Saturday, May 12, 2012

Anghel Chapter 5


Note: this story is entirely fictional. Any similarities in people, place, event and/or other works are purely coincidental. :)
_____________________________________________________________________




'O James. Kanina ka pa ba naghihintay?' tanong ko kay James na nakatayo sa gate ng bahay namin.


'Tingin mo?' inis na sabi nito.


'Sorry ha. Niyaya ako ni Pidyong diyan sa kanila eh.' sabi ko na may sarkasmo. 'wala kang magawa sa inyo no?'


'Eh wala eh. Makikitambay na lang ako sa inyo. Wala pa naman ata kuya mo diyan eh.' turan nito.


'Wala. Malamang nasa ospital pa iyon. Mamaya pang gabi ang uwi nun panigurado.'


'Oh sige tara pasok na tayo.' hatak sa akin ni James.

'Bahay mo?' pambara ko dito.

'Bagal mo kasi eh.' natatawang sabi nito.

Pumasok na kami sa bahay namin at gaya nga ng sabi ni James, tumambay ito sa amin. Wala itong ginawa kundi maglaro sa PC namin. Ako naman ay nanonood ng TV. Hindi naman ako makasingit kay James at naadik na sa nilalarong GTA 4. Palibhasa pareho kaming adik sa mga computer games. Halos palaging andito si James sa amin. Kilala na nga din siya ni kuya eh. Parang kapatid na din ang turing namin kay James. Alam ko din ang mga sikreto nito at ako din lang ang laging sandigan nito kapag may problema siya. Siya na lang kasi mag-isa ang natira sa bahay nila sa tapat. Ang mga kapatid niya ay pamilyado na at ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa din. Minsan nagpupunta ang mga kapatid niya diyan pero hindi naman din lang nagtatagal, kaya heto halos ampunin na namin si James. Mabait din naman kasi, kahit na minsan malakas mang-inis at mang-asar.


Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko.


'Hello :)' laman ng text. Hindi ko naman kilala at unregistered number ito.


'Hi. Sino ka?' reply ko.


'Ang sungit mo pala sa text. PJ to. :(' reply nito.


'awts. sorry pidyong ikaw pala. oo sadyang masungit talaga ako sa text eh. hehe' reply ko dito.

':(' reply nito.

'uyy sorry na po. bawi ako sa iyo mamayang hapon. :)' text ko dito.

'salamat ah. salamat meron na akong bagong kaibigan dito. swerte ko nagkabanggan pa tayo kanina.' text ulit nito.

Napangiti ako sa tinext niyang iyon. Dahil alam kong sa tulong ko, naming magbabarkada ay hindi ito mao-OP dito sa amin. Tatanggalin din namin ang pagiging mahiyain nito. Sayang naman kasi ang kaguwapuhan nito at naging mahiyain pa.


'naku wala iyon. mabuti nga iyon na nagkabungguan tayo kanina at nagkakilala. hayaan mo pag nagtagal, makikilala ka din dito. at madami ka ding makikilala dito. :)' reply ko. Bigla akong kinilig nang mga oras na iyon. Napansin pala iyon ni James.

Nilapitan ako ni James at tinabihan ako sa kama ko.


'Oist ano't kinikilig ka diyan? Sinagot ka ng nililigawan mo no?' pangungulit ni James habang sinisiko ako sa tagiliran.


'Ako? Babae? Wala nga akong planong magkaGF pa eh. Aral muna.' pag alibi ko.


'Takte naman. Style mo Mac, expired na.' pang-asar nito. 'Imposibleng wala kang maging GF. Hindi mo ba naisip ligawan si Nica, si Jeca o kaya si Sara?'


'Hindi. Oo magaganda sila pero wala eh. Walang spark.' tugon ko naman.


'Wag mong sabihing...' at natigilan si James sa sinasabi nito at binigyan ako ng mapanuring tingin. Pilit hinuhukay kung ano ang nasa isip ko.


'Ano?' tanong ko sa kanya habang binibigyan pa din ako ng mapanuring tingin.


'Mac? May hindi ka ba sinasabi sa akin?' seryosong tanong nito.


Natahimik ako. Nilayasan ako ng mga salitang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Marahil ito na ang simula ng pagkasira ng aming pagkakaibigan ni James. Kapag nalaman nito na hindi ako tulad ng isang pangkaraniwang lalake ay baka iwan ako nito. Mas malala na lang kung ipagkalat nito ang sikreto ko sa barkada. Malamang pandidirihan nila ako o kaya iwasan na lang bigla. Kagandang lalake ko tapos biglang ganun ang iisipin nila. Napatingin na lang ako kay James.


'Mac? Hindi ka na nagsasalita.' muling turan ni James.


'Ano nga ulit yun?' patay-malisya kong sabi.


'May hindi ka ba sinasabi sa akin kako.' wika niya.


'Hmmm. Hindi ko alam pero...' pang-umpisa ko.


'Pero? Dali na sabihin mo na. Killjoy nito.' pang-asar sa akin.


'Eto na nga sasabihin na eh! Atat masyado.' inis kong sabi.


'So ano nga? Tama ba ang hinala ko? Tama ba na kaya ayaw mong ligawan sina Nica, Jeca, tsaka Sara kasi... Alam mo na.' seryoso nitong wika.


'Hindi ko alam eh. Pero mukhang oo nga. Ganun nga talaga siguro ako.' wika ko.


Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tanging ang ingay lang sa labas at sa TV ang naririnig naming dalawa.


'James?' ako na ang unang bumasag sa katahimikan.


'Sabi na eh. Sabi ko na nga ba.' malamig na tugon nito.


'Galit ka ba?' malungkot kong tanong dito.


Tinignan ako ni James at ngumiti.


'Mabuti na yung sinabi mo sa akin ang totoo. Kahit ano ka pa, tanggap pa din kita. Ano pa't naging magbestfriends tayo?' sabi nito sa akin.


Nagliwanag naman ang mukha ko nang sabihin niya iyon. Ang buong akala ko kasi ay hindi nito tatanggapin ang totoong pagkatao ko. Mabuti na lang at kabaliktaran ang nangyari.


'Eh Mac, kanino ka naman kinikilig diyan?' pilyong tanong nito. 'Siguro dun sa lalaking bagong lipat ano?'


Pinandilatan ko lang ito at sinabihan.


'Baka marinig ka nun!' pagsaway ko sa kanya nang biglang agawin ang atensyon ko sa labas.


Nasa garahe pala si PJ, nagtetext. Ulo lang ni PJ ang nakikita ko dahil may bakod ang pagitan ng bahay namin.


'Ayun James oh.' wika ko sabay turo kay PJ na nakatayo sa garahe.


'Takte naman sayang lahi niyo!' pang-aasar nito sa akin.


*TOK*


'Tado!' natatawa kong sabi matapos kong kutusan si James. Nagulat kami at tumingin si PJ sa direksyon namin at binigyan kami ng isang matamis na ngiti at kumaway pa.


'Di na ako magtataka. Kahit sinong lalake mababading sa kagwapuhan niya.' nakangising turan ni James.

Nagtawanan lang kaming dalawa. At least para na din akong nabunutan ng tinik nang sabihin ko kay James na nahuhulog ako kay PJ.

'Pakilala ko silang magkapatid sa barkada mamayang hapon. Oh ayan madadagdagan na yung tropa natin.' sabi ko sa kanila.

'Oo nga eh. Okay din iyon. The more the merrier.' nakangiting sabi ni James.

'Idlip na muna ako. Ikaw na muna ang bahala sa bahay.' wika ko matapos kong maghikab.

'Sige lang. Patabi na lang din pag tinamaan ako ng antok.' sagot naman ni James.

________________________________________________________________________

Napatingin ako sa gawi ni Mac. Meron siyang kasamang lalake. Sino naman kaya iyon?


'Siguro yun yung James.' ang naiwika ko sa sarili ko.


Excited man ako kahit na nahihiya mamayang hapon. Ipapakilala kasi kami ni Edward sa mga kaibigan ni Mac. Sana hindi ako unahan ng kaba at hiya mamaya.


'Kuya?' ani Edward na kakalapit lang sa akin.


Tinignan ko lang ito.


'Nagseselos ka no?' tanong nito.


'Hah? hindi ah.' defensive kong sagot.


'Kuya, kahit sabihin mong hindi ka nagseselos, halata pa din sa mga mata mong nangungusap.' nakangiting sabi nito.


'Ganun na pala ako ka-transparent sa iyo bunso.' gulat kong sabi.


'Aba siyempre naman. Kapatid kita eh. Bato na lang ang hindi makapansin.' biro nito.


'Eh mamaya lang ipapkilala tayo ni Mac sa mga kaibigan niya eh. Nahihiya ako.'


'Hay nako kuya, alam mo, ikaw nga ang mas matanda sa akin pero parang ikaw pa ang mas bata mag-isip sa ating dalawa.' banat nito.


Aminado naman akong may pagkaisip-bata din ako. Hindi lang nila alam kung sino pa yung isip-bata, siya pa yung pinakasweet magmahal.


'Kuya ang cute mo pag tulala.' wika nito sabay hagalpak ng tawa.


'Shh wag kang maingay tulog si Mac oh.'


Mataman kong pinagmamasdan si Mac habang tulog. Kahit malayo ay makikita mo ang maamong mukha nito, ang kanyang magandang katawan na ang sarap talagang pagmasdan, lalo't ang higpit ng yakap nito sa kanyang malaking unan. Para siyang bata kung matulog. Siguro masarap itong katabi.


'Cute niyang matulog no?' tanong ko kay Edward.


'Mas cute ako diyan.' banat na naman nito.


'Baliw!' pang-asar ko dito.


'Seryoso, oo ang cute niya matulog.' tugon naman ni Edward.


Nakaramdam ako ng ibayong lungkot nang makita kong tumabi yung isang lalaking kasama niya sa kanya.


'Bunso, tingin mo may namamagitan sa kanilang dalawa?'


'Hindi yan kuya. Tiwala lang. Alam kong nahulog na ang loob mo kay Mac. Kung hindi ako magkakamali, pakitaan mo lang ng paglalambing iyan, makukuha mo na ang loob pati ang puso niyan. Yun eh kung hindi siya straight.' wika nito. 'Wala kasi sa kilos niya ang hindi pagiging straight.'


Napangiti lang ako sa tinuran ni Edward. Patuloy ko pa ding pinagmamasdan si Mac sa kanyang pagtulog. Oo nga, konting efforts pa para mapansin niya na unti-unti na akong napapamahal sa kanya. Hiling ko din na sana masuklian niya yung mga binibigay ko sa kanya.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment