingay ko sa kanya. Sa tuwing maguusap na lang kami ay parang lagi na lang ako nilalayasan ng dila ko. Kung hindi man ako makapagsalita, nauutal ako. Iba kasi itong si Mac. Iba ang aura niya. Parang ang light-hearted niyang kasama. Ganun ang naramdaman ko nung magkasama kaming naglalakad kanina. Oo nga pala at igagala niya ako dito sa lugar nila para kahit papano ay makita ko nang buo ang lugar nila.

‘ang sarap titigan ni Mac’ wika ko sa sarili ko habang nakatitig kay Mac na wari’y nagiisip nang malalim.

_______________________________________________________________________


'asan ka na ba? Nangangalampag na ako dito sa bahay niyo oh. Para na akong bato dito kakahintay.' text ni James.


'aba demanding ang loko. Nandiyan na. Nandito ako kila PJ ngayon. Niyaya nila akong maglunch dito sa kanila.' reply ko.


Hindi na ako nireplyan ni James. Malamang nainis na iyon kakahintay sa akin. E wala akong magagawa, andito ako sa bahay ng bagong kaibigan ko eh.

‘kaibigan nga ba?’ tanong ng isang parte ng isip ko.

‘Hindi ko alam. Wala pa naman siyang pinapakitang motibo.’ Sagot ko naman.

‘Wala daw oh. Niyaya ka na nga ng lunch eh.’ Sabi ng isang parte ng isip ko.

‘Wala lang iyon. Siyempre bagong kaibigan ako sa kanila eh.’ Giit ko dito.

Nagawi ang tingin ko kay PJ na parang pinagmamasdan ako.

‘mukhang malalim ang iniisip mo ah.’ Nakangiting basag nito sa akin.

‘si James kasi. Demanding.’ Sagot ko naman.

Nginitian lang ako nito.

‘puro ka ngiti ah. Pero sa totoo lang, nakakatuwa mga ngiti mo. Nakakapagpagaan ng loob.’ turan ko dito.

‘sa iyo din naman eh.’ Simpleng banat nito.

‘wushu. Bolero’ sabi ko naman.

Natawa lang sa akin si PJ. Nagtaka naman ako nang lapitan ako nito.

‘may dumi ka sa mukha.’ bulong nito sabay pahid ng kamay niya sa may bandang pisngi ko.

Ramdam ko sa mga sinabi niyang iyon ang kanyang hininga, at ang kanyang kamay na dumampi sa pisngi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ata ng muscles ko ay nanigas at ako ay natigilan sa paggalaw. Nagkatitigan lang kaming dalawa matapos niyang ipahid ang kamay niya sa pisngi ko. Tanging mga hininga lang namin ang nararamdaman namin. Kung nakakatunaw lang ang mga titig niya, malamang natunaw na ako dito.

‘ah PJ una na ako ah. Pasensya ka na’ basag ko.

Agad naman itong napayuko at namula ulit.

‘sorry,’ sambit nito.

Napailing na lang ako sa kanya.

Akmang aalis na ako nang bigla siyang magsalita.

‘p-pwede bang makuha ang number mo?’ utal na sabi nito.

‘Huh?’ ang nasambit ko sa kanya.

‘sabi ko kung pwedeng makuha ang number mo. Para kahit papano e meron tayong communication.’ Pag-uulit nito.

Muli na naman nangabayo ang puso ko. Kinakabahan ako. Pero wala sa sarili kong naibigay ang cellphone ko sa kanya. Maagap naman niyang tinanggap ito at inilagay ang kanyang numero.

‘ayan para textex’ nakangiting usal nito.

‘sige sige. Salamat ulit sa lunch Pidyong ah’ sabi ko dito at tuluyan nang lumabas ng bahay nila.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment