NOTE: this story is part reality,
part fiction. i just changed the names of the people involved. :)
Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.
april 16... 6.00pm (san francisco time), 9.00am(manila time)
kauuwi ko lang galing sa isang pasyal. kasama ko si papang at si mamang. namasyal kami para bumili ng ilang pasalubong para kila kuya at kay josh. bumili na din kami ng aming maipapasalubong sa mga pinsan ko. bumili na din ako ng inaakala kong magiging couple shirt naming dalawa ni jay.
buong araw akong busy at walang problema noong mga oras na iyon. iniisip ko na walang mangyayari. hanggang sa nakatanggap ako ng isang GM sa aking cellphone.
"maybe your choice was wrong when you love me. gm" ang nakasulat sa text.
napaisip ako. o mas magandang kinutuban ako. hindi ako mapakali. hindi ako makaisip nang matino sa sasakyan habang binabagtas namin ang kahabaan ng Leland Avenue. tulala, malalim ang iniisip.
"ano na naman ba to?" bulong ko sa sarili ko.
nakaisip ako ng paraan kung pano ko marereplyan ang loko.
"pang pahiram ng cellphone. patext ako isa lang." paalam ko kay papang habang inaabot ang cellphone niya sa cupholder ng kotse.
hindi na nakasagot si papang nang makuha ko ang cellphone ko.
"mag-online ka. hintayin mo ako. pauwi na ako galing sa pasyal. mag-usap tayo. hindi ako mapakali sa GM mo." text ko sa kanya.
matapos ko itong i-send sa kanya, binitawan ko ang isang malalim na buntong hininga at nangalumbaba na lang sa likod ng kotse. pilit iniisip ang kung anong pwedeng rason para iGM niya iyon.
6.30pm na kami nakarating sa bahay. agad kong umakyat sa kwarto para buksan ang laptop ko. mabuti na lang at mabilis akong nakakuha ng signal ng internet. binuksan ko ang facebook ko at nakita kong online siya.
Emil: hoy.
jay is typing...
Jay: oh?
Emil: anong ibig sabihin ng GM mo?
Jay: ah yun? wala yun. oo nga pala shift na ako ng MedTech.
Emil: hindi iyan ang isyu. ang isyu e yung GM. totohanin mo nga ako, ano bang meron sa GM na yun? kanina pa kita iniisip sa biyahe.
Jay: teka lang bihisan ko lolo.
PUNYETA. lalo akong nainis. napuno ng inis ang katawan ko sa sinabi niya iyon. lagi na lang niyang iniiba ang usapan. kahit na inis ako inantay ko pa din siya.
Jay is typing...
Jay: ano nga ulit yun?
Emil: tae naman oh. KELANGAN BANG IBAHIN LAGI ANG USAPAN?
Jay: sorry naman. :* wag mo na akong isipin. isipin mo na lang yung kung anong gusto mong gawin sa buhay mo.
Emil: bakit? ano na naman ba? wag mong sabihin nakikipagbreak ka na sakin?
dito nagsimula na akong kabahan. hindi ko na mawari kung anong pwede niyang isagot sa mga oras na to. nagtype ulit ako...
Emil: mahal mo pa ba talaga ako?
medyo kumakabog na ang puso ko sa mga oras na to.
"geez. ayoko. kung kailan naman nasa kalagitnaan na ng pagmamahal." sigaw ng isipan ko.
Jay is typing...
Jay: ako oo. pero isipin mo muna kung mahal mo talaga ako. kung tayo, tayo talaga. but im not breaking up ah.
"i'm not breaking up my ass!" bulong ko sa sarili ko. kahit sabihin niya iyon e alam ko na ang kahahantungan nito.
Emil: i love you.
Jay: Mahal din kita mahal :') i love you. sige tulog ka na pasok pa ako ng work.
hindi ako nakuntento sa pag uusap nito. kaya pinigilan ko muna. lahat ng emosyon pinipigilan ko. pinipigilan kong magalit, malungkot, LAHAT! parang nagfa-flashback lahat sa akin lahat ng alaala na magkasama kami, na magkasama kaming nagbabadminton pag sabado. yung lagi niyang pag-asikaso sa akin kapag tapos na ang game. yung pagtawa ko kapag nakikita ko siyang natutulog sa bleachers ng badminton court.
Emil: work? kelan ka pa nagkawork? ba't hindi mo sinasabi sakin? at ano namang work iyan?
Jay: waiter mahal sa catering. mahal wag mo akong gawing priority. studies mo ang priority mo. wag mo akong isipin, madami ka pang makikilalang better sa kin. i love you.
"what the... ano daw?" naguguluhan ako. nagugulo ang utak ko. pero inayos ko pa din ang pagtitipa sa keyboard.
Emil: sabihin mo lang kung hindi ka na masaya sa akin mahal. pakakawalan kita.
Jay: adik. masaya ako sa iyo mahal.
Emil: alam mo naguguluhan na ako sa iyo. seryoso. ano ba talaga? mahal mo ba ako?
.....
Emil: huy. ano ba? hindi ka na sumasagot.
.....
Emil: tang ina! ano ba! MAHAL MO PA BA KO?
Jay is typing...
Jay: mahal, mahal kita. pero sa mga nangyayari sa akin, hindi ko alam. huhuhuhu.
napaisip ako? ano naman ba ang nagyayari sa kanya?
Emil: ano na naman? anong nangyayari?
Jay: madami mahal. iba ang priority mo sa priority ko. hmmm unahin muna natin ang pamilya natin. kung tayo talaga, tayo talaga. hindi ako magbabago. kung ano yung attachment natin sa isa't isa, di yun magbabago mahal. mahal sorry, pinag isipan ko na to nang maigi. kung ano man tayo sana ganun pa din after nito. sorry mahal. let's give some space to each other. for the both of us.
nangingilid na ang mga luha ko habang binabasa ko ang reply niya. pero pinilit ko magpakatatag. hindi ako mapakali. nanginginig na ang mga daliri ko. hindi na ako makapagtype ng matino.
Emil: so ano? gusto mo pa ba? o ayaw mo na?
matagal hindi sumagot si jay. pero inaasahan ko na ang sagot nito, kaya hinanda ko na ang sarili ko sa kung anong magiging sagot.
Jay: ayoko na. pero andun na yung fact na mahal pa din kita. hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo.
natigilan na ako sa binasa ko. di ko alam. naghang ang utak ko. pero andun yung sakit. yung sakit na parang binabaril ka pero hindi ka mamatay-matay. yung sakit na di mo mawari. ang sakit. di ko namalayan natuluan na yung laptop ng luha. napapailing na lang ako sa binasa ko.
itutuloy...
No comments:
Post a Comment