Monday, May 7, 2012

May Tayo Pa Ba? Part 8

Note: this chapter onwards will be the start of the fiction part. dahil matagal pa ang confrontation namin talaga so i decided na unahan na ang kalendaryo. BTW, this is what i imagined that will happen when i get back sa pinas. but still, pwedeng mangyari talaga ito, pwedeng hindi.

Pasensya na din po. this is my first time to write a story. kaya medyo magulo.


June 1...


naalimpungatan ako dahil nasinagan ako bigla ng araw.


"what the..." pupungas-pungas kong sabi habang kinakapa ko kung nasaan ang cellphone ko.


"5.30am? grabe naman ang taas na ng araw." inis kong sabi. bumalik na lang ako sa aking pagtulog nang bigla akong ginising ni papang.


"gising na. last day mo na dito oh. uuwi ka na sa pilipinas mamayang gabi." wika nito sa akin.


"oo nga pang eh. as much as possible gusto ko pang magstay. pero wala ako magagawa." tugon ko naman dito.


"emil, just reach your goals. ikaw lang ang hinihintay namin dito sa amerika. magtapos ka. pass the board exam with flying colors. dito ka na magwork."


hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko nang sinabi ni papang yun. naalala ko ang sinabi ni tita sa akin nung minsang sinundo ko siya.


"we are not getting any younger as the years pass by. pinipilit na lang ng parents mo ang magwork dito" pag ulit nito sa utak ko.


tinignan ko si papang. tinamaan nga talaga ako sa sinabi niya. ako na lang pala talaga ang hinihintay nila dito sa amerika. bakas na sa kanya ang hirap. maski si mama na himbing pa din sa pagtulog ay naki-kinita ko na ang signs ng pagod.


napaisip ako. kaya ko to. hindi pwedeng nang dahil lang kay Jay na pinakawalan ako ng di oras masisira ang pangarap ko. pwede kong ituloy ang pangarap ko nang wala siya. kahit hindi ko siya kasama sa amerika okay lang. basta ang importante e makatulong ako sa mga magulang ko dahil hindi ko sila kayang makitang naghihirap. ayokong madisappoint sila.


ngumiti naman si papang. pero ako? oo nangingiti pero nangingilid ang luha ko.


"pang saglit lang ah. banyo lang ako. sinisipon ako." alibi ko sa kanya at nagtungo agad sa banyo.


pagdating ko ng banyo ay tumulo na lang ang luha ko. mahal ko din sila. hindi ko lang maiparamdam dahil pasaway ako. pero kelangan ko to. hindi lang para sa akin tong opportunity na ito. para sa aming lahat to.


"hindi ako papayag na dahil lang sa pesteng breakup masira ang pangarap ko!" gigil kong bulong sa sarili ko.


naghilamos na ako at nagayos ng sarili dahil alam kong mahaba-haba ang araw na ito.


nang magtanghali, napag usapan namin na doon na lang sa San Francisco magpalipas ng oras. kesa naman walang gawin sa bahay.


picture dito, picture doon. lakad dito, lakad doon. madami akong nakikitang mga magkakasintahang lalake habang naglalakad kaming tatlo nila mamang sa pier 39. napapansin nilang nangingiti ako.


"inggit ka no?" tanong ni papang.


nagulat naman ako sa sinabi niyang ito.


"sus. ikaw talaga. nagkaboyfriend ka lang ayaw mo nang pumunta dito." wika nito sabay ngisi.


"eh?" gulat kong tanong sa kanya. baka nabasa niya ang blog na ginagawa ko. yun lang kasi yung outlet ko noon mga panahong nasasaktan ako sa break up namin ni jay.


"ano?" natatawang sagot ni papang.


napailing na lang ako kay papang.


patuloy pa din kaming naglalakad nila mamang sa San Francisco. sinusulit namin ang mga oras na nalalabi. sa totoo lang, ayoko mahiwalay sa kanila. masyadong bitin ang dalawang buwan para makabonding sila. matagal na naman bago ko ulit sila makita. yun ang pinakaayokong nangyayari sa akin         ang mahiwalay sa kanila.


7.00pm...


eto na, wala nang atrasan to. 2 years ko na naman silang hindi makakasama. nakapagdinner na kaming tatlo.


hinatid na nila ako sa airport at sila na din ang nagcheck in ng mga bagahe ko. matapos nun ay nakipagkwentuhan ulit ako kila mamang at papang.


"emil. pagbutihan mo ang pag-aaral mo. please lang." bilin ni mamang sakin.


"opo mang." ngiti kong sagot sa kanya.


"mabuti naman." wika nito.


"maaga pa naman kaya lakad lakad na muna tayo dito." yaya ko sa kanila. ayoko naman na nakatayo lang kami sa waiting area bago ako umalis.


naglakad lakad muli kaming tatlo sa loob ng airport. maganda din ang SFO. yun nga lang parang mas nalalakihan ako sa LAX.


9.00pm...


"mang, pang, 9 na oh." wika ko sa kanila habang nakaturo sa orasan sa airport.


"oo nga. basta ha. pagbutihan mo ang pagaaral mo." wika ni mamang. kita ko sa mga mata nito ang pag-asang makakatapos ako.


"emil, ang makapagtapos ka lang, okay na sa amin yun. makakabalik ka na ulit dito at dito ka na din magboard exam." wika naman ni papang.


tumango ako bilang pagsagot sa kanilang mga bilin bago ako pumunta ng boarding gates.


"o pano ba yan. dito na lang." wika ni mamang, nangingilid na ang mga luha. eto ang kahinaan ko sa kanila. ang makita silang umiiyak. kapag nakita ko ang isa sa kanilang umiiyak ay naluluha din ako. ayoko kasing makita silang umiiyak. nakakadurog ng puso.


"sige mang, pang. i love you." wika ko sa kanila. niyakap nila akong dalawa. dito hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.


nang bitawan na nila ako ay naglakad na ako papalayo sa kanila. nakakalungkot man ang tagpong ito pero kelangan talaga. gusto kong matapos to. gusto kong matapos ang nararamdaman kong sakit na idinulot ni jay. ngayon magkakaroon na ng paglilinaw ang kung anong nangyari.


kinawayan ko na silang dalawa at tuluyan na akong naglakad sa boarding gates. kita ko sa kanila ang lungkot. si mamang nakayakap kay papang at inaalo ito. maski si papang ay nakikita kong naluluha na din. maski ako naluluha. pero tinatagan ko ang loob ko. dahil alam kong pagbalik ko ng amerika, andiyan man si jay o wala, makakamit ko din ang pangarap ko.


naisip ko si jay. hanggang ngayon hindi pa din nagtetex. hinayaan ko na lang ito. tinanggal ko na ang roaming sim ko at ipinasok ang dati kong sim sa pilipinas. bahala na kung ano ang kakaharapin ko sa pilipinas.


"philippine airlines PR 105 bound for Manila, we are now boarding," page ng isang attendant sa harap.


lumapit na ako dito at sumakay na ako. 16 hours mula sa ngayon ay makakabalik na ako ng pilipinas.


itutuloy...

No comments:

Post a Comment