NOTE: this story is part reality,
part fiction. i just changed the names of the people involved. :)
Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.
Emil.exe has stopped working...
mga ilang minuto din akong natulala sa mga binasa ko. pilit kong ina-absorb ang mga katagang nakikita ko sa chat box ko. nawala lahat. ang mga pinipigilan kong mga emosyon. ang pagpigil ko ng mga luha ko. lahat ng iyon nawala. manhid ang naging pakiramdam ko. bumalik lang ako sa katinuan noong buksan ni mamang ang pintuan ng kwarto.
"kain na. ayaw nila ng naghihintay." paanyaya ni mamang.
"sige lang ma. ayokong kumain. nalipasan ako ng gutom." matamlay kong sagot.
"ano ka ba emil! kumain ka don!" galit na sabi ni mamang.
"jusko ano ba to. grabe naman." ang tangi kong naibulong. sabay buntong hininga. alam na nga ni mamang na kapag ayoko, ayoko talaga. sukat ba namang pilitin?
matamlay akong bumaba sa hapag kainan. konti lang ang kinain ko.
"oh. ambilis mo namang kumain?" pagtatakang tanong ni tita meng.
"ahh. ehh. hindi po kasi ako gutom eh" sagot ko naman sabay ngiti ng pilit. ayokong ipakita sa kanila na me dinaramdam ako. "sige po akyat na po ako."
"sige sige" sagot ni tita meng.
umakyat na ako sa itaas. hinarap ko ulit ang computer para mag isip. tutal online naman ako sa facebook ay wala akong nagawa kundi ang magstatus dito.
"uuwi na akong single." ang sabi sa status message ng facebook ko.
wala pang ilang minuto ay may mga nagcomment na dito. karamihan sa mga nagcomment dito ay ang mga barkada ni kuya.
naunang magcomment si josh.
"maghahanda ako ng popcorn pag uwi mo. mukhang mahaba-habang kwentuhan iyan"
natawa naman ako sa naicomment niyang ito. sabagay sa kanya ko minsan sinasabi ang mga problema ko. at sinasabi na lang kay kuya. malalaman ko na lang na alam na ni kuya kapag inaasar na ako nito. okay lang.
"mabuti na lang andiyan ang mga Leaguers" sabi ko sa isip ko. sila na din ang mga nakakasama ko tuwing sabado sa paglalaro ng badminton. sila na din minsan ang nakakausap ko after ng game. sa una ay medyo nahihiya ako pero habang lumilipas ang mga oras nagiging open na ako sa kanila.
sila na din ang nakakilala kay Jay. siya kasi ang una kong pinakilalang nobyo ko. okay naman ang lahat sa kanya. kaya lang sadyang tahimik lang talaga si Jay. Anti-social ba. ayaw makihalubilo. kung minsan natutulog na lang yun sa bleachers ng court.
matapos kong basahin ang mga comments nila ay naglog-out na ako at pinalaro na si mama
humiga na ako sa kama at ipinasak sa aking tenga ang ipod ko.
natuwa naman ako sa kantang tumugtog dito.
maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok at nagpasyang matulog na.
itutuloy..
Author's note: thanks sa mga nagbabasa. read, comment and share if you like :)
No comments:
Post a Comment