Monday, May 7, 2012

May Tayo Pa Ba? Part 7

NOTE: this story is part reality, part fiction. i just changed the names of the people involved. 

Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo. 




napapaisip ako sa kung anong pwede niyang itanong sa akin ng mga oras na iyon. wala akong ideya kung ano ito.

natagalan bago magreply sa akin si jay. siguro may ginagawa sa kanila. nang biglang tumunog ang cellphone ko. pagkakita ko nito, si jay ang nag text.

"pwede bang manligaw?" ang laman ng text message na iyon.

natigil ako sa pagtype. hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. nakipagbreak siya sakin isang linggo na ang nakakaraan pero gusto niyang makipag balikan? kung hindi ba naman siya magulo.

"ikaw? manliligaw?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"oo naman mahal ko." sagot niya.

"sigurado ka na ba diyan?" reply ko sa kanya.

"oo naman." sagot niya.

napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon. pero akala ko naman yung ngiti na iyon ay magtatagal.


May 1..

Lumipas ang dalawang linggo. wala akong natanggap na isang tex sa kanya. alam ko busy siya pero sana pahalagahan niya at panindigan yung sinabi niya sa akin na liligawan niya ako. kaya heto na naman ako. matamlay, palaging tulala, minsan wala sa huwisyo. nakakainis yung ganito. hanggang sa dumating yung isang araw na naguluhan na ako sa kanya.

hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako. o sadyang magmomove on na. kinausap ko na ang mga kabarkada ko sa facebook. si joma, siya ang palagi kong nakakausap dito. si mar din nakakausap ko. sa kanila ko nilalabas yung mga problema ko. minsan naman sa leaguers ako humihingi ng payo.

natapos akong mag online nung araw na iyon. umaasang kahit message lang meron siya sa facebook. pero bigo ako.

"nakakasawa na. ang tagal ko nang naghintay pero wala." sabi ko sa sarili ko.

humiga na lang ako sa kama at nagisip-isip. ipinasak ko na lang sa tenga ko ang ipod ko.




Somebody That I Used To Know by Gotye ft. Kimbra on Grooveshark

nasa kalagitnaan ako ng kanta nang biglang bumukas ang pinto.

"emil magbihis ka bilis." utos sa akin ni papang.

"ha? bakit? san tayo pupunta? parang biglaan naman?" sabi ko naman.

"bilis aalis tayo nila tita meng mo." nakangiting sabi ni papang.

nagtaka naman ako sa mga sinabi niya. agad naman akong nagbihis kahit hindi ko alam kung saan kami patutungo.

"saan ba tayo pupunta?" pag usisa ko.

"sa reno." sagot ni papang.

"layo ah." matipid kong sagot.

hindi na sumagot si papang. nang makapagbihis na ay bumaba na kami papunta ng garahe.

maya-maya ay inabutan ako ni tito james ng camera.

"ayan para meron kang maiuwing mga litrato. ipapahiram ko sa iyo iyan." nakangiti nitong sabi.

"sige tito. thanks po." magiliw kong sagot sa kanya.

sumakay na kami at bumiyahe na. nasa kalagitnaan ka ng biyahe nang meron akong maalala.

"shoot wallet at cellphone ko!" sigaw ng utak ko. di ako mapakali ng mga oras na iyon. napansin iyon ni mamang.

"emil? okay ka lang?" tanong ni mamang sa akin.

"oo ma. naiihi lang ako." alibi ko sa kanya. pero talagang naiihi na ako ng mga oras na iyon.

"sige lang. malapit naman na tayo." wika ni mamang sa akin.

tumango lang ako kay mama. iniisip ko sa mga oras na iyon ay baka bigla na lang itong magtext. at baka magtampo na naman kapag hindi ako nagreply.

buong araw kaming nagstay sa reno. gala dito, gala doon. para bang wala akong pinuprublema nang mga oras na iyon. isinantabi ko muna ang lungkot at hindi naman ito makakatulong sa akin. wala na akong pakialam kung magtex man siya o hindi. basta ako, unti unti nang nakakamove on, unti unti nang bumabangon. or so i thought...


hatinggabi na kami nakauwi nang bahay matapos noon. matagalang biyahe kasi mula reno hanggang sa bahay.


agad akong umakyat ng kwarto para tignan kung merong nagtex. nadismaya lang ako nang makita kong ni isa walang nagtext sa cellphone ko. initsa ko na lang ito sa hinihigaan ko at nagpalit na lang ng pambahay. nag online ako saglit para iupload ang mga pictures na nakunan ko kanina sa reno. pagkatapos noon ay idinaan ko na lang sa tulog ang lahat. nakakatamad nang maghintay. sobrang nakakasawa na. yung feeling na basag na ang puso mo kakahintay binabasag pa lalo kapag hindi nagpaparamdam sa iyo yung taong binigyan mo ng halos lahat ng puso mo.


Itutuloy...


Note: balak ko nang unahan ang kalendaryo hehehe. magshishift na ito from reality to fiction. this might not be what i plan to happen pero gusto kong isipan ng ending ito. pasensya na kung magiging fiction na ang magiging next chapters nito. gaya nga ng sabi ko, this story is part reality, part fiction. the first 7 parts are the reality and the succeeding chapters are fiction na.

No comments:

Post a Comment