NOTE: this story is part reality,
part fiction. i just changed the names of the people involved. :)
Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.
April 23...
isang linggo na ang nakalipas simula ng hiwalayan ako ni jay. natuto na din akong gumalaw nang hindi ko sinusulyapan ang cellphone ko nang maya't maya. sinubsob ko na lang ang sarili ko sa pagoonline, o kaya naman sa paglalaro ng PSP. sa ngayon yun pa lang ang pampalubag-loob ko sa nangyari sa akin nung nakaraang linggo.
sinundo namin ang aking tita sa Fairfield nung umagang iyon. medyo malayo ang biyahe pero sige lang, enjoy naman bumiyahe. makakakita na naman ako ng ibang mga tanawin bukod sa apat na sulok ng kabahayan namin. sa paraang iyon ay nakakalimutan ko na ang sakit na idinulot nito sa akin.
nang marating namin ang aming destinasyon, agad kaming binati ng tita ko. inayos ang gamit at inilagay na sa sasakyan. at dahil madaming nilagay na gamit sa sasakyan ni papang ay kay tita na lang ako nakisakay. hindi ko pinakita sa kanyang merong something. pero mukhang napapansin niya na parang tila laging malalim ang iniisip ko.
"balong?" pag tawag ni tita sa akin.
"yes po?" gulat kong sagot sa kanya.
"you okay?" tanong nito sa akin.
"yeah tita. im fine." sagot ko dito.
"you sure? parang ang lalim ng iniisip mo eh." usisa niya.
"yeah tita im sure. i just miss my friends." alibi ko dito.
hindi na niya ako muling tinanong pa. ilang minuto ding natahimik ang loob ng sasakyan.
"so balong kumusta ang studies mo?" pagbasag ni tita sa katahimikan.
"okay naman po tita." matipid kong sagot sa kanya.
"nako balong, you better study well. there are lot's of job opportunities here. besides, we are not getting any younger as the years pass by. pinipilit na lang ng parents mo ang magwork dito. you wanna work here?"
may parang tumusok sa puso ko nang marinig ko ang mga iyon. napaisip ako nang malalim. dahil wala naman na akong babalikan sa pilipinas e it's about time na panindigan ko nang i will work here.
"yes tita. i do wanna work here." maikli kong sagot.
"well, san mo gusto? sa auntie nads mo o sa may san francisco?" tanong niya.
"anywhere tita. basta i wanna be as close to my parents as possible. ayokong malayo sa kanila. okay lang kung magkasama kami sa bahay." pero sa isip isip ko, it's too early to tell yet.
"very well balong..." at nagsimula nang magkuwento si tita about sa work experience niya at iba pa. panay tango na lang ang sinasagot ko dahil hindi may information overload na and di naman ako masyadong interesado sa ganun.
"...one time namatayan na kami ng pasyente sa care home..." patuloy pa din sa pagkwento si tita.
nginitian ko na lang si tita para naman hindi lumabas na hindi ako interesado sa kwento. sa totoo lang, ang habol ko lang sa pagsama e yung biyahe.
dumating na kami sa bahay at ibinaba ang mga gamit ni tita at ibinalik na sa kwarto niya. nagulat na lang ako nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. agad ko namang tinignan kung sino ang biglaang nagtex sa akin. tinignan ko agad ang cellphone ko.
"good morning mahal! :*" ang laman ng text nito.
"si jay pala. after a week biglang nagparamdam." bulong ko sa sarili ko.
nakita ko ang laptop ko at binuksan ito. inopen ko ang YM ko at doon ko na lang siya nirereplyan sa mga texts niya.
"aba ngayon ka lang nagparamdam. kumusta ka?" reply ko sa kanya.
"eto mahal okay lang po."
"kung may balak kang balikan ako, ikaw naman ang manligaw. ako na nanligaw noon eh." hindi ko alam kung bakit eto yung nireply ko sa kanya.
"ayt. bahala na nga si spongebob." bulong ko sa sarili ko.
"yun na nga itatanong ko sa iyo eh." reply nito.
natigilan ako sa reply niya. napaisip ako sa sinabi niyang iyon.
"ha? di kita gets. ano yung dapat na itatanon mo sa akin?" reply ko sa kanya.
itutuloy...
No comments:
Post a Comment