Sunday, May 6, 2012

May Tayo Pa Ba? Part 5

NOTE: this story is part reality, part fiction. i just changed the names of the people involved. :)

Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.


lumipas ang mga oras at mga araw na matamlay ako. walang text ni isa galing sa kanya. para saan pa at nagroaming pa ako? e siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nagroaming. at para na din maitex ako nila kuya at josh.


laging tahimik ang cellphone ko. wala. wala. naburo ang cellphone ko. walang dumarating na text. kaya naisipan ko na lang gumawa ng isang storya. pero hindi ako makapagconcentrate dito. lagi na lang siyang sumasagi sa utak ko. lagi na lang siya.


"ano ba naman. di ka maalis sa isip ko!" bulong ko sa sarili habang ginagawang blog ang cellphone ko.


nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng story nang biglang makita ko ang envelope icon sa cellphone ko. agad kong sinave ang gawa ko sabay tingin.


"mahal na mahal kita sobra emil! di magbabago iyon." ang basa ko sa text niya.

oo mahal ko pa din. pero di ko matanggal sa utak ko kung bakit siya nakipagkalas. anong meron? may hindi ba ako nalalaman? kaya nireplyan ko ito. ang daming tanong na naglalaro sa utak ko sa mga oras na iyon.

"makikipagkalas ka pero yan ang tex mo? wow." sabi ko sa sarili ko.

akmang bubuksan ko na ang laptop ko pero tinawag ako ni papang.

"emil, tara samahan mo akong maggrocery. wala na tayong stock." sabi nito.


"sige pang, wait lang bihis lang ako." tugon ko naman dito.


agad agad akong nagsuot ng jogging pants at nagsapatos para sumama kay papang maggrocery.


muli ay nagtex na naman si jay.


"mahal, pag isipan natin to ng mabuti. ayokong padalos-dalos. pag usapan natin to pag nakauwi ka na dito sa pinas." sabi sa text.


napataas naman ang kilay ko nang mabasa ko iyon.


"padalos dalos ka na nga sa breakup eh." wika ko sa isip ko.


napansin naman ni papang na nakatitig ako sa cellphone ko.


"oh mukhang malalim ang iniisip mo ah." pagpansin nito sakin.


napatingin naman ako kay papang.


"ah. oo. yung enrollment kasi eh" pagsisinungaling ko. nahihiya akong i-open sa kanila ang tungkol dito. baka magulat lang. kahit naman nagladlad ako sa kanila noon e nahihiya pa din akong maging open sa kanila.


ilang minuto lang ay dumating na kami sa grocery store. pansamantalang kinalimutan ko ang text niya na iyon.


"ang gulo niya." sabi ko sa sarili ko.


bumili kami ng mga groceries para mamayang tanghali at comfort food ko. ilang beses kong nasasagasaan si papang ng shopping cart.


"ano ba?! umayos ka emil ah!" galit na bulong nito sa akin.


"sorry pang." ang tangi kong nasabi.


"wala kasi sa sarili emil!" galit kong bulong sa sarili ko habang nakalagay ang kamay sa mukha.


matapos naming bumili ng mga grocery ay umuwi na kami. nanamlay na din ako dahil nga wala ako sa sarili.


nang makauwi ay dumeretso na ako sa itaas para ituloy ang naudlot na pagoonline.


binuksan ko ang YM ko at doon ko siya itinext.


"mag online ka. ang gulo mo kausap eh." sabi ko sa text na iyon.


wala pang ilang sandali ay nag online na ito sa facebook.


Jay: mahal na mahal kita sobra. di tayo tatagal kung hindi kita mahal :'(


Emil: gumaganon? matapos mong makipagbreak?


Jay: oo mahal. alam kong darating yung time na mas magtatagal tayo. i love you marami emil. sana di mawala ang communication natin.

Emil: ok.

Jay: punta ako birthday mo ha?

"huh? nako wag ka nang umasang pupunta ka sa birthday ko." sabi ko sa sarili ko. oo bitter na kung bitter. pero wala ako magagawa. ayoko siyang makita. lalo't ganun ganun na lang ang pakikipagbreak.

Emil: okay. ikaw bahala.

Jay: punta pa din sa bahay ah?

ramdam ko sa mga messages niya ang lungkot.


Emil: sige.


Jay: mamats hubz!


"hubz? may hubz pa ba? parang wala na eh." sabi ko sa isip ko.


Jay: may ibibigay ako sa iyo sa birthday mo. sayang dapat nga para sa 6th monthsary natin yun eh.


"6th monthsary, wala na nga eh." sabi ko sa sarili ko sabay tawa nang pagak.


Emil: kung ano man yang ibibigay mo, iyo na lang. or wag mo nang bilhin. sabi mo naman unahin mo ang family eh. edi sige. wag mo na lang bilhin yung kung ano mang bibilhin mo. ipunin mo na lang.


Jay: wala kang magagawa. haha. kunin mo ah?


naglalaro sa utak ko kung kukunin ko nga o hindi yung kung anong ibibigay sa akin ni Jay na iyon.

"kung kukunin mo man, itapon ko na lang. pero sayang naman. haaaay bahala na si mr. krabs" sabi ko sa sarili ko.


Emil: sige sige. fine. :| sige na. matutulog na ako. good hapon diyan.


Jay: wag po magpuyat ah. sige good night and i love you hubz.


nag log out na ako sa facebook. pero hindi pa ako inaantok. kaya nagbasa-basa na lang ako ng mga ibang blogs para naman magkaroon ako ng idea kung pano ko gagawin yung blog ko.


habang ginagawa ko iyon ay kinuha ko ang ipod ko para naman kahit papano malibang ako habang nagbabasa. natawa naman ako sa song na tinugtog nito.



Sorry by Madonna on Grooveshark

hindi nagtagal ay inantok na ako kakabasa ng blogs. may iba kasi na hindi pa updated at hinihintay ko lang ang mga updates. simula nang dumating ako dito ay napagtripan kong magbasa-basa ng mga same-sex na stories. wala lang.


pinatay ko na ang laptop at humiga na sa kutson.


habang nakahiga ay di ko pa rin maisip kung ano ang totoong dahilan ng pagbebreak niya.


"hindi lang naman siguro simpleng priority problem lang yun. baka naman meron pang mas malalim na dahilan."


muli, nilamon na naman ako ng antok at nakatulog na.


itutuloy...

No comments:

Post a Comment